Art 26

7.9K 284 14
                                    

ARTEMIS 26

NATHALIA

"Bakit di ka nalang magpaiwan muna dito? Total mas sariwa ang hangin dito." Saad ni Lesley habang nasa garden kami at nag boluntaryo syang mag gupit ng mga mahahabang sanga habang ako naman ay nag didilig. Nakakatuwa kasi ang maganda at maluwang na garden nila Artemis. Nakakarelax at nakakatuwang pag masdan ang mga naglalaguang bulaklak.

"May trabaho din ako doon kaya kaylangan talaga naming lumuwas." Sagot ko.

Mamaya kasi, luluwas na ulit kami ng Manila. Tama naman si Lesley na mas okay talaga dito dahil nakakarelax ang paligid kesa sa Manila na puro polusyon at traffic. Ang mga tao doon ay palaging nagmamadali na parang bawat minuto ay mahalaga para kumita ng pera. Dito sa probinsya, nakakapag pahinga kami at mas nakakahinga ng maluwag.

"Ano ka ba Nathalia, asawa ka na ni Artemis tapos pinag ta-trabaho ka pa rin nya?" Saka sya nagpahid ng pawis at napailing. "Kung ako si Artemis, at ako ang asawa mo, magbubuhay kang reyna." Saka nya itinuro ang farm na kitang kita dahil sa luwang nito. "Nakikita mo lahat ng kayang abutin ng paningin mo? Alam mo bang pag aari nya lahat yan. Sa yaman ng asawa mo, wala ka nang kaylangan pang gawin sa buhay mo kundi magbuhay reyna."

Napailing nalang ako sa kanya. "Sa kanya lang yun Lesley. Sya lang ang mayaman hindi ako."

"Asawa ka nya, natural mayaman ka na rin." Dagdag pa nya. "Sabihin mo sa kanya maiwan ka nalang dito. Babalik naman yun agad, dito muna kayo ni Cassy. Ipapasyal ko kayo doon sa may malapit na falls at meron ditong lawa." Pagpipilit nya pa.

"Lesley, asawa ko si Art. Kung nasan sya, dapat nandun din ako. At saka hindi ko naman pinangarap mag buhay reyna dahil kaya kong patunayan na kaya kong buhayin ang sarili ko at si Cassy. Nagkataon lang talaga na mas mayaman si Art." Sagot ko nalang sa kanya.

"To naman, sige na paiwan na kayo. Ipag iihaw ko kayo ng isda--"

"Ikaw kaya ihawin ko!"

Bigla kaming napalingon sa pinang galingan ng nagsalita. Nasa likod pala namin si Artemis at mukang hindi sya natutuwa base sa matalim na tingin na binabato nya sa kababatang si Lesley.

Lumapit sya sakin at inakbayan ako saka ako hinalikan sa sentido. "Good morning. Ginugulo ka ba nito?" Tanong nya pagkalapit.

"Hindi. Gagayak na ba tayo?" Tanong ko nalang bago pa muling magkainitan at magpasaringan ang dalawa. Sa totoo lang, pareho silang mayabang.

"Art bakit pinag tra-trabaho mo pa ang asawa mo? Hindi ba dapat--"

I cut Lesley off. Masyado na yata syang nakikialam. "Lesley, ako ang may gusto non." Saka ako bumaling kay Art nung mapansin kong nakatikom ang kanyang kamao. "Tara na. Papaliguan pa kita, ay..I mean, papaliguan ko pa si Cassy."

Mula sa inis na mukha at bigla itong napalitan ng pag ngisi at napatingin sakin. "I like the latter. Can you bathe me too?"

But I just gave her a death glare. Feel na feel naman basta kalokohan. Masyado naman syang nagiging komportable sakin knowing na hindi naman talaga kami okay.

Artemis married me for our daughter. She said she wants to make it up to her. Alam kong masyadong mabilis ang nangyari pero mas pinili ko lang na gawin ito para kay Cassy. My child had been through a lot kahit bata pa ito. At hindi ko na nanaisin pa na maranasan pa nya iyon ulit.

"Tara na. Kala ko maaga meeting mo? Baka ma-late ka?" Sa halip ay tanong ko.

"Liguan mo muna ako?" Pilya nyang tanong. Seryoso  ka ba?

Sa halip sagutin ay muli ko nalang dinampot ang hose ng pandilig ko ng halaman at itinutok sa kanya.

"Babe..." Art is glaring at me dahil nabasa sya. Samantalang si Lesley at tawa ng tawa.

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon