Art 30

7.9K 287 15
                                    

ARTEMIS 30

"Are you...hmmn.."

Napalingon ako mula sa pag titipa sa laptop nung magsalita si Nathalia na nasa aking likuran. Nandito kami ngayon sa sala isang gabi, at kaya lang naman ako busy ay may rush email lang ako na dapat sagutin kaagad.

"Am I...what?" I asked her.

"Wag na pala..." Pansin ko ay parang may gusto syang sabihin na hindi nya masabi, saka sya napakamot sa kanyang ulo na parang nalilito o nag aalinlangan.

Wala sa sariling napangiti ako habang minamasdan ang aking asawa. Baka naman may gusto syang hilingin? Ipabili? Or ipaglambing sakin, kaya sya ganito ngayon.

"Babe?"

"Wag na pala. Sige, tapusin mo na yan." Saad nya at akmang tatalikod.

"Hey, not so fast!" Pigil ko dito.

Napahinto naman sya mula sa paglalakad at tila hinihintay na may sabihin pa ako.

Tiniklop ko ang laptop kahit di pa ako tapos sa aking ginagawa at ipinatong ito sa center table. "Come here babe." Saka ko tinapik ang aking kita, pinapaupo ko sya doon.

Napaawang ang labi nya at napatingin doon. Nag aalinlangan kung uupo ba sya, lalapit or kung ano man.

Mas lalo tuloy akong napangiti kasi ang cute nyang malito. Everyday, she makes me proud that she's my wife. And I have the prettiest, sexiest and smart ass wife in the world.

She let out a sigh. Lumapit sya sa akin at huminto sa aking harap, at hanggang ngayon ay nakikipag laban sa kanyang sarili kung uupo ba sya sa aking kanlungan o hindi at pulang pula ang mukha.

"Babe, asawa na kita. Wag ka nang mahiya. I know I am drop dead gorgeous, and I am all yours." Biro ko sa kanya na naging dahilan ng pagikot ng kanyang mata at pag tingin sakin ng masama.

Tumalikod sya para umalis dahil sa inis pero mabilis kong hinila ang kanyang kamay at hinila palapit sakin. At sya ay bumagsak at napaupo sa aking hita. Astride position. I snake my arms around her waist for support saka ko sya niyakap palapit sakin. Ay ang kanyang mga kamay ay nakayakap na rin sa aking leeg dahil natatakot syang mahulog.

Nakangiti akong nakaharap sa kanya habang sya ay makahulugan ding nakatingin sakin. Pero sa mata ng isat isa, alam kong gusto nya ako, at gusto ko rin sya.

"Babe..." Parang naglalambing na ihinilig ko ang aking mukha, sa kanyang dibdib habang nakayakap sa kanyang likod. I could hear her heartbeat na parang musika sa aking tenga.

Na para kang hinehele sa sobrang kapayapaan na dulot nito.  Na sa ilang dekadang pakikibaka sa magulo at maingay na mundo, natagpuan na rin ng puso ko, ang pinakapayapa, pinakatahimik at  pinaka masayang lugar, at ito ay sa piling ng babaeng ito, ang aking may bahay.

"Hmm?"

Mula sa paghilig sa kanyang dibdib ay tiningala ko sya, at nginitian. "Anong gusto mong sabihin kanina? Na hindi mo tinuloy?" I asked.

Napalunok sya at napayuko. "Wala. Tapusin mo na yung ginagawa mo. Para makapag pahinga ka na."  Tila nahihiya nyang sabi.

My little  wife is so cute tonight.

But I knew better. I knew her. Pag may gusto syang hilingin or sabihin ay ganito sya, nahihiya at nag aalinlangan.

Iniangat ko ang isa kong kamay at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang maamo at magandang mukha. Bahagya pa akong napalunok nung dumampi ang kamay ko sa mapula nyang mga labi na parang ang sarap halikan.

"What is it?" I asked again.

"Wala nga." Sabi nya at tangkang aalis sa pagkakaupo nya sakin.

Oh no, wag kang malikot, nara-rub nya si junior ko. Baka magalit yan.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon