Prologue

23.6K 443 71
                                    

Prologue

It's 5:30 in the morning and my usual routine, gumising para asikasuhin ang baby kong si Cassidy. Unti unti akong bumangon sa maliit naming kama para hindi sya magising. Kaylangan kong mag handa ng breakfast namin at mamayang 7am, darating si Len, ang kinuha kong yaya nya, pero hindi sya stay in. Arawan lang kasi ang pasahod ko sa kanya dahil kapos pa kami ni Cassy sa budget.

"Hmm, mommy?" Nagising pala ang anak ko buhat sa pag bangon ko. "You're leaving again?" Nag kukusot pa sya ng kanyang mata.

"Mommy's going to work. You behave okay? I'll come home before you know it. Wag masyadong makulit kay ate Len ha? Sleep some more. I'll cook breakfast." Bilin ko dito.

Nag luto lang ako ng pritong itlog at sausage para saming mag ina. Nag timpla na rin ako ng gatas para sa kanya. Pag dating ni Len para bantayan si Cassy, ay sya namang oras ng pag alis ko para sa trabaho.

I am working freelance writer and part time tutor. Ito na siguro ang pinaka magandang trabahong nahanap ko sa loob ng mga nakaraang linggo kung saan medyo disente na rin ang sweldo kahit hindi regular. Naranasan ko kasing mag kahera sa mall, mag part time waitress din pero masyadong nakakapagod at hindi sapat ang minimum wage para sa gastos sa araw araw.

Kung di sana na revoke ang lisensya ko bilang guro, baka nag tuturo pa rin ako ngayon at kumikita ng maayos. Nilunok ko ang kahihiyan sa twing may mga kakilala at dating estudyante na nakakakilala sakin na namamasukan sa trabahong hindi angkop sa aking pinag aralan. Masakit isipin na ganito ang buhay ko ngayon pero may anak akong binibuhay at isang taon nalang, kaylangan na nyang pumasok ng pre-school, yun ang isa ko pang dapat pag ipunan.

Since Arthur left us, mas naging mahirap para saming mag ina ang sitwasyon. Dati kasi, kahit papano ay sumusuporta sya. But then, hindi ko na rin mapag tiiisan ang ugali nyang pagiging bayolente at obsess sa nakaraan. Isama pang hindi talaga sya mahilig sa babae. Mas minabuti ko na rin na mamuhay kaming mag ina ng kaming dalawa lang.

"Good morning. Maaga ka ah." Masayang bati ni Ana, ang manager sa agency na pinasukan ko. Sila ang nagbibigay samin ng mga kliyente at lahat ng nag tatrabaho sa kumpanya nila ay mga freelancer din tulad ko.

"Kaylangan kumayod eh. Para mas madaming matapos, mas malaki ang kita." I said smiling.

Per output kasi ang bayaran dito. Mas marami kang magagawa, mas malaki ang kikitain mo. Since dati akong guro, I have an advantage sa mga kasama ko kaya ako ang naging top writer nung nakaraang buwan. Sa gabi naman, may side line akong pag tutor sa ilang estudyante para pandagdag kita.

Mas okay na ito, dahil naranasan namin ni Cassy na isang kahig isang tuka. Yung iniisip ko kung ano ang uunahing bilhin, bigas ba o gatas ng anak ko. Napaka hirap kasi na maging single mom at walang maayos na trabaho. Umiiyak ako sa gabi sa kakaisip kung saan uutang o kukuha ng pang gastos sa susunod na araw.

Minsan nasip ko, sabihin ko nalang kaya ang totoong pagkatao ni Cassy. Sabihin ko kay Artemis na anak nya sya para kahit si Cassy lang, magkaroon ng maayos na buhay, kahit wag na ako. But then I'm afraid, that woman hates me at baka ilayo nya sakin ang anak ko. Saka ayoko rin sa kanya at mas minabuting wala nalang syang alam.

"Oh heto, bale lima yan.." Ipinatong ni Ana ang limang folders sa table ko. "Pag natapos mo yan, kota ka na ngayong araw."

Napangiti naman ako kasi mas marami, mas maganda ang bayad. I can finish this in half day para makapag grocery pa ako mamaya bago mag tutor.

"Salamat Ana. Tatapusin ko agad to." I told her smiling.

About 11am, medyo masakit na ang batok ko pero kaya pa naman. I skipped coffee break para matapos agad ang trabaho nung lapitan ako muli ni Ana.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon