MAIY 17

121 7 6
                                    


[Chanyeol's POV]

Pagkadating namin balik sa pinagtatrabahuan ni Mina, nakita naming naka upo na ang 9 pang members pati si Manager hyung sa lobby.

"Ano bang nangyayari? San kayo galing? Bakit walang nagsasalita sa kanila?" Pambungad ni Manager hyung saming tatlo nila Kris at Suho hyung.

Nawawalan na ako ng respeto sa lalaking to.

"Asshole." Rinig kong bulong ni Kris hyung. Mahina lang yun. Kahit english yun, alam kong mura yun.

"Ano bang nangyayari?" Tanong ulit ni Manager hyung.

Tahimik lang kaming dose. Hanggang sa nag presinta na si Suho hyung na magsalita.

"Hindi na po natuloy ang pictorial. Medyo nagkaroon kasi ng kaunting problema ang team nila Mina." Pagpapaliwanag niya.

"Ipapa-resched nalang daw ang pictorial." Dagdag ni Chen.

"Kailan?" Tanong ni Manager hyung. Nagkatinginan silang lahat at nag-iisip kung kelan namin pwedeng ipagpatuloy ang pictorial.

"Bukas nalang." Sagot ko.

"Pero rest day niyo bukas." Madiing sabi ni Manager hyung.

"Sanay na kami sa walang rest day." Walang ekspresyong sinabi ni Kris hyung. Napatingan ako kay Kris hyung tiyaka nginitian.

"Sige, bahala kayo. Tatawagan ko nalang sila mamaya na bukas na ipagpatuloy ang pictorial. Tara na, umuwi na tayo."

Pagkatapos non ay naglakad na sila papaalis. Andito ako sa may likuran habang papunta sa van namin.

Buti nalang at wala masyadong fan ang nasa labas ng building nato kaya mabuti nalang.

"Baek, si Mina?" Tanong ko kay Baekhyun na nasa gilid ko lang.

"Umuwi na, Chanyeol. Mukhang pagod na pagod na siya eh." Sagot ni Baekhyun.

"Pagod siya, physically and emotionally. Yun ang napansin ko." Dagdag ni Lay hyung.

Tumango tango nalang ako tiyaka sumakay na sa loob ng van. Si Manager hyung ang nagmaneho ng van papuntang dorm namin.

Tahimik lang ang byahe namin pauwi sa dorm. Pagkauwi namin ng dorm ay agad na nagpaaalam si Manager hyung dahil may alis pa daw siya.

Naiwan kaming dose ka tao dito sa dorm. Nakaupo lang kami sa sofa, walang nagsasalita sa amin. Malamang ay nagulat at naguguluhan ang ilan sakanila.

"San kayo pumunta kanina, Suho?" Pagbasag ni Luhan hyung sa katahimikan na bumabalot samin.

"Huminto lang kami sa isang tapat ng hindi mataong park kanina." Sagot ni Suho hyung.

"Wala bang nakakita sainyo?" Tanong ni Xiumin hyung. Umiling-iling ako.

"Hindi naman kami lumabas ng van. Nanatili kami ng van habang hinihintay na kumalma si Yeol." Sagot ni Kris hyung.

"T-teka, ano ba kasi ang nangyayari?" Tanong ni Lay hyung.

"Siya ba yung Mina na mahal mo Chanyeol hyung?" Tanong naman ni Tao.

"Talaga bang anak mo si Chanmin, hyung?" Tanong pa ni Kai.

Napabuntong hininga ako at napahawak sa ulo. Kahit ako ay naguguluhan sa sitwasyon.

"Hinay hinay lang." Mahinahong sabi ni Suho hyung.

"Tama ka diyan Tao. Siya nga ang Mina na minahal at minamahal ni Chanyeol." Sinamaan ko ng tingin si Suho pero hindi niya lang ako pinansin, "At oo, Kai. Anak nga ni Chanyeol si Chanmin."

"P-paano ka nakakasigurado diyan Hyung? At paanong alam mo ang lahat tungkol kay Chanmin?" Tanong ni Kyungsoo.

"Maaga akong umalis ng dorm para makausap si Mina at--"

"Alam mong andun si Mina, Hyung?!" Tanong ko sakanya. Nag peace-sign naman si Suho.

"Ne, alam ko. Pero nagmakaawa siyang wala akong pagsabihan tungkol sa kanya. Tinago niya nga ang sarili niya bilang Yoon Mina eh dahil natatakot siya na baka makilala siya ni Manager hyung." Pagpapaliwanag niya.

"Teka nga pala, bakit ba parang nagtatago siya kay Manager hyung?" Tanong ni Sehun.

xxx

[Suho's POV]

"Teka nga pala, bakit ba parang nagtatago siya kay Manager hyung?" Tanong ng maknae namin.

Napabuntong hininga ako. May advantages at disadvantages rin pala yung pakikinig ko ng explanation ni Mina.

Ang advantage ay atleast naiintindihan at nauunawaan ko ang sitwasyon niya. Alam ko na din kung ano ang mga napagdaanan niya.

And disadvantage naman ay eto, ako ang mag e-explain para sa side ni Mina. Ang rami nilang tanong. Nakakalito na.

"Oo nga, bago umalis si Mina kanina ay pinapunta niya muna kami sa boardroom para makausap kami. At yun, huminga siya ng pabor na sana daw ay hindi namin ibanggit ang tungkol sa kanya at kay Chanmin kay Manager hyung." Dagdag ni Baekhyun.

Wala na akong magagawa kundi i explain sakanila ang lahat lahat. Magsisimula kung bakit iniwan ni Mina si Chanyeol noong birthday niya, nung sana ay pupuntahan ni Mina si Chanyeol nung sumunod na birthday niya ngunit hinarangan siya ni Manager hyung at ang kasamaan at kademonyohan ng sarili naming manager.

"T-talaga bang si Manager hyung yun?" Mahinang tanong ni Lay na para bang nagdadalawang isip kung kaya nga ba talagang gawin yun ng manager namin.

"Sadly, ne. He's just a fake bitch who loves money. That's it!" Padabog na sabi ni Kris at pumasok na sa kanyang silid.

Napabuntong hininga kaming lahat. Dati rati naman ay hindi ganyan si Kris pero masaya naman kami kasi atleast nakakaya niyang tumayo sa para sa karapatan namin.. hindi bilang idol kundi bilang tao.

"Anong balak mo Yeol?" Tanong ni Baekhyun kay Chanyeol.

Sinandal ni Chanyeol ang ulo niya sa sofa, "K-kakausapin ko siya bukas. Salamat nga pala at pumayag kayo na bukas nalang ang pictorial ha? Kahit pa na alam kong mahalaga para satin ang restday."

Inakbayan naman siya ni Kai, "Ano ka ba hyung, okay lang yun!"

"Para sa pamangkin namin, okay lang!" Sabi ni Luhan hyung tiyaka niya kinindatan si Yeol.

"O-oo nga pala... Si Chanmin. Y-yung anak ko.." Nanginginig na sambit ni Chanyeol.

"H-hindi ko man lang siya in-acknowledge kanina bilang anak ko.."

Biglang sumeryoso ang aura ng lahat.

"Kung alam mo lang kung gaano siya umiyak nung binitawan mo ang kamay ni Hyung." Ani Sehun.

"Nabigla lang ako." Depensa ni Chanyeol.

"Pareho lang naman kayong nabiktima ni Chanmin, Yeol eh." Pangangaral ni Chen kay Chanyeol.

Tumahimik na lang si Chanyeol. Maya maya ay nagpaalam na siya at pumasok sa kanyang silid.

"Hindi ako makapaniwalang may anak na si Chanyeol hyung. Ang immature pa niya para maging ama." Hindi makapaniwalang sabi ni Tao.

"Maniwala ka na ngayon din Tao-ssi. At tiyaka hindi pa mature si Chanyeol para maging ama? Hindi ba mature kana? Magvo-volunteer ka bang maging ama ni Chanmin?" Panginginis ni Baek kay Tao.

Napangiwi nalang si Tao sa sinabi ni Baekhyun. Wala naman kasi sigurong handa na maging ama nalang bigla bigla diba?

Pero sa  lagay ni Chanyeol, andiyan na. Ginusto rin naman yan nila dati eh. Kaya dapat panindigan at harapin niya. Mahal niya si Mina, hindi ba?

-

LAST EP NA MAMAYA NG END :((( TIYAKA HUHUHU MAG CO-COMEBACK NANAMAN ANG EXO NGAYONG JUNE 3, LOVE ME RIGHT!

My Answer Is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon