MAIY 9

121 6 8
                                    


[Mina's POV]

Stress akong umuwi sa bahay. Di pa rin ako nakakaget over sa ginawa ko kanina. Bat kasi sa lahat ay EXO pa ang sinuggest ko?

"Umma!" Tumakbo papalapit sakin si Chan Min niyakap niya ako sa may beywang, niyakap ko rin naman siya pabalik.

"Kamusta po trabaho? Akin na po gamit niyo, Umma." Napangiti ako sa ginagawa ngayon ni Chan Min, hindi ako sanay eh.

May kailangan kaya tong bata to sakin?

"Bait ah, bakit?" Tanong ko kay Chan Min, napatigil naman siya at napangiti.

"Umma, gusto ko pong makita ulit si Harry hyung." Nabigla ako sa sinabi ni Chan Min, bakit niya hinahanap si Harry?

"B-bwo? Waeyo?" Tanong ko sakanya at napaupo sa sofa. "Si Halmeoni, nasaan?" Di ko kasi nakita si Umma.

"Nasa kusina po si Halmeoni, Umma." Sagot ni Chan Min, tumabi naman siya sakin. "Gusto ko po makipaglaro kay Harry hyung!"

"Chan Min, busy si Harry hyung mo. Hindi ko rin alam kung pano siya maco-contact." Agad naman siyang napa-pout.

"Si Harry hyung na nga lang yung kalaro ko eh." Sabi niya tiyaka tinalikuran ako. Aba? Kelan pa natutong talikuran ako netong batang toh?

"Chanmin, alam mong ayaw ko yang ginagawa mo." Imbes na harapin niya ako ay tumakbo siya papunta ng kwarto namin.

"Aba-- Chanmin!" Pero wala, ni hindi man lang ako hinarap. Ano bang problema nung batang yun?

Kanina lang ang sweet sweet niya. Ugh, alam namang stress ako eh. Sinandal ko nalang ang ulo ko sa sofa.

"Mina-ssi.." Agad kong tiningnan si Umma na nasa harapan ko pala, "Kanina niya pa hinahanap si Harry, alam mo yun? Gusto niya daw siya maging appa."

Agad namang nanlaki ang mga mata ko, "Ano?!"

"Kung anu-ano na ang naiisip ng anak mo Mina. Mas mabuti pang ipakilala mo na sakanya kung sino ang totoo niyang ama." Mahinahon na sabi ni Umma.

Napahawak nalang ako sa ulo ko, bakit ba patong-patong lahat ng to sakin ngayong araw?!

"Umma, hindi pa ako nakakahanap ng maganda tiyempo para sabihin sakanya." Sagot ko kay Umma.

"Mina, kahit kelan hindi ka magiging ready. Mabuti pang sabihin mo na lang kay Chan--"

"Oo nga umma! Sabihin mo nalang sakin kung sino ang Appa ko! Tama si Halmeoni!" Agad akong napaupo at nakita si Chanmin sa gilid na nakikinig pala sa usapan namin.

Buti nalang talaga at wala akong nabanggit na pangalan ni Chanyeol! Kundi, harujusko!

"Wag mo kong sisigawan, Chan." Saway ko sakanya. Lumapit siya sakin at nakita kong umiiyak na pala siya.

"Umma, gusto ko na po ng Appa." Sabi niya sakin ng humihikbi habang niyakap ako sa beywang ko. "Alam mo bang pinagtatawanan ako ng mga kalaro ko Umma? Sabi nga nila ampon raw ako dahil wala akong Appa eh."

"Chan min, alam mong hindi yan totoo." Kumikirot ang puso ko. Iba talaga pag naging ina kana, doble ang sakit na nararamdaman mo pag nakikita mong umiyak ang anak mo.

"Umma.." Inangat naman ni Chanmin ang ulo niya at tiningnan ako, "Sino po ba kasi ang Appa ko?"

Napabuntong hininga ako. "Hayaan mo, Chan. Hahanapin ko ang Appa mo't ipapakilala ko agad siya sayo." Pagkatapos nun ay niyakap ko si Chanmin.

My Answer Is YouWhere stories live. Discover now