Art 9

7.7K 333 22
                                    

ARTEMIS 9

Napaupo ako sa isang antigong upuan habang hinihingal at nagpupunas ng pawis. Hindi dahil napagod ako kundi nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na galit sa lalaking nanakit kay Nathalia.

I didn't take long for me para malaman kung sino sya. May ideya na talaga ako bago pa man sabihin ng investigator ko ang totoong nangyari.

Now, bukod sa dugo ko sa mukha dahil sa pag linis ko ng kalat kay Albino na hindi mo na makikilala dahil sa sinapit nya sa kamay ko, malinis na..

Tapos na..

Nag tungo ako sa lababo para maghugas ng kamay. Binuksan ko ang ref at kumuha ng isang malamig na beer. Nandito pa rin ako ngayon sa lungga ng lalakeng ito, kasama ng ilang alipores nyang ganun din ang sinapit tulad nya. May mga tao na rin na maglilinis ng mga kalat, sino pa ba? Eh di mga boys ni Amber na parte ng tila secret military ng pamilya nila.

Lumisan ako sa lugar bago pa may makakita sakin at mabilis na umuwi sa bahay para maglinis ng katawan. Pero pag uwi ko nang bahay, sakto naman naabutan ko si Lake. Hindi pa rin kami nag kikibuan mula nung sinapak nya ako nung huli kaming nag usap.

And it's not in my nature to lower down my pride, but it's actually my fault, hindi ko sya masisisi.

"Lake..." I approached her. Nakaupo sya sa sofa sa living room, tila nag iisip ng malalim. Why is she here? When she should be in the office right now.

Lumingon sya sakin saka tipid na ngumiti. "I'm sorry ate..."

Umupo ako sa tabi nya kahit alam kong magtataka sya kung bakit ganito ang itsura ko, may bakas kasi ako ng dugo sa muka. Ginamit ko lang naman ang paborito kong knife sa pag tapos kay Albino. Hindi ako gumamit ng baril kasi masyado iyong mabilis at madali. Gusto ko yung masasaktan muna sya, bago sya matuluyan.

"It's okay. I should have known better how to shut my mouth.." Sagot ko sa kanya.

She chuckled. "Beer?" Alok nya.

Hindi pa ako nakaka oo pero tumayo na sya at kumuha ng dalawang beer sa ref.

"Why are you here? Where is your little girlfriend?" I asked her.

"You? Why are you here?" She asked instead of answering me.

"I...have to clean..." I answered.

Tumingin sya sa itsura ko at sa damit ko at napangiti. Hindi ba sya magtatanong kung ano ang nangyari sakin? Or hindi manlang ba sya mag aalala na baka napahamak o naaksidente ako?

"You killed him, am I right?"

Nagulat ako dahil wala namang alam si Lake sa nangyari. Or so I thought..

"How did you know?" I asked her.

"Kasi yan din sana ang gagawin ko, pero since nauna ka na, kaya dumirecho nalang ako dito." Natatawa pang sabi nya.

"Galing ka doon? At hindi mo ako tinulungan?" Inis na tanong ko.

"Yeah. Kita ko kasing gigil ka. So minabuti ko nalang na manood at you know, hayaan ka lang." Proud na sabi pa nya.

Anak ng! Di manlang nya naisip na paano kung naunahan ako, eh di ako ang napuruhan ng mga kampon ni bumblebee?

"He deserved that..." Sabi ko nalang.

I am tired, but I am happy. Tired but at the same time full of energy. Gusto ko na ulit bumalik sa office para puntahan si Nathalia at Cassy.

"Why?" Lake asked.

"Why? He hurt Nathalia Lake. May utang pala sa kanya si Nath na maliit na halaga pero umabot sa isang milyon dahil sa ganid ang lalakeng iyon! Kulang pa nga yon kung tutuusin." PaLiwanag ko sa pinsan ko.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon