MAIY 20

109 8 2
                                    


[Chanyeol's POV]

Pagkauwi at pagkauwi ko ay agad akong sinalubong ng labing isa ka tao.

"Oh kamusta Chanyeol?"

"Nagkausap ba kayo ni Mina?"

"Bakit ngayon ka lang?"

"Nagkabalikan ba kayo?"

"Hyuuuung! Kwento naman."

"Nakasama mo na si Chanmin?"

Napakamot nalang ako sa batok. Kayo ba naman tadtarin ng mga tanong, eh kakauwi ko pa lang.

Umupo muna ako sa sofa at ganoon rin sila. Lahat sila ay nakatingin sakin at parang naghihintay na magkwento ako.

"Pinaliwanag niya sakin lahat. Lahat lahat." Ani ko.

"Yun lang?" Tanong ni Xiumin hyung.

"Pinatawad ko na rin siya. Humingi rin ako ng tawad dahil sa nangyari kahapon."

"Hyung, nagkita ba kayo ni Chanmin?" Tanong naman ni Kai. Tumango naman ako bilang sagot. "Hindi ba siya nagtampo sa nangyari kahapon?"

H-hindi ko alam... pero, paano nga kapag nagtampo sakin yung anak ko?

"H-hindi ko alam eh. Natutulog na kasi siya nung pumunta kami ni Mina sakanila."

Biglang tumahimik ang paligid. Napasandal nalang ako sa sofa tiyaka tiningnan ang cellphone ko.

Tinititigan ko lang ang wallpaper ko. Si Chanmin na natutulog.

"Bakit ka nakangiti?" Biglang tanong ni D.O. Dahilan para mapatingin sakin lahat ng members. At hindi ko nga talaga napansin ay nakangiti na pala talaga ako.

"Ani.." Tanggi ko. Pero kinuha naman kaagad ni Kris hyung ang cellphone ko.

"Aww~ father feels." Sabi niya sabay pakita sa ibang members ang wallpaper ko.

"Akin na nga yan, Hyung!" Sabi ko sabay kuha ng cellphone ko sakanya.

"Sige, magpahinga na tayo. May mga sched na tayo bukas." Ma autoridad na sabi ni Suho hyung. Sumunod naman kaming lahat kay hyung at nadere-deretso na sa mga sarili naming kwarto.

Bago ako matulog ay tinitigan ko muna saglit ang litrato ng anak ko. Nakakaproud pala maging isang ama.

▼▼▼

[Mina's POV]

Apat na araw na rin ang nakakalipas pagkatapos nung nag usap kami ni Chanyeol. Ngayon ay balik trabaho narin ako.

"Mina!" Napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko.

"Oh, Jungkook? Bakit?"

"Sorry pala kung binigay ko yung number mo sa EXO. Iniisip ko kasi na baka kailangan talaga nila ang tulong ko." Hinawakan ko ang balikat ni Jungkook tiyaka nginitian ng tipid.

"Okay lang yun. Ewan ko, pero siguro thankful din ako dahil binigay mo yung number ko sakanila." Pagkatapos nun ay naglakad na ako patungo ng office ko ng biglang hinawakan ako ni Jungkook sa braso.

"Nagkabalikan na kayo?" Tanong niya na may kasabay na nakakalokong ngiti. Sinuntok ko siya ng mahina.

"Loko, hindi. Sabihin nalang nating kailangan kong maging ina at kailangan niya ring maging ama kay Chanmin." Pagkatapos nun ay derederetso na akong pumunta ng office.

Pagkadating ko sa desk ko ay may isang bouqet ng bulaklak ang nakapatong sa desk ko. K-kanino naman kaya to galing?

"Kanino to galing?" Bulong ko sa sarili.

My Answer Is YouWhere stories live. Discover now