Art 32

8.1K 297 41
                                    

ARTEMIS 31

NATHALIA

"Bakit mo naman kasi sinabi na live in tayo? Ayan tuloy napala mo." Paninisi ko kay Yohan pag uwi namin ng bahay nya.

"Malay ko ba na asawa mo pala yun. Di mo naman kasi sinabi." Pagdadahilan nya habang hinihilot ang kanyang leeg na namumula mula sa pag kakasakal kanina sa kanya ni Art.

"Ah basta. Mahabang kwento." Tumayo ako para puntahan si Cassy sa kwarto at iniwan ko sya sa sala. Pag pasok ko, sakto naman gising na ang baby ko. "Gutom ka na? Halika may food sa baba." Hinawakan ko sya sa kamay para samahang bumaba pero hinila lang nya ulit ang kamay ko.

"Mommy...?"

"Yes baby?" Muli akong tumabi sa kanya sa bed. Pero nagulat ako nung bigla nalang itong yumakap sa tummy ko.

"I dreamed about mama Art..." Saad nya habang itinatago ang mukha sa aking tyan na parang ayaw nyang makita ko ito. Tingin ko ay naiiyak na naman ang anak ko.

I kissed the top of her head. "Really? What happened to your dream?"

Hindi sya nakasagot kasi pinangunahan na sya ng mga pag hikbi kaya hinaplos haplos ko ang kanyang likod. "Cassy?"

Saka sya nag angat ng mukha. "She said she missed us so much and she was crying alone at the hospital..." Saad nito ng umiiyak. "I want to see my mama Art mommy...please.." Pakiusap nito sakin.

Niyakap ko si Cassy at pinilit pinatahan. Gusto ko sanang sabihin na nagkita na kami ng mama nya pero hindi naging maayos ang pagkikitang iyon. Saka bakit mas pinili pa nyang samahan ang mag ina kanina kesa sakin na asawa nya. I muat admit, it hurts on my part to think na sa dami ng kaylangan naming pag usapan, parang okay lang sa kanya na hayaan akong sumama sa iba.

Paano nga kasi kung tama ang hinala ko na may pamilya pa syang iba? Baka mamaya humingi na yun ng annulment dahil napunta na sa ibang pamilya ang atensyon nya.

"Halika na, kumain ka na anak." Pinilit ko si Cassy na bumaba sa bed pag tapos sya patahanin pero hindi ko inaasahan ang nakita namin pag labas ng pinto.

Si Yohan ay nakabagsak sa sahig at nakatayo sa harap nya si Art na parang hindi sya aatrasan.

"Art!"

"Mama!"

Sabay naming sigaw ni Cassy.

Mula sa galit na mukha na pagkakatingin kay Yohan ay bigla itong napalitan ng emosyonal na ngiti nang mabaling ito kay Cassy na ngayon ay mabilis na tumatakbo pababa ng hagdan para lapitan ang mama nya.

"Mama!" Sigaw pa ng anak ko sa mama nyang napaluhod at sinalubong ang anak ng yakap.

"Baby..." Lumuluhang sabi ni Art habang yakap ng mahigpit amg anak. Tumayo pa ito at binuhat si Cassy na parang wala silang pakialam kahit may Yohan na nakahandusay sa sahig.

This sight of them, breaks my heart too. Alam ko naman, pareho silang nahirapan sa kagagawan ko pero hindi naman kasi pwede na habang sila ay nagmamahalan, ako ay unti unting nauubos nalang.

Now that we're here again, lalo pa at natagpuan na ni Art ang kinaroroonan naming mag ina, hindi ko na alam kung ano ang susunod na mangyayari lalo ay buntis pa ako.

"I missed you..." Saad ni Art sa anak nung humarap ito dito.

Hindi sumagot si Cassy pero muli lang itong umiyak at sumiksik sa leeg ni Art.

Nag iwas ako ng tingin dahil naluluha din ako sa nakikita. Pareho silang hilam ang mata sa luha and no doubt, their love for each other is unquestionable unconditional.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon