Art 16

8.6K 307 20
                                    

ARTEMIS 17

NATHALIA POV

Kanina ko pa minamasdan si Artemis na halos hindi na natulog para lang bantayan ang anak kong si Cassy. Hinihintay nya talaga ang bata na magising matapos sabihin ng doctor na stable na sya at malayo na sa peligro.

Madaling araw na pero wala pa rin syang tulog. Nakailang coffee na rin kami at nakatulog na rin ako ng ilang beses, pero sya, matibay at gising na gising pa rin.

"Coffee ulit?" Alok ko sa kanya.

Nakaupo sya sa dulo ng couch, ako naman ay sa kabilang dulo. May manipis na sheet na nakabalot sa kanya kasi yung jacket nya at pinahiram nya sakin para gamitin dahil malamig sa kwarto.

"No. Ikaw? Gusto mong coffee?"

Umiling ako at muling tumingin kay Cassy na tulog na tulog pa rin.

"Have some sleep Art. Pag nagising si Cassy, makikita naman nya na nandito ka pa rin." I told her.

Sabi nya kasi, gusto nya na sa pag mulat ng mata ng bata, sya ang una nyang makita. Kaya nagtiis sya sa puyat para lang mahintay ang pag gising ng aking anak.

And again, I felt a sting in my heart. Dahil ngayon, hindi ko na mapigil na hindi mag alala sa kung ano ang pwedeng mangyari sakaling malaman nya na anak din nya si Cassidy.

Bumabait na si Artemis kumpara sa mga pinapakita nya sakin nitong mga nakaraan. Nararamdaman ko na bumabalik na ang dating sya, na palaging nandyan para sakin. Kung paano kami dati, nagiging ganon ulit ang trato nya sakin. Mabait, mapag bigay, maaalahanin, at maaasahan.

Tulad sa pinakita nya ngayong pag tulong sa aming mag ina. Sya halos ang sumagot sa lahat ng gastusin at nagbigay ng dugo.

Ngayon, iniisip ko pag nalaman nya ang totoo, malamang magalit sya at pag lupitan na naman ako. Baka kuhanin nya sakin ang bata at tuluyang ilayo.

Baka idemanda nya ako total mayaman at maimpluwensya din sya, hindi imposibleng magawa nya ang mga bagay na iyon dahil sa pag tatago at pag kakait ko na ipakilala ang kanyang anak.

Lalo na ngayon na masyado nang napapalapit ang loob nila sa isat isa. Nagiging malakas ang loob ni Cassy sa twing nandyan sya at iyon ang pinaka gusto ko kay Art...

Dahil kahit ako, nagiging malakas at matapang din dahil sa kanya. Naalala ko dati nung college kami, pag kasama ko sya. Kaya nga kasi akong ipag tanggol at ilayo sa mga maloloko sa school. Walang kayang gumalaw sakin o bumangga dahil alam nila na protektado nya ako.

Ako kasi ang top student sa buong department, plus ako rin ang palaging inaalok sa mga beauty contest sa school kaya maraming babaeng naiinggit. Marami ding lalakeng lumalapit sakin and one time, may nagtangka pa na pag samantalahan ako. Pero lahat sila, lahat ng nagtangka na galawin ako, pinag bayad sila ni Artemis ng doble sa dapat at inilagay sa dapat nilang kalagyan.

Pero nung nawala sya, para na rin akong ibon na nawalan ng pakpak. Binalikan ako ng mga umaaway at naiinggit sakin at binully ako sa school dahil alam nilang wala na sya.

Iyak ako ng iyak araw araw habang tumatambay sa lugar na madalas naming pinupuntahan para doon sya hanapin, hintayin at magbakasali na isang araw, babalik sya at magiging normal na ulit ang lahat.

Pero inabot ng ilang taon, hindi na nya ako binalikan. Then I learned to stand up for myself and pursue my career until I became teacher. I earned a lot, I had a life, I enjoy working and playing as well. I was good, I was happy then...

Then Lake came, and the rest is history.

"Mama..."

Naputol ang lalim ng iniisip ko nung marinig ko ang mahinang boses ni Cassy. Gising na ang anak ko kaya pareho kami ni Art na napangiti.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon