MAIY 26

79 3 2
                                    

Author's Note: Haha, horaaay! Update for you guys. Making bawi to all of you! Comment naman diyan :-) Wala na sana akong balak mag update ulit not until nag comment si 014asuna, thank you for giving me some courage hihi!

-

[Mina's POV]

Kinalas ko ang pagkakayakap ko ng biglang nag insist si Chanmin na picture raw kaming tatlo.

Kinarga niya si Chanmin papunta sa balikat niya, "Hawak ka sa ulo ko Chan." Sinunod rin siya ni Chanmin. Ang saya saya niya sa pwesto na yun.

"Ang saya dito Umma! First time to!" Nakangiting sabi ni Chanmin. Ang raming na missed ni Chanmin na dapat ginagawa ng isang sa kanya, at masaya ako ngayon dahil may pagkakataon na siyang madama ito.

Nagulat naman ako ng bigla akong inakbayan ni Harry pero hindi ko nalang ito pinahalata. Ang isa niya namang kamay ay nakahawak rin sa mga kamay ni Chanmin na nasa ulo niya.

Ako ang may hawak ng cellphone, "Smile! Hana, dul, set!"

"Isa pa Umma! Wacky wacky!" Napailing ako kay Chanmin, napaka bibo.

"Sige, wacky. Hana, dul, set!" Tiningnan ko ang mga pictures namin at hindi ko maipagkakaila na we look too adorable.

"Chanmin, bumaba ka na diyan! Baka nabibigatan na si Harry hyung mo." Pero eto namang si Harry, walang balak na ibaba si Chanmin. Galing talaga mang spoil ng bata.

"Hayaan mo na, nageenjoy si Chanmin. Same goes with me."

Hindi ko mapagilang mapangiti sa kanilang dalawa. Ang saya saya ko. Simula siguro ng pinanganak si Chanmin, masasabi kong ito ang pangatlo sa pinaka masaya kong araw.

Una ay nung pinanganak ko si Chanmin. Pangalawa ay nang lumaya na ako sa katotohanan, nalaman na ni Yeol at Chanmin ang totoo.

At, eto, pangatlo.. Ito siguro ang unang lakad namin ni Chanmin na may kasama kaming lalaki, na nagpapaka ama rin sa kanya.

"I would trade anything for that smile." Napaiwas ako ng tingin kay Harry, "Ano ba kasing iniisip mo at ang ganda ng smile mo diyan? Narealize mo na ata na gwapo ako noh?" Pang-aasar ka niya.

"Nahihibang ka na." Pag-iling ko, "Masaya lang ako. Thank you Harry! Thank you ng sobra."

"No Mina, thank you."

"Umma, gutom na ako!" biglang singit ni Chanmin. Binaba siya ni Harry. "San mo ba gusto ko kumain?" Tanong ni Harry.

"Kahit saan, hyung!"

"Dun nalang tayo kumain sa nadaanan nating resting place kanina. Baka kasi kung maghanap pa tayo, matatagalan at baka malate ka pa sa flight mo." Suggest ko. Hindi na nakaayaw pa si Harry dahil pinandilatan ko na siya ng mata at nauna ng maglakad papunta sa kotse niya.

Alam ko kasing pipilitin niya nanaman si Chanmin kung san neto gustong kumain, at sigurado akong pagbibigyan naman agad ni Harry. Nako, ayokong maspoil si Chanmin!

Habang nasa byahe kami ay nakatulog si Chanmin sa backseat. Eh paano ang aga aga kasi nagising eh. Mas nauna pa sa alarm clock.

"Hanggang kailan ka don?" Tanong ko.

Napalingon naman sakin si Harry at nagpigil ng tawa. "Namimiss mo na ba kaagad ako?" Asar niya.

Inirapan ko siya, "Asa ka."

"Grabe to." Pagpapacute niya pero di parin naman nawawala ang ngiti sa labi niya.

Tiningnan ko siya at biglang sumeryoso ang mukha niya, "Hindi ko pa alam kung kelan. May pinapaasikaso kasi si Appa, mukhang importante." Tinanguan ko siya.

"Facetime or Skype?" Napalingon ako sa kanya at nakitang nakangiti nanaman siya. Baliw lang.

"Kahit ano." Sagot ko.

"Mamimiss ko kayo ni Chanmin."

"Kami rin." at alam ko, sapat na yung salitang yun para ngumisi siya na parang asong ulol. Grabe naman to kiligin.

*

Pagkatapos namin kumain ay agad na kaming hinatid ni Harry sa bahay. Hindi na kami pwedeng magtagal kasi flight na ni Harry mamayang gabi, kailangan niya pang mag pumunta sa office niya kasi may aayusin rin daw siya doon.

"Gomawo, Harry." Niyakap ko siya, "Mamimiss kita."

"Nado. Mag-ingat kayo ni Chanmin, okay?" Tinanguan ko siya.

"Oh, Chanmin! Aalis na si Hyung." Agad na niyakap ni Chanmin ang mga tuhod ni Harry.

"Annyeong Hyung! Mamimiss kita." Ginulo ni Harry ang buhok ni Chanmin, hindi ko maiwasang mapangiti.

Niyakap akong muli ni Harry bago siya sumakay sa kotse niy at humarurot na paalis.

"Umma, matutulog muna ako. Text mo naman si Harry hyung na thank you talaga sa araw na to." Hinalikan niya ako sa pisngi tiyaka tumakbo na papunta sa kwarto namin.

Di ko maiwasang mapangiti habang nag iisip kung ano ang itetext ko kay Harry.

-
To: Harry

Sobrang thank you daw, sabi ni Chanmin. Ang kulit. Mag ingat ka.
-

Sumunod ako sa kwarto namin ni Chanmin, pag abot ko roon ay tulog na tulog na siya. Napagod ata talaga sa araw nato.

"Mina." Muntik na akong mamatay sa gulat nung biglang may narinig akong boses.

Paglingon ko, masyado akong nagtataka kung bakit andito siya. Ano bang ginagawa niya dito?

"B-bakit ka andito?" Nauutal pa ako. Compose yourself, Mina!

"Dinalhan ko kasi kanina ng breakfast si Chanmin. Pero wala pala kayo."

May part sakin na nakonsensya. Anak niya parin si Chanmin, may karapatan siyang malaman ang mga lakad ni Chanmin.

Kahit na iniiwasan ako ni Chanyeol at kahit alam ko sa kaloob-looban niya ay hindi niya parin akong lubos na napapatawad ay alam kong hindi parin mawawala ang koneksyon namin sa isa't isa.

"Mianhae, nakalimutan kong ipaalam sayo na aalis ako." Sagot ko, ngunit tinaasan niya ako ng kilay. Tama nga pala, "Aalis ako kasama si Chanmin." Dagdag ko.

Tinanguan niya ako. "Sa susunod baka pwede mong ipaalam sakin, gusto ko lang bumawi sa anak ko."

Tahimik akong pumasok ng kwarto. Tumabi ako kay Chanmin sa paanan.

"Chanmin.." Naiiyak ako. Hindi ko alam ang dapat kong gawin para maging okay na kami ni Yeol.

Ang hirap kasi. I don't know where to start. Kasi naman in the first place, he's not giving me the chance. Hindi ko kakayanin na ganito ang relasyon namin ni Yeol. Hindi na ako umaasa na babalik pa ang nakaraan, tanggap ko na iyon.

Pero sana man lang ay kaya naming maginh pormal na kaibigan sa isa't isa. Para sa anak namin, para naman maging good influence kami ni Yeol sa anak namin.

Ilang taon pa kaming magkakasama ni Yeol at di ko kayang magtagal na kasama siya pag ganito kami. Na kapag andiyan si Chanmin, nagpapanggap siyang okay lang siya sakin.. Na napatawad niya na ako.

Pero kapag wala na si Chanmin, panay ang iwas niya sakin at sa tuwing magkakausap naman kami, damdam ko ang bigat ng bawat salita niya.

Di ko napansing unti unti ng pumatak ang luha ko, pero kailangan kong maging matatag.

"Chanmin, mahal ko ang Appa mo. Pero nasasaktan na si Umma eh. Magkasundo rin naman kayo ni Harry hyung mo diba?" Nakangiti kong sabi sa natutulog na si Chanmin.

Hinalikan ko ang noo ng aking anak. Tatayo na sana ako kaso nakarinig ako ng malakas na pag sirado ng pinto. Agad akong lumabas, di ko na nadatnan si Chanyeol.

Hinanap ko siya sa kusina ngunit nakirinig ko ang pag andar ng makina ng kotse niya sa labas, sinilip ko siya sa bintana at humarurot na paalis si Chanyeol.

Umalis na siya.. Tulad ng pagpapalaya ko sa aking sarili sakanya.

My Answer Is YouWhere stories live. Discover now