Art 10

8.1K 320 27
                                    

ARTEMIS 10

"Nathalia..." I approached her. Kakatapos lang nyang ligpitin ang pinag kainan namin. As Cassy requested, nag luto sya ng pagkain kanina dahil dito na rin nakikain si Lake at Freya.

"What do you need?" Malamig na tanong nya na parang ayaw akong tapunan ng paningin.

"Why didn't you tell me that some bastard has been bothering you?" I asked. I was talking about the guy Albino. Had she told me that she's in danger, I could just have helped her with that.

"That's none of your business Art. At saka..." Napaikot ang paningin nya sa paligid ng bahay. Siguro, hindi pa rin sya ganun kakumbinsido na binibigay ko na sa kanila ang bahay na ito. Or binibigay na lala nila Lake, kasi iyon naman ang alam nya. "...this house is too much. I can't take it. Pag nakaipon na ako--"

"Ssshh." I hushed her. "Cassy is in her bed now. You should go to sleep as well." Sabi ko nalang saka tumalikod.

"Artemis..." Tawag nya sakin.

Paglingon ko, napansin ko ang makahulugan nyang tingin. Para bang gusto nya akong pigilan na lumabas ng pinto para umalis dahil hindi ko naman balak dito matulog. Si Cassy lang naman ang may gusto talaga.

"Yes?"

"You promised Cassy to sleep with her tonight..." Saka sya napalunok. "She is expecting you..please don't disappoint her. She trusts you so much now."

Napangiti ako sa sinabi nya saka ako napa u-turn. "Si Cassy ba talaga ang gusto akong makatabi?" Tanong ko sa kanya nang nakangisi. "O ikaw?"

As usual, inirapan nya ako. "In your dreams Art. Ayoko lang napapasinungalingan mo ang bata. Please sleep with her tonight. Sa couch nalang ako." Saad nya.

Cassy is watching tv in the bedroom. Totoo naman kasi na ineexpect nya ako na dito matulog. But how? Iisa lang ang bed. At kung tatabi ako kay Cassy, paano si Nath, right?

Hindi ko sya sinagot. Tumalikod nalang ako para muling magtungo palabas.

"Aren't you gonna sleep here?" She asked.

Pero dinedma ko nalang sya at tuloy tuloy na lumabas at dumirecho sa unit ni Lake. Pero ang totoo, mag papalit lang naman ako ng damit at kukuha ng ilang gamit. Pagkatapos mag shower ay bumalik na rin ako sa kabilang unit.

Dumirecho ako sa room kung saan nandun si Cassy, and I guess, Nath is there also. I knocked and the door opens, si Nath ang nag bukas.

Pero napakunot ang noo ko nung maabutan na umiiyak si Cassidy. Napatigil sya nung makita nya ako sa pinto at biglang nagpahid nalang ng luha.

"Why are you crying?" I asked Cassy saka ko sya agad nilapitan.

"Mommy said you're not gonna sleep here..."

Pinunasan ko ng kamay ang luha nya at saka hinalikan. "I promised you right? Now I'm here. We're gonna sleep together okay?"

Napangiti ang bata saka ako biglang niyakap. This kid is serious when it comes to making promises. Talagang inaasahan nyang tutuparin yon.

"Bat kasi di ka manlang sumagot kanina. Akala tuloy namin hindi ka tutupad sa sinabi mo.." Saad ni Nath. "Umiyak pa tuloy ang bata."

"Eh kung sumagot ka sana na gusto mo rin akong makatabi, tapos sana ang usapan.." Saad ko sa kanya. "Let's sleep Cassy..."

Humiga na kami sa bed ni Cassy and Nathalia is preparing the couch na nasa loob rin ng room. Mukhang doon nya balak matulog ah.

"Mommy sleep here." Utos ni Cassy.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon