Art 19

7.8K 317 38
                                    

ARTEMIS 19

ARTEMIS

"Archer..." I mumbled but I know Nath still heard me. Now, she's cornered.

Gusto ko naman talaga na pag usapan na namin ang tungkol kay Cassy kasi hindi pwedeng itago nya sakin ang totoo nang matagal. I want her to know, I don't have any plan na ilayo si Cassy sa kanya.

And if ever man maisip ko yon, hindi sya maiiwan dahil isasama ko sya. Hindi ako lalayo sa kanilang dalawa. Kung may plano man ako para sa future ng anak namin, kasali sya doon. The only reason kung bakit hindi ko pa pinapaalam na alam ko na ay dahil umiiwas sya at alam kong hindi pa sya komportable. I know she doesn't trust me anymore at hindi ko naman sya masisisi. That's why, hindi pa ba obvious ang ginagawa ko? I am trying my best to earn her trust again, like nothing happened to us.

Hindi ko naman sana sya bibiglain, but my mom notice my resemblance to Cassidy. Now, we have no choice.

"Hmmn..."

My babe is so nervous and tense. Syempre naman, nasa teritoryo ko sya. Wala nga naman syang kawala ngayon. Now, how can you get away with this?

"Cassy's father is A-Arthur. Y-you already know that right?" Bwelta nya sakin.

Lies. Napangiti nalang ako. Paano mo lolokohin ang taong alam na ang totoo. Maybe she's really scared on what would happen next. Iniisip ba nya, magagalit ako? Magagalit si mommy na itinago nya samin si Cassy?

"Nathalia, I am Archer. You already know that." I told her.

"Mama?" Biglang sumingit si Cassy at pinilit pa akong lingunin.

"Yes baby?"

"You are Archer?" Cassy asked me.

Hinaplos ko ang kanyang buhok at hindi maiwasan na hindi mapangiti sa nagtataka nyang mukha. My child, how would you feel pag nalaman mong ako ang dad mong matagal mo nang hinihintay?

"I am." I told my kid.

Cassy frowned her brow pero nakatingin pa rin sya sakin. Yung mommy nya, napalunok at napainom ng tubig. Napalingon si Cassy kay Nath pero hindi makatingin sa kanya ang isa.

"You are?" Tanong pa ng anak ko.

Tumingin ako kay Nathalia na nakatingin din pala sakin. Saka ako sumagot kay Cassy. "I am your dad Cassy..."

Nathalia immediately shook her head. Deny pa more babe. Ikukulong kita sa mansyon namin hanggang sa umamin ka na at hindi ka na makakaalis dito. 0p

"No Cassy. She's not."

"I am, Nathalia. I already know. Why you keep on denying?" I cut her off.

"Mommy?" Pinilit lumipat ni Cassy sa kanlungan ni Nathalia kasi magkatabi lang naman kami. Nakita nya sigurong naiiyak ang mommy nya plus idagdag pang nalilito na rin ang anak namin sa nangyayari.

"Are you crying?" Tanong ni Cassy sa ina.

"No." She shook her head again. "I think we have to go." Saad pa nya at tumingin sakin at kay mommy.

"No. No one is leaving." I told them.

Cassy embraced her mommy. Natatakot siguro sya sa nangyayari kasi umiiyak na ang mommy nya. Pati tuloy ang bata, umiyak na rin.

"Wag mong awayin si mommy!" Sigaw ni Cassy sakin habang lumuluha. And the scene breaks my heart in thousand pieces. Maybe, hindi lang si Nathalia ang hindi pa nagtitiwala nang buo, kundi pati ang anak namin.

"Cassy, no.. Hindi namin inaaway si mommy mo." Mahinahon na sagot ni mommy in my defense.

"You make mommy cry again." Sabi pa ni Cassy habang nagpupunas ng luha.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon