MAIY 21

110 6 2
                                    


[Mina's POV]

4:26 ng hapon ko natapos lahat ng paperworks ko. Nakahinga naman ako ng maluwag duon.

Kasalukuyan akong nakasandal at nakatingin sa kesame ng biglang tumunog yung cellphone ko. Agad ko itong chineck.

From: Chanyeol

Andito na ako sa labas.

Literal na napalaki ang mga mata ko dun. Seryoso? Seryoso ba talaga siyang susunduin niya ako?

Napasapo ako sa noo ko tiyaka niligpit ang mga gamit ko. Pagkatapos non ay dinala ko na ang bag ko tiyaka bumaba at lumabas ng building.

Nakaparada sa gilid ang itim na Mercedes Benz ni Chanyeol. Yun din ang dala niyang kotse noong niyaya niya akong makipagusap. Tinted naman ito kaya safe.

Nung una ay nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba ang pinto sa front seat o sa back seat. Pero binaba ni Chanyeol ng kaunti ang window sa fronr seat tiyaka sumenyas na pumasok ako.

Pagkapasok ko ay napabuntong hininga ako. Ang awkward ng atmosphere sa loob ng kotse. Ang init-init kahit na ang lakas ng aircon.

"Seryoso ka pala talaga?" Tanong ko sakanya. Nabigla naman siguro siya sa tanong ko kaya tinaasann iya ako ng kilay.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"Seryoso ka pala talagang susunduin moko?" Binalewala niya lang ang tamong ko at ini-start niya na ang kotse tiyaka siya nagsimulang magdrive papunta sa bahay ko.

Habang nagd-drive siya ay bigla siyang nagsalita, "Nakakahiya kasing dumiretso  sa bahay niyo."

"Nakakahiya? Eh magkakilala naman kayo ni Umma ah?" Bat ngayon pa siya mahihiya?

Biglang niyang tinigil ang kotse. Andito na pala kami sa tapat ng bahay ko, hindi ko man lang namalayan.

Bababa na sana ako ng kotse niya ng bigla siyang nagsalita dahilan para mapalingon ako.

"Iba na kasi yung ngayon sa noon." Pagkatapos nun ay lumabas na siya ng kotse niya, leaving me dumbfounded sa loob ng kotse niya.

NOON..

Isa rin sa mga pangarap ko noon ay ang bumuo ng pamilya... kasama ka.

Iba na kasi yung ngayon sa noon.

Hindi ba siya aware na dinudurog niya ang puso ko sa tuwing binabanggit niya yung noon?

Napabuntong hininga ako tiyaka lumabas ng kotse niya. Pumasok na kami sa bahay at agad naman kaming sinulubong ni Umma.

As usual, masaya si Umma dahil andito si Yeol. Ganon sila ka close. Nilibot ko ang bahay pero wala man lang akong Chanmin na nakita.

Kasalukuyang naka upo si Chanyeol sa salas, inaantay si Chanmin.

"Umma, asan si Chanmin?" Tanong ko kay Umma. Halata naman sa ekspresyon ni Yeol na nagulat siya.

"Ah, nasa playground siya." Biglang tiningnan ako ni Umma ng seryoso. Nagpalipat lipat ang tingin niya samin ni Chanyeol. Anong meron?

"Kasama niya si Harry.." Dugtong ni Umma.

Agad na napatayo si Chanyeol sa kinauupuan niya, "Magkasama sila?" Tumango naman si Umma.

Nagkatinginan naman kami ni Chanyeol. Seryoso ang mukha niya. Napa facepalm nalang ako mentally.

"Pupun--"

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang Chanmin at Harry. Agad na tumakbo si Chanmin papalapit sakin tiyaka ako niyakap.

Nakita kong nakatayo lang si Harry at nakatingin ng deretso samin ni Chanmin ng nakangiti. Bigla namang kumalas si Chanmin sakin at tiningnan si Yeol.

Nagtago naman si Chanmin sa likod ko. "Umma... ano po ginagawa niya dito?"

Nilapitan naman siya ni Chanyeol. Lumayo ako kay Chanmin upang magkaharap sila ni Yeol.

"S-sorry nga pala sa ginawa ni Appa dati ha? Mi..mianhe. Mapapatawad mo pa ba si Appa?" Kinakabahan ako sa magiging reaction ni Chanmin.

Pero subalit na magmatigas pa siya ay nginitian niya ng tipid si Yeol tiyaka tumango.

"Jinja?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Chanyeol. Tinanguan siya ng mahina ni Chanmin. Agad naman na niyakap ni Chanyeol si Chanmin.

"Chanyeol hyung.." Sambit ni Chanmin. Kumalas si Chanyeol sa pagkakayap niya kay Chanmin tiyaka tiningnan ng seryoso si Chanmin.

"Aniyo. Appa.. si Chanyeol Appa to." Nung una ay mukhang alanganin pa si Chanmin na tawagin si Chanyeol ng Appa pero bumigay rin naman siya.

"A-appa.. Chanyeol Appa!" Pagkatapos nun ay niyakap ng mahigpit ni Chanmin si Chanyeol. Ang saya saya ko. Dahil pagkatapos ng maraming taon... eto ang mag-ama ko ngayon.

Kinarga ni Yeol si Chanmin, "May regalo si Appa sayo. Tara kunin natin?" Tumango si Chanmin tiyaka sila lumabas ng bahay.

Mukhang may regalo nga sigurong hinanda si Chanyeol na tinago niya sa compartment ng kotse niya.

Biglang lumapit sakin si Harry.

"Mina.. pwede ba tayong mag-usap?" Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga inaasal niya ngayon.

Yung bulaklak ng binigay niya sakin kaninang morning ay nilagay ko nalang sa vase ng office ko.

"Tungkol san ba Harry?" Tanong ko.

"Juseyo, Mina.." Pagmamakaawa niya nung una ay alanganin pa ako pero tumango nalang ako.

"Pwede bang sa isang tahimik tayo na lugar mag-usap?" Pakiusap niya. Wala parin ako sa wisyo na tumango.

Pagkatapos nun ay lumabas na kami ng bahay. Nakita ko si Chanmin na may hawak na laruan na robot.

"Umma, transfurmor!" Masayang sabi sakin ni Chanmin tiyaka pinakita sakin ang bagong laruan niya.

"Waah, ang ganda naman niyan anak. Bigay ba yan ng appa mo?"

"Ne, umma!" Hinawakan niya ang kamay ng appa niya. Lumuhod ako para magkalevel kami ni Chanmin.

"Chanmin-ssi, aalis muna ako saglit ha? Aalis muna kami ni Harry hyung mo." Tumango naman siya tiyaka ko ginulo ang buhok niya. "Kasama mo naman ang appa mo eh."

"Appa, sa loob po tayo!" Excited na sabi ni Chanmin kay Yeol at tumakbo papasok ng bahay namin.

Napakabait talaga ng batang to. Kahit kailan ay hindi siya nagtatanim ng galit. At marunong siyang magpatawad.

"Start ko lang yung engine." Ani Harry sabay pasok sa kotse niya. Naiwan kami ni Chanyeol dito sa labas.

Wala naman atang makakakilala sa kanya dito dahil napakatahimik ng lugar namin dito. Nakasuot si Chanyeol ng isang striped tee at ripped jeans.

"Aalis kayo?" Tinanguan ko lang siya, "San kayo pupunta?"

Nagulat ako sa mga tanong niya but still manage to answer his question anyway.

"May pag-uusapan daw kami." Plain kong sagot. He looked at me, unconvinced.

"Sige. Ingat ka." Pagkatapos nun ay pumasok na siya sa bahay at dumiretso narin ako sa kotse ni Harry.

"Harry? San ba tayo pupunta?" Tanong ko. Naguguluhan talaga kasi ako sakanya ngayon.

"Mag-uusap lang naman tayo." And then nagsimula na siyang magdrive. Hindi nako umimik pa at hinintay nalang na makarating kami sa pupuntahan namin.

-

Sobrang nakakapagod tong week nato kung alam niyo lang! Pinag effortan ko talaga to! Di bale na, inspired naman HAHAHAHAHAA dejk #maykontingkalandiian

VOTE COMMENT :)

My Answer Is YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang