Chapter 4 (Late upload)

7.9K 177 3
                                    

(For those who read this, nakalimutan kong iupload to. Ito talaga ang chapter 4)



ARTEMIS 4

Nath

I was devastated and confused when I found out that my dad has a family we never knew exists. I didn't know what to do. Pamilya lang ang meron ako, and now it's shattered right before my eyes. My dad is living with them for good. And My mom got depressed.

And I am alone.

I grabbed my phone and tried to call Lake for the 10th time now. She's not answering. I need someone with me right now. I just need some company now kundi, baka hindi ko kayanin ang sakit at bumigay na ang isip ko.

Lake is having a bonding with her family. Siguro, busy sya kaya hindi nya sinasagot ang phone nya.

I decided to go outside, at sa bar ako dinala ng mga paa ko. Umupo ako sa counter, umorder ng drinks at sunod sunod na ininom ito. Maingay ang paligid, pero mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko.

Now I despise my dad, may kapatid pala ako sa labas and ngayon ko lang nalaman? Kaya pala, ilang years na ang nakakaraan mula nang manlamig ang pakikitungo nito sa amin ni mama. Nagkasakit si mama pero hindi manlang sya dumalaw o nagparamdam.

"Isang tequila pa nga!" Sabi ko sa bartender kasabay ng pag baba ng baso na kakaubos ko lang ng laman.

"Ma'am, mukhang napaparami na ho kayo.." Sabi ng bartender. Maganda sya at mukang bata pa.

"Are you even adult already?" I asked her. Muka kasi syang estudyante palang. Anong ginagawa nya sa ganitong lugar?

"Yes ma'am. 18 na po ako." She told me. She is hessitant to give me my order kasi tingin nya, lasing na ako.

"18, you're so young. Bat nag ta-trabaho ka na? Are you even studying?" I asked her again.

"Yes mam, working student po ako." She answered saka nya inilapag ang isang shot ng tequila with salt and lemon sa aking harap.

"Here." Naglapag ako ng cash na sobra sobra para sa inorder kong alak.

"Your change ma'am." Inilapag naman nya ang sobra kong sukli.

"No. That's your tip." I told her.

"M-masyado po yatang malaki ito mam." Nahihiya nyang sabi.

"For a working student like you, you should be in your home right now, studying, than working in a place like this." Sabi ko sa kanya.

"Kaylangan pong mag trabaho eh, dalawa nalang po kasi kami ng kapatid ko ngayon at ako lang ang bumubuhay saming dalawa." Paliwanag nya habang nag aayos ng mga alak sa pwesto nya.

"What happened?" I suddenly got curious because I am sensitive when it comes to family matter. Mine was just got broken. I bet hers is just the same as mine.

"Wala na po kasi kaming tatay. Tapos yung mama namin, hindi na nagpakita at nagpadala ng pera matapos mag abroad. Kaya ako nalang ang kumakayod." Paliwanag nito.

Napailing nalang ako. Why would her mom left them all of a sudden? I bet, something happened to her, or worse, may iba na syang pamilya, katulad ng ginawa ng magaling kong ama.

"That must be hard. Working for 2 peopke and studying at the same time..." Bigla akong naawa sa kanya. Maamo at maganda pa naman ang kanyang mukha. Baka mamaya mabiktima sya ng mga predators sa ganitong lugar lalo at bata pa sya at mukang wala pang muwang.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon