Art 1

11.1K 350 66
                                    

ARTEMIS 1

"Ms. Art, nakahanda na po ang bago nyong sekretarya." Pag inporma sakin ni Arnorld. Napangisi ako mula sa pag tipa sa cellphone ko.

Well, katext ko si Gae, nag aaya sya mamayang mag bar. Sabi ko wala pa akong plano pero titignan ko. I missed hanging out with her too din naman. Tumayo ako mula sa couch at lumakad papasok sa loob ng office ko.

Naabutan ko si Nathalia na inililinga ang paningin sa loob ng opisina. Pero halatang nahulat sya noong bigla akong pumasok at mapagtanto kung sino ako at bakit ako nandito.

"Oh you're here..." Bati ko sa kanya with matching smile na mapang asar.

"W-what are....you..d-doing here?" Nauutal na tanong nya. But I knew it, she was surprised to know that I am her boss now.

"Well, suprised? I am your boss and I am the CEO." Kasabay ng pag lapit ko at pag haplos sa kanyang pisngi. This is fun, I have a new toy now. Office is kinda boring kasi. So, better to have something to annoy with everyday.

"Welcome to hell, I mean, welcome to my world, Finley." I evilly smiled. Halos matawa ako sa itsura nya. Pinag halo halo na sigurong inis, takot, dismaya at pagtataka ang rumerehistro sa kanyang mukha.

"No...it can't be...." Halos pabulong na sabi nya saka sya akmang aatras.

But I grabbed her arms. "Not so fast, little sexytary..." Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. "You look good actually, pero parang may mali..."

Pabalang nyang hinila ang braso nya mula sa pagkakahawak ko. "Bitiwan mo nga ako! Paanong nangyaring ikaw ang boss ko?"

"Parang masyadong mahaba ang skirt mo. Next time, iksian mo pa ha? Or better yet, kahit hubarin mo nalang yan." Hindi ko pinansin ang tanong nya at itinuloy ang pag pansin sa suot nyang damit.

Wala sa sariling napatingin sya sa kanyang sarili. I can feel it because I knew her, years ago. Mas mataas ang ego nya dati, mas confident, mas may pride sa bawat tindig.

Maganda pa rin naman sya, pero dala siguro ng hirap ng buhay at isama pang nagkaanak sya, parang mas nastress na sya kumpara dati. Hindi na sya masyadong nakakapag ayos at ang simple nalang nyang manamit. Pati ang kanyang buhok, madalas naka tali nalang dahil hindi na nya naipapaayos. Siguro ay natuto na sya kung saan lang nya dapat ilugar ang kanyang sarili.

Isang babaeng walang maipag mamalaki kundi ang kahihiyan na pinag gagawa nya dati.

I despise her. Well, karma's a bitch. Look at her now. Pathetic. Kaylangan nya pang pagdaanan itong ganitong buhay para lang sa konting pera.

Kundi nya siguro niloko si Lake, baka buhay prinsesa na sya at baka nga kasal na sila. Poor Nathalia.

Paglalaruan muna kita total, sayang naman ang ibibigay kong sweldo sa kanya di ba?

Hindi sya mapakali at nung gumana muli ang utak nya, naisip nyang tignan ang kontratang hawak nya. I bet, hindi manlang nya ito binasa. How sad, matalino ka pa naman.

"No! Kung ikaw ang boss ko, sayo na itong cheque mo!" Binato nya sakin ang check na nakaipit sa kontrata. Pero nalaglag lang ito sa sahig.

"Oh, you need that, more than I need it. Pulutin mo na, if I were you. And about you backing out, pwede naman actually..." Tumalikod ako at nag tungo sa gawi ng table ko. Umupo ako doon at itinaas ko pa ang paa sa lamesa.

"...if you back out, kaylangan mong mag bayad ng bond na 400k for breach of contract." Sabi ko pa saka ko minasdan ang bagong manicured kong nails. This is nice acually. I looked more fierce with this red nails.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon