Art 7

7.6K 317 41
                                    

ARTEMIS 7

"We'll play in my office." I told Cassy para kuhanin ang atensyon nya.

Pinag titinginan kasi kami ng mga empleyadong nadadaanan habang naglalakad sa hallway. Si Nath naman napapayuko nalang dahil na rin sa hiya.  Si Cassy naman ay napapatingin lang din sa kanila at lumilinga linga ang paningin dahil sa taas, luwang at laki ng nakikita nya sa paligid. p

"Art, ako na ang magbubuhat kay Cassy. O kaya ibaba mo nalang sya, kaya naman nya maglakad." Sabi ni Nathalia kasi buhat buhat ko pa rin ang kanyang anak.

Sinalubong kame ng isang staff at ni Arnold para sana i-assist kung merong dapat buhatin.

Natakot tuloy si Cassy sa dami ng tao sa paligid kaya napakapit sa leeg ko. "Don't be scared. Don't you know that own this building?" Pagyayabang ko sa bata dahil muka pa rin syang natatakot sa mga empleyadong nakikita nya. "And they are my minions." Sabi ko pa.

"Minions?" Cassy asked me. Mukhang naaamuse na ngayon ang bata.

I poked her cheek lightly. "Yes. I am their boss. Don't be afraid of them, they won't hurt you or your mommy." I looked at Nathalia and winked.

Hindi naman nya mapigil na hindi pamulahan ng mukha at pigil na pigil ang pag silay ng ngiti.

"You are their boss?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cassy. Pansin ko kasi, hindi sya sanay sa tao. Mahiyain sya kumpara kay Erin kaya gusto kong isipin nya na wala syang dapat ikatakot o ikahiya.

"Yes. I am." Nakangiti kong tugon sa bata. "If you want, I can make them bow at your feet. That's how powerful I am. Kaya wala kang dapat ikatakot, basta nandito si tita Art sa tabi." Pagyayabang ko pa.

Napahagikgik naman ang bata at tuwang tuwa sa narinig.

"Really? You can do that?" Tanong ng bata.

"Yes." Saad ko pa.

At para yabangan sya, huminto ako sa paglalakad at lumingon sa mga empleyado na nakikiisyoso samin.

"Everyone, listen to me." Kuha ko ng atensyon nila. Napatingin naman ang lahat at napahinto sa kani-kanilang ginagawa. "This is Cassy, my...my..." Iniisip ko kung ano ang pakilala ko sa bata. Pamangkin? Uhmm... "This is Cassy. My baby." Yun nalang ang sinabi ko kaya napatingin sakin si Nathalia.

"Get her a chocolate cake right now, and the first to give her will have a bonus from me, 10k." Sabi ko pa. Natigilan ang lahat pero bigla nalang silang nagtakbuhan para kumuha o bumili ng chocolate cake ni Cassy.

"Wow, they're gone." Manghang sabi ni Cassy na nanlalaki ang mata.

I kissed her cheek. "See? They're about to give you chocolate cake." Sabi ko pa. Saka ako lumingon kay Nathalia na nakatingin din sakin. "Let's go." At naglakad muli patungo sa office ko.

"Art, kung ano ano tinuturo mo sa bata. That's power tripping!" Inis na sabi ni Nath.

"Your mommy is so sweet baby." Sabi ko naman kay Cassy.

Nakarating na kami sa loob ng opisina at pilit nang inaagaw ni Nathalia si Cassy mula sakin.

"No, we're gonna play." Sabi ko sa nanay nya. "Cassy I have a secret room. Wanna see?" Aliw na aliw na sabi ko pa sa bata.

"A room?" Tanong ng bata.

"Artemis! Wag na wag mong maididikit sa kama yang si Cassy at madumi yan!" Kontra ni Nathalia. Alam ko naman ang tinutukoy nya, na may ginagalaw akong mga babae, doon.

"Of course I have changed the covers everytime Nathalia. You don't have to worry. Besides, I wont let germs touch this cuty." Sabi ko sa mommy nya at pumasok na ko sa kwarto.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon