Art 3

7.8K 341 24
                                    

ARTEMIS 3

"Baka kaylangan mo nang umalis..." Saad ni Nathalia habang minamasdan ko si Cassy na himbing na natutulog sa maliit na kama nila. Yakap pa ng bata ang isang teddy bear kahit halatang luma na ito.

Instead of answering her, napangiti ako at itinuon ang atensyon sa bata. I am really fascinated with her, for reason that is still unknown. "I won't leave. Until she wakes up.." I told her.

"Pag nagising si Cassy, matatakot lang sya sayo. Iiyak na naman yan, maawa ka naman sa bata." Inis na sabi ni Nathalia habang nag liligpit ng gamit.  Pinauwi na kasi nya si Len dahil maaga naman syang nakauwi sa bahay nila.

"I'll make it up to her.." I said.

"Ha? Takot nga sayo ang bata. Iiyak lang yan pag nagising tas nandito ka pa! Baka mapaginipan ka na naman nyan." Iritang sabi nya na akala mo naman isa akong monster.

Napakamot tuloy ako ng ulo at napatingin sa relo. Ang tagal naman kasi ni Arnold. Aalis na ako pag napangiti ko si Cassy sa mga biniling kong laruan at chocolates nya.

"Why are you so poor now Nathalia?" I asked out of nowhere. Ayoko kasi na si Cassy at ako ang topic kasi naaapektuhan ako. Yung tipong hindi ako makabanat kasi wala naman akong balak idamay ang bata sa inis ko sa babaeng ito.

Umikot sya ng tingin sakin. "Paki mo?"

Napangisi tuloy ako. Araw araw na yata akong mag eenjoy na inisin ang babaeng ito.  "I am your boss. It's in your contract to answer me with all honestly kahit personal pa ang tanong ko. So..." I smirked at her. "Bakit? Hindi ka sinuportahan ng supot mong asawa no?"

Bagot na tumigil sya sa pag titiklop ng mga bagong laba na damit nila saka masamang tumingin sakin. "Ikaw na mayaman! Di mo kaylangan hamakin ang ibang tao. Hindi mo na kaylangang ipamukha sakin na mahirap lang ako at mali mali ang mga naging desisyon ko sa buhay..." Saad nya na unti unting nagiging emosyonal ang boses nya.

"Really? Hindi kita hinahamak. I am just stating the fact and want to know more of what happened to you. Bacause I remember, you have a classy condo unit back then. Di ba may ginawa pa nga tayo doon--"

"Artemis! Pwede ba? Kung wala ka nang kaylangan, makakaalis ka na. At wag ka nang magpanggap na mabait sa harap ng anak ko dahil hindi naman talaga! Dapat lang yan, na kinamumuhian ka nya!" Galit na sabi nya.

Ang bilis namang mapikon babe. Baka gusto mo ng konting himas?

"I said I wont leave until I make it up to her." I smiled at Nathalia.

Hindi komportable sa lugar dahil mainit. Isang electric fan lang ang nagpapalamig sa kwarto kaya hindi ko maiwasan na hindi maawa kay Cassy. Buti nakatulog pa sya ng himbing kahit ganito kainit sa bahay nila. Kahit ako, hindi rin komportable pero ayoko pang umalis. Feeling ko, may misyon ako na hindi pa nagagawa sa lugar na ito na pumipigil sakin para lumisan.

"Umalis ka na Artemis. Iiyak lang ang bata pag nakita ka." Sabi pa ni Nathalia.

"Uhhmm..." Napaungol si Cassy. Nagising yata dahil sa mga boses namin. "Mommy?"

"Baby..." Nilapitan sya ni Nathalia agad. Itinayo nya ang bata at chineck ang likuran kung basa ng pawis. Si Cassy naman, nakatingin lang sakin. Wala pa sya sa mood dahil kakagising pero sana naman, wag na sya ulit matakot.

"Do you want milk? Ititimpla ka ni mommy. Wait here..." Tatayo sana si Nathalia para ikuha ng gatas ang bata pero mabilis syang niyakap ni Cassy para pigilan.

Hindi nagsalita ang bata pero tumingin lang ito sakin. Tila sinasabi nito sa ina na wag syang iwan sa room kasama ako.

Tumingin sakin si Nathalia at lumuhod ito kay Cassy. "Baby, don't be scared to tita Art. Di ba nga favorite mo sya kasi she's so tall and...ano na nga yun anak?"

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon