Art 14

8K 345 47
                                    

ARTEMIS 14

Mas nauna akong gumising kay Nathalia and Cassy. Sino ba naman ang makakatulog ng mahimbing sa ganitong kalagayan, walang tigil ang isip ko sa pag aalala kay Cassy.

I already ordered breakfast for me and Nath at hinihintay ko nalang syang gumising dito pa rin sa hospital. Nung hindi makatiis, nilapitan ko na sya at umupo sa kama na hinihigaan nya. Hinaplos ko ang kanyang leeg at noo para icheck kung mainit pa sya pero nasa normal naman na ang kanyang temperatura. Napangiti pa ako noong bahagya syang gumalaw at umayos ng higa. Mabuti at nakatulog naman sya kahit papaano. Alam ko kasi na sobra rin ang pag intindi nya sa anak.

Mula sa pag titig ko sa kanya ay hindi maiwasan na maalala ko kung paano kami dati. Palagi nya akong pinupuntahan sa gym lalo pag busy ako sa sports. Isa kasi akong varsity before sa sobrang hilig ko sa archery. Dinadalhan nya ako ng pagkain at sinasabayang kumain. Sya na rin ang gumagawa ng mga assignments ko para hindi ako bumagsak sa acad.

At kahit maraming lalake ang nagkakagusto sa kanya, nilalayuan nya ang mga ito dahil iyon ang gusto ko at sa akin sya palagi sumasama. Kapag napapatawag ako sa guidance office, tumutulong sya para makalusot ako parati.

I remember the time we sleep peacefully doon sa apartment nya back when we were college. Pagod ako noon, at masama ang loob dahil natalo ako sa archery competition. Sa sobrang sama ng loob ko, gusto kong uminom at mag paka lasing. But then, mas pinili ko nalang na sumama sa kanya sa apartment. Humiga sa kanyang kandungan at doon ako payapang nakatulog like nothing happened.

She made me feel that every will gonna be alright. Na lahat ng bagay ay magiging maayos. When I'm mad, napapalambot nya palagi ang puso ko. When I'm sad, nagagawa nyang pagaanin ang loob ko.

She's so sweet, and kind, and thoughful... We were happy. We were free. We were careless. Basta magkasama kami, nagiging maayos ang lahat.

And I'm so dumb to say that I didn't die when I left her then.

Kaya ako masyadong nag aalala sa sakit ni Cassy kasi ito rin ang dahilan kung bakit ako nawala before. Kung bakit ako umalis nang hindi nagpapaalam.

Muli kong hinaplos ang pisngi ni Nathalia. Pasimple akong napangiti sa hindi malamang dahilan. Pasimple ring kumikirot ang puso ko sa mga bagay na nagawa ko sa kanya. Pati na rin sa mga bagay na pinag daanan nya, na posibleng ako ang may kinalaman at puno't dulo ng lahat.

But she's here... And if she's the mother of my child, she's mine too.

"Hmm...Cassy!" Bigla syang nagising kaya napaatras ako pero inalalayan ko sya agad nung bigla syang napaupo sa kama. Baka nananaginip sya.

"Ssshhh..." I cupped her face to calm her. "She's fine..." At pareho kaming napalingon sa bed na hinihigaan ng bata. "She will be..."

The blood transfusion is scheduled tomorrow, and so is the release of the DNA test. Hindi ko alam kung saan ako dapat maghanda, kung sa pag do-donate ng dugo o sa resulta ng test namin ni Cassy.

At isa pang hindi ko alam ay kung paano kakausapin si Nathalia sakaling anak ko nga si Cassy. Should I confront her?

No. Kasi walang wala ang nararamdaman ko ngayon kumpara sa pinag daanan nyang hirap para lang palakihin ang anak.

Nathalia nodded at saka sya lumapit sa anak na mukang magigising na rin dahil gumagalaw na ito.

"Baby...mommy's here..." Bulong nya sa anak saka ito hinalikan sa noo.

Pero hindi pa gising si Cassy. Maaga pa naman kasi at dapat lang magpahinga ang bata para bukas.

I gently held Nathalia's shoulder and pulled her closer to me, to my chest. Inakbayan ko sya at konti nalang, ang akbay ay magiging yakap na. I just want her to know na hindi na sya nag iisa ngayon. I am here na.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon