37

7.8K 290 27
                                    

ARTEMIS 37

Alas dyes palang nang umaga, nag agahan naman ako pero para bang hindi ako makapag focus sa meeting ko ngayon. Sa halip makinig sa report ng nagpre-present sa harapan ay para akong tanga na nag titingin ng mga pictures dito sa cellphone ko. Pictures namin ni Cassy, picture ni Nath na natutulog, nagsusungit at video nya na nagsesermon dahil nga masyadong moody. May pictures din naman kaming dalawa pero palaging stolen at halos walang matino.

But still, having these moments frozen by a meer picture gives smile into my face.

What is happening to me? In just a matter of months, I wasn't the same Artemis I was before. Ilang linggo na ba akong hindi nakakatikim ng alak? Hindi ko na yata alam ang itsura ng bar.

But look at me? I am happy and contented. I felt I am now finally belong to someone, I belong to my family.

"Ehem. Ms. Miller?"

Bahagya akong nagulat sa tawag ng isa sa mga directors sa kumpanya. Oo nga pala, nasa meeting nga pala ako.

I smiled saka ko ibinaba ang cellphone sa lamesa. "Yes?"

"So what do you think about the proposal?" He asked.

Napatingin ako sa mga kasama ko at doon sa nag present sa harap. Eh sa totoo lang, wala akong naintindihan, paano naman ako sasagot?

"Hmmn, just approve it if it looks profitable." Simpleng sagot ko.

A guy cleared his throat. Eto yung pabibong director na gustong gustong umepal sa mga kumpanya namin ni Lake. Pero dahil matalino ang pinsan ko, supalpal sya doon palagi kaya naman dito sakin nanggugulo. Wala naman syang magawa kasi I own the majority of shares and I am the president and the CEO of the company.

"Based on the presentation, there are pros and cons in acquiring the business. Malaking pera ang ilalabas natin pero masyadong risky. Yan lang ang isasagot mo?"

Ang kamay ko ay kusang umangat para saluhin ang aking baba like this guy is story telling that I find interesting. He is indeed, challenging me.

"So what do you suggest? Mr..oh...I remember now. You are the father of Beatris? The one I dumped months ago? Oops, sorry, I shouldn't have mentioned that. Anyway, what do you propose?" Saka ako ngumiti ng nakakaasar. Oh boy, hindi mo ako maiinis, pero ako? kaya kitang paiyakin at tanggalin sa kumpanya ko.

Sumeryoso ang ambiance ng paligid dahil sa tension gawa ng palitan namin ng salita ng director na ito. He is actually accusing me of being incapable in handling the company dahil palagi akong naka leave, simula nang magka pamilya ako. Marami rin ang hindi nakakaalam ng totoong estado ng personal kong buhay tulad ng pagpapakasal kay Nathalia dahil hindi naman ito nabalita.

Ang tanging nakakaalam lang nito ay ilang empleyado. Pero ang mga nasa taas na posisyon ay wala pang alam.

"With all due respect Ms. Miller--"

Pero dahil nag ring ang phone ko, itinaas ko ang aking daliri para pigilan ang director at sinagot ang tawag.

And the caller is none other than my wife. Napangiti ako nung makita ko ang pangalan nya sa screen.

"Hi babe--"

"Nasaan ka!?" Halos ilayo ko ang phone ko sa lakas ng boses nya. Bakit na naman galit ang misis ko?

"Me? I am here, at the office. Why?" I asked. Yung mga kasama ko sa meeting ay pasimpleng nakatingin sakin dahil siguro narinig din nila ang lakas ng boses ng kausap ko sa kabilang linya.

"Nasa office ka? Sigurado ka Artemis ha?" Sigaw na naman nya.

"Yeah, I'm here. Teka, bakit? Anong problema?" I asked her. Gusto kong mapangiti, pero hindi maiwasan na hindi ako mag worry kung bakit galit na naman sakin ang asawa ko.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon