Art 6

7.6K 310 14
                                    

ARTEMIS 6

"You're late." Bungad ko kay Nathalia. Late kasi sya ng kaunti lang naman. Aga aga, mukang haggard ang itsura nya. Pawisan at parang nagmadali naman talaga sya para umabot sa oras.

"Sorry." Sabi nito.

I just nodded at tinuro ang mga folders na makapal sa lamesa ko. "Sort it. I want it organized and summarized in an hour." Utos ko dito.

Natigilan sya sa narinig dahil nakita nyang ang kapal ng mga papel na yun. Pero kinuha nya ito at tumungo sa table na nasa gilid, dito lang din sa loob ng office ko. Ito ang magsisilbing area nya kung saan palagi ko syang makikita kung ano ang mga pinag gagagawa nya.

As I observe her, Nathalia looked anxious. Parang may hindi okay sa kanya. Halatang tensyonado sya at hindi mapakali habang ginagawa nya ang paper works.

"Have you eaten breakfast, Nathalia?" I asked all of a sudden. Baka kasi gustom sya, you know? Ayain ko syang mag breakfast sa labas with me. Hindi naman ako ganon ka-bad para gutumin sya.

"Busog ako." Sagot nito sakin.

Napangiti nalang ako habang minamasdan sya. Oo o hindi ang sagot, pero pag iba ang sagot maliban doon, ibig sabihin ay hindi.

"Let's go." Tumayo ako at nilapitan ko sya.

"Busy ako." Seryosong sabi nya at hindi manlang tumingin sakin.

"I said let's go." I said firmly.

"Busy nga ako. 1 hour lang binigay mo para dito di ba?" Pag tangi nya muli sakin.

"Let's eat first. I'm hungry." Saka ko sya hinawakan sa braso.

"Art ano ba? Hindi naman ako--"

"Susunod ka o bubuhatin ulit kita?" Paghahamon ko sa kanya.

Inis na tumayo ito at sununod sakin. Aga aga nakasimangot, ganda pa naman.

Pumunta kami sa isang resto kung saan wala kaming kibuan mula sa sasakyan hanggang sa makarating kami dito. Parang wala kasi si Nathalia sa mood ngayon.

"Order ka na." I told her. Ayaw nya kasing galawin ang menu sa harap nya.

"Kahit ano nalang." Walang ganang sabi nya.

Kaya umorder nalang ako ng tulad ng order ko para sa kanya. Something is not right about her. Hindi ko lang masabi kung ano yon.

"What's wrong?" I asked.

"Hmm? Wala." Sagot nya.

Inis na hindi ko nalang sya pinilit na sagutin ang tanong. See? I am now being nice to her. Sya tong maarte at ayaw sumagot. Concern lang naman ako kasi parang may gumugulo sa isip nya. Mukha syang puyat at kanina ko pa napapansin na balisa sya.

At dahil nainis ako, hindi ko na rin sya kinausap pa hanggang sa matapos kaming kumain at makabalik sa office.

"Get me a coffee." Napaangat ang gilid ng labi kong utos sa kanya. She is now busy again sorting and summarizing the papers na hindi ko naman kaylangan.

"Kape? Eh di ba, nagkape ka na--"

"I said get me a coffee." Nakangisi ko pang sabi sa kanya.

Walang nagawa syang tumayo at lumabas para ikuha ako ng kape. And pag balik nya, hindi kape ng star bucks ang dala nya kundi kape galing sa pantry sa baba. Matalino ah, natuto na sya.

Napatingin ako ng makahulugan sa kanya noong inilapag nya ang kape sa aking harap. Matigas this girl. Bakit ba parang hindi ko sya mainis ngayong araw?

Artemis (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon