Chapter 365

205K 9.3K 14.2K
                                    

A/N: Hello, namiss ko mag-update. Naging busy ako na umabot sa point na napalayo ako sa AMNSE. Thankfully nakakabalik-balik na ko sa connection ko sa story. Sana tuloy-tuloy na, gusto ko na rin matapos. Excited na ko sa story ng mga Ulupong. 


The Key

Jay-Jay's POV

Hindi na ko nakapasok. Hindi pa rin kasi kami binibigyan ng go signal ng Doctor. Idagdag pang lumala ang sitwasyon ko dahil sa pananakal sa 'kin ni Keigan. Pero hindi kagaya kahapon kahit papano nakakabigkas na ko ng mga salita. Tinanggal na rin ang neck brace dahil hindi naman na ganon kasakit kapag ginalaw ko ang leeg ko. May kaunting kirot sa lalamunan at paos na paos ang boses ko pero okay na rin. Gagaling din naman ako.

Makaka-kanta din ako, ala-Sarah G.

"T-Tubig," mahina kong hiling kay Kuya.

Tinignan ni Kuya ang Doctor para humingi ng permiso. "Doc, pwede na ba siya magtubig?"

"Wala pang 24hrs, dampi lang ng tubig ang pwede."

Uhaw na uhaw na ko.

Kumuha si Kuya ng bulak at binasa 'yon ng tubig tsaka dinampi sa labi ko. Parang nainis lang ako sa ginawa niya. Hindi man lang sumayad sa bibig ko. Sana sa lalamunan ko na lang sinaksak ang dextrose.

Sino kayang tao nabuhay sa dampi ng tubig?

Umalis ang Doctor at kasama niyang Nurse matapos tignan si Keiren. Wala si Keifer pero narinig ko sila ni Kuya kaninang umaga na nagtatalo. Pinipilit siyang papasukin sa school ng pinsan ko.

Mukang si Kuya Angelo ang nanalo dahil malamang wala dito ang Hari. Kaya tuloy siya ang kasama namin dito sa kwarto na wala man lang ibang ginawa kundi ang harapin ang iPad niya at mga papel.

Gusto ko na kumain. Gutom na gutom at uhaw na uhaw na ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Para akong mauubusan ng kaluluwa. Tapos sasabayan pa ng imagination ko ng mga pagkain. Baka hindi na ko makapagpigil kainin ko na lang sarili ko dahil sa gutom.

Ano kaya lasa ko? Baka maalat kasi hindi ako naligo.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas 'yon. Dahan-dahang pumasok si Keigan habang nakayuko. Binati niya si Kuya at nagpaalam na pupuntahan ang bunsong kapatid.

"How are you feeling?" tanong naman ni Kuya sa kanya.

"I'm a bit okay, I guess?" pilit na sagot niya.

Tumango lang ang pinsan ko sa kanya bilang pagtanggap sa sagot niya. Lumapit siya kagad sa kapatid para halikan sa noo pero pinunasan naman agad ni Keiren 'yon. Nagpilit ng ngiti si Keigan at nagsimula siyang kausapin. Pinili kong wag sila pakinggan at pumikit na lang para matulog.

Pero paano kaya ako makakatulog kung fried chicken, lumilipad na liempo, nagswimming na lechon at umaagos na noodles ang nakikita ko? Meron pang pumuputok-putok na puto sa ibabaw ng dinuguan. Sasabayan pa ng sisig na sumasayaw na sisiw sa ibabaw.

Gusto kong maiyak pero kailangan kong magtiis. Para naman daw sa ikabubuti ko 'to.

Sinong bubuti sa hindi pag-inom ng tubig?

Hindi nga ako namatay sa lintik na glue at pananakal ni Keigan, mamatay naman ako sa uhaw. Gusto ko pa ng tubig.

TUBIG!!!!!

Dinilat ko ang mga mata ko para sana tawagin si Kuya pero ang muka ni Keigan ang bumungad sa 'kin. Napasigaw ako dahil sa gulat at takot. Nagtunog matanda nga lang ako dahil sa paos na boses.

Dahil din sa ginawa kong pagsigaw mukang nagulat si Kuya Angelo. Nabitawan niya kasi ang hawak pagkasigaw ko.

"What's wrong?" tanong niya matapos tumayo at akmang lalapitan ako.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon