Art 29

7.3K 274 32
                                    

ARTEMIS 29

"Anong pangarap mo sa buhay Art?" Nathalia asked me.

Nakahiga ako sa kanyang hita at nandito kami sa lugar na palagi naming tinatambayan pag may free time sa school.

"Kaylangan pa ba yon? Eh mayaman naman kami?" Sagot ko sa kanya nang hindi idinidilat ang aking mga mata. Nakakarelax kasi ang pag mamasahe nyang ginagawa sa aking sentido kaya para akong pinapatulog sa bawat haplos ng kanyang kamay.

"Hindi naman lahat ng bagay, umiikot sa pera." Sagot nya.

Dumilat ako at tinignan ko sya sa mata. "Ikaw? Ano bang pangarap mo?" I asked her the same question."

Tumitig lang sya sakin at hindi kaagad sumagot kaya ngayon ay pareho kaming nagtititigan habang sya ay nakayuko sakin at ako ay nakatingin sa kanya.

Saka ko naramdaman ang pagdampi ng kanyang palad sa aking mga mata, tinakpan nya ito kaya ako ay napapikit.

At naramdaman ko ang kanyang darili sa aking braso na nakapatong sa aking tyan. May isinulat sya doon na hindi ko masyadong naintindihan.

"Uy ano yun?" Tanong ko doon sa sinulat nya sa aking braso.

"Wala..." Sagot nito at pinag patuloy imasahe ang aking sentido.

"Ano nga? May sinulat ka eh? Tinakpan mo kasi yung mata ko kaya hindi ko nakita." Protesta ko pa.

Napangiti sya at napailing. "Kahit di ko takpan ang mata mo, wala ka naman talagang nakikita. Minsan, matuto ka ring makiramdam."

"Tsk." Bumangon ako at nag inat ng braso. "Ano kasi yon?"

"Yung sinulat ko? Yung sagot sa tanong mo..." Saka nya kinuha ang bag at tumingin sa kanyang relo. "...kung ano ang pangarap ko." Saka sya tumayo at inayos ang suot na skirt. "Halika na. May klase pa tayo." Saka sya nag lakad palabas sa lugar kung saan ako ay naiwang nakaupo sa pwesto namin habang minamasdan syang maglakad palayo sakin.

Dahil ngayon alam ko na, ang sinulat nya sa braso ko, ay ang salitang "ikaw."

"Pinatawag mo daw ako?" Tanong ni Freya na nagpagising sakin mula sa alala ng nakaraan namin ni Nathalia. Nandito ako ngayon sa bahay nila ni Lake at pinatawag ko sya sa pinsan ko dahil nasa kwarto pala sya.

"Here." Iniabot ko sa kanya ang isang paper bag.

"Ano to?" Tanong nya sabay silip sa iniabot ko sa kanya.

"A little gift...for your kindness." I told her.

"Wow, hindi ko naman birthday. Bakit mo ko niregaluhan?" Tanong nya.

"That's..." Saka ako napabuntong hininga habang nakatingin sa maluwang na salamin na kita ang langit at buong ka-Maynila-an. "...for, what you did to Nathalia and Cassy. Remember when you fed them at the restaurant one time?" Saka ako lumingon sa kanya.

She looked confused saka parang bigla nyang naalala kung ano ang tinutukoy ko. "Ahhh..yung nakita ko sila kasi naghahanap yata si Nath ng trabaho kasama nya si Cassy. Tama, niyaya ko silang kumain kasi mukang pagod na pagod sila at hindi pa nagtatanghalian. Ang init pa naman that time..." Saka sya biglang napahinto nung makita nyang huminga ako ng malalim. Alam nyang nasasaktan ako sa nangyari. Pero ni minsan, hindi namin iyon pinag uusapan except samin ni Lake, hindi ako nag oopen sa iba. But Freya is also a friend and a family now.

Ibinaba nya ang paper bag sa sahig at bahagya akong nilapitan. "Ayos ka lang?"

I just nodded. "Yeah." I lied, because...in my heart, I'm still bleeding deep inside. "I just want to thank you for what you did for them. Your little act of kindness had a great impact to my child, Cassy. You thought her, to be kind...so thank you." I told her. Pilit iniiwasang pumiyok ang boses ko dahil pag dating sa usaping ito, konting konti nalang bibigay na ang luha ko.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon