Art 17

8K 333 17
                                    

NATHALIA

"Mommy!" Sigaw ng anak ko saka kumaway para ipakita ang ginagawa nila ni Erin na sand castle. Tinutulungan sila ni Art at ni Zep. Tuwang tuwa ang mga bata lalo si Cassy. Parang hindi sya galing sa sakit. Masiglang masigla sya lalo pag punta namin sa isla na binigay daw sa kanya ni Art. Ibang iba ang sigla ng bata kumpara nung nasa Manila pa kame.

Tama nga si Art, mas makakarecover so Cassy pag dinala namin sa dagat. Noong una kasi ay tutol ako na ibyahe agad ang bata dahil baka mabigla ang katawan nya. O kaya ay sumpungin na naman ng panghihina ng katawan at hindi namin agad madala sa ospital. But Art made a way for that, kaya may isang chopper na nakabantay sa isla sakali na may emergency na maganap. Thankfully, wala naman at mas lalo pa nga yatang nagkasigla ang anak ko.

"Wag masyadong mag pagod ha!" Sigaw ko rin sa kanila. Palagi kong pinapaalalahanan na wag magpapagod si Cassy pero sa twing makikita ko rin ang saya ng bata, wala rin akong magawa kundi payagan silang mag laro ni Art.

Dahil sa ilang taong kasama ko si Cassy, ngayon lang sya talaga naging ganito kasigla at kasaya. Kahit ayaw ko man yung mga ginagawa ni Artemis tulad ng pagbibigay ng mga laruan at iba pang bagay, natutuwa na rin ako na napapasaya nya ang anak ko.

Bagay na hindi ko rin naman kasi kayang ibigay sa bata.

Nilapitan ko sila at umupo na rin sa buhangin para panoorin ang kanilang ginagawa. They are playing with sands at bumubuo sila ng castle. Pagandahan ang labanan, team ni Cassy at Art, at team ni Zep at Erin.

Napapailing nalang ako kasi mas maganda at mas malaki ang gawa nila Zep. Tsk, kawawa naman ang mag ina ko.

"Mama their castle is much bigger than ours..." malambing na sabi ni Cassy kay Art. Tila inuutusan nya ito na huwag magpatalo.

"Because Erin is the real queen.." Saad naman ni Zep.

Cassy pouts her lip kaya napangiti nalang ako.

Then inakbayan sya ni Erin. "Don't worry, my castle is yours too.." Pag aalo naman ng bata sa anak ko.

"Mommy kasi..." Nagsalita si Art and she's talking to me. "...tulungan mo kami ni Cassy para mas gumanda ang gawa namin." Nakatanggap sya ng irap sakin dahil kung makatawag syang mommy kala mo naman nagmamahalan kame.

Natigilan sya at ngumisi saka bumaling kay Cassy. "Di ba baby?"

"Mommy please help us. Please....." Pakiusap ng anak ko with matching pag siklop ng kamay. Si Art nakangisi at tumatango tango na rin.

Ano pa nga ba? Eh di pati ako, nauto nilang makisali sa pang batang laro nila.

Kaso, sumali rin sa kabila si Blaze. At akalain mong mas maganda pa rin at mas pulido ang gawa nila. Tuwang tuwa tuloy si Zep.

Malungkot na tumingin si Cassy kay Art, then sakin. I smiled at her and cupped her face. "It's okay baby. Wag kang sad kasi mas maganda yung sa kanila." Pag aalo ko sa bata.

She smiled. "Yes mommy. I'm not sad. I am happy because, I have mommy." Saka sya bumaling kay Art. "And I have mama Art." Saka sya ngumiti. "And I own this island." Dagdag pa nya.

Napailing nalang ako. Jusko, wag naman sanang maging mayabang tulad ng pinang galingan nya ang anak ko.

"Of course you have us." Si Artemis na kiniliti pa si Cassy kaya napahagikgik.

Napangiti tuloy ang mag asawang kaharap namin. Niyakap pa ni Zep si Blaze at hinalikan, habang kalong sa hita ang anak.

"I love you both." Cassy told us, sabay halik sa pisngi namin ni Art.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon