MAIY 1

242 16 14
                                    

[ Mina's POV ]




"Ma'am, tapos ko na po yung pina gagawa mo." Sabi ko sabay abot sakanya ng mga folders.

"Talaga? Ang bilis naman." Nginitian niya ako sabay kuha ng mga folders sakin.


Matagal na akong nagtatrabaho dito sa company nato. Maganda ang pamamalakad nila at tama lang rin ang sahod na binabayad nila sakin. Kaya sakto na.


"Gomawo, Mina." Aniya, "Pwede kanang umuwi."

"Ta-talaga po?" Ang aga naman ata para umuwi na ako. Wala na kaya siyang ipapatrabaho sakin?

"Ne~ Baka hinihintay ka na rin ng anak mo." Sabi niya ng nakangiti. Nginitian ko naman si Ma'am.



Namimiss ko na tuloy si Chan Min.


Inayos ko na ang mga gamit ko tyaka nagmamadaling umuwi. Walking distance lang naman ang bahay namin mula dito.

Kaya mas minamabuti ko na ring maglakad para maka tipid ng kaunti.



xxx



Andito na ako sa bahay at rinig na rinig ko dito ang kantang Call Me Baby ng EXO.


Malamang, si Chan Min nanaman ang nagpapatugtog ng kantang iyan.


Napabuntong hinga naman ako, "Umma, andito na po ako."

Kasama ko kasi si Umma dito sa bahay namin. Mabuti na rin iyon, para habang nagtatrabaho ako ay may nagbabantay kay Chan min.

"Oh, anak. Andito ka na pala." Aniya sabay kuha ng mga gamit ko.

"Umma.." Panimula ko, "Bakit ba hinahayaan mo si Chan min na ipatugtog yan?"

Si Umma naman ang napabuntong hininga, "Mina-ssi, ayaw niya magpapigil. Hindi ko naman maayawan dahil tatanungin nanaman ako kung bakit bawal siya makinig ng mga kanta ng EXO, eh wala naman daw masama."


Wala naman talagang masama eh, pero kasi..


"Sige umma, kakausapin ko nalang po siya." Pagkatapos nun ay dumiretso na si Umma sa kusina.


Pumunta ako sa salas at nadatnan si Chan Min na kinakanta at sinasayaw ang Call Me Baby ng EXO.


Kuhang kuha niya ang dance steps nila.. Nagmana talaga siya sa Appa niya.


Bigla akong napangiti pero agad ko naman iyong itinago ng mapansin niyang andito na ako.


"Umma!" Aniya sabay yakap sa mga tuhod ko. 4 years old palang siya pero medyo magaling na siyang magsalita.

My Answer Is YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin