MAIY 25

73 2 2
                                    

Author's note: UPDATE!!
Tagal ko nang di naka pag update grabe :-( almost a year, or umabot talaga ng year. Anyways, eto na. :-)

p.s. napagisipan ko na kung sinong gaganap kay Harry!! O diba, took a long year enough bago ako makapag decide, shet.

So...

Got7's Mark as Harry

-

[Mina's POV]

Mabilis akong nakatulog kagabi kakaiisip sa mga salitang binitawan sakin ni Yeol. Nagising nalang ako sa tunog ng alarm clock ko, pupunta ng pala kami ngayon ng Winter Sea. Mamaya na rin ang alis ni Harry, mamimiss ko kaya siya?

Gigisingin ko na sana si Chanmin nang hindi ko siya nakita sa tabi ko, asan ang anak ko? 4:05 pa ng umaga.

Napansin kong nakailaw ang kusina namin, tumayo ako sa pagkakahiga. Pumunta ako ng kusina at dun ko nadatnan si Umma at Chanmin.

Si Chanmin ay nasa table, may sandwich siya sa harapan niya at gatas. Si Umma naman ay mukhang nagtitimpla ng kape.

"Ang aga ah." bati ko. Nilingon ako ni Chanmin at agad naman siyang napangisi.

"Umma, bilis na po. Dadating na mamaya si Harry Hyung." Hindi naman halatang excited ka eh.

Inabutan ako ni Umma ng kape, agad ko naman yung tinanggap. "Umma, sigurado ka bang okay ka lang mag isa rito?" nag-aalala kong tanong.

"Mina, matanda na ako. Ano ka ba" Niyakap ko nalang si Umma. Simula't sapol, siya na yung laging andiyan sa tabi ko. Ni hindi niya ako pinabayaan.

"Kansahamnida umma. Saranghae." Bulong ko sa kanya. Pagkatapos nun ay naghanda na kami ni Chanmin. Maya maya rin ay dumating na si Harry.

"Harry Hyung!" Masayang bati ni Chanmin na agad niyang sinalubong ng yakap. Binuhat naman ni Harry si Chanmin at niyakap rin ito pabalik.

Ang cute nila. Naiisip ko tuloy kung paano kaya maging ama si Harry? Ganyan kaya siya? O sobra pa to the point na mai-ispoil niya ang anak niya?

Kay Chanmin palang, spoil na spoil na e. Pinagbigyan nga sa Winter Sea.

"Mina, tara na?" Tinanguan ko siya at kinuha na ang shoulder bag ko at ang Optimus Prime na back pack ni Chanmin. Sa kakatransformer niya, kahit ano nalang napagti-tripan ng batang to.

Kinuha sakin ni Harry ang back pack ni Chanmin, napaka gentleman talaga ni Harry.

Wag kang ganyan baka mahulog ako.

Agad akong nagulat sa naisip ko, umiling nalang ako.

"Gwaenchana?" Tanong ni Harry. Tinanguan ko lang siya at nginitian. "Tita, mauna na po kami. Annyeong!"

"Umma, annyeong."

"Halmeoni! Annyeong, dadalhan kita ng pasalubong galing Winter Sea, Umma. Promise yan!" Hinalikan ni Umma si Chanmin sa pisngi.

"Sige, umalis na kayo para maabutan niyo pa ang sunrise. Mag ingat kayo, lalo ka na Harry. Ingat rin sa flight mo mamaya." Kinawayan kami ni Umma.

Pagkalabas namin ng bahay ay sobrang dilim pa. Onga naman, 4:30 pa sa madaling araw.

"Maaabutan talaga natin ang sunrise." Ani Harry bago inistart ang kotse.

Habang nasa byahe, lagi akong napapaisip dahil sa mga nasabi ng utak ko kanina..

Baka mahulog?

Paano ko naman yun nasabi? Ni kahit kailangan ay hindi sumanggi sa isipan ko na magkakagusto ako kay Harry. Pero bakit?

My Answer Is YouWhere stories live. Discover now