MAIY 2

142 12 5
                                    

[ Mina's POV ]




Weekend ngayon kaya wala akong trabaho. Siguro, ngayon nalang kami bibili ng album ng EXO.


"Chan min-ssi, gising na.." Gumising rin naman si Chan min at kinusot kusot ang mga mata niya.


Ang cute talaga ng anak ko!


"Umma, maaga pa po eh." Pagrereklamo niya. Mukhang nakalimutan ata nito na ngayon kami bibili nung album ah.


"So, hindi na kita bibilhan ng bagong album ng EXO ha?" Agad agad naman siyang napatayo.


"Umma! Ready na po ba ang breakfast? Kakain na po ako para makaalis na tayo." Masigla niyang sabi. Natawa naman ako sakanya.


"Maligo ka muna.. Tutulungan ko lang si Halmeoni sa kusina, okey?"


"Ne umma~" Pagkatapos nun ay dumiretso na siya ng cr. Ako naman ay pinuntahan si Umma sa kusina.



"Aalis kayo ni Chan?" Tanong ni Umma, tumango ako bilang sagot. "Bibilhan mo talaga siya ng album ng EXO?"

"Ne~" Napabuntong hininga naman ako. "Yun lang po kasi ang naiisip kong paraan para maging abala si Chan min. Sa ganoong paraan, hindi na siguro siya magtatanong tungkol sa Appa niya."


"Mina-ssi, kelan ko bang uulitin sayo na dadating ang panahon na talagang magtatanong yan si Chan Min kung nasan ang Appa niya?" Pagpapaalala ni Umma.


"Alam ko naman po yun.. Ginagawa ko lang po 'to para naman kahit papano, matatagalan pa bago siya ulit magtanong ulit sa Appa niya." Napabuntong hininga naman si Umma at nagpatuloy sa pagluluto. Tinulungan ko na rin siyang magluto para makapagsimula na kami ng breakfast.

"Umma, tapos na po akong maligo!" Nakita ko si Chan Min na nakabihis na ng pang-alis. Aba't napaka excited naman talaga ng batang 'to oh!

"Sige, umupo ka na. Para makapag breakfast na tayo."

Sabay sabay kaming nagbreakfast. Pagkatapos naming magbreakfast ay naligo muna ako at nagbihis.



xxx



Andito na kami ngayon sa mall. Medyo maraming tao ngayon dito ah?

"Umma, ang raming tao!" Banggit ni Chan Min. Mas lalo ko namang hinigpitan ang hawak sa kamay niya, baka kasi mawala eh.


"Dito ka lang malapit kay Umma, okey? Wag kang lalayo." Paalala ko sakanya, mahirap na kasi. Tumango-tango naman siya.


Naglalakad lakad muna kami dito sa mga boutique. Binilhan ko rin ng mga bagong tshirt si Chan.


"Umma, ang rami naman po ng binibili mong Tshirt para sakin." Sabi niya, "Baka maubusuan na po tayo ng pera pambili ng album ng EXO."

My Answer Is YouWhere stories live. Discover now