MAIY 18

131 8 3
                                    


[Chanyeol's POV]

Tapos na ang photoshoot at konting interview samin pero hanggang ngayon ay di ko parin nakikita si Mina. Asan ba siya?

"Yeol? Okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Lay hyung.

"Ne hyung. Hinahanap ko lang si Mina."

"Oo nga noh? Mukhang hindi ko siya nakita ngayon." Sambit ni Lay hyung. Lumapit naman sa amin ang iba pang members.

"Napansin niyo ba si Mina?" Tanong ko sakanila pero umiling lang silang lahat.

"Hindi ko siya nakita ngayon, Hyung ah. Diba siya naman yung mukhang team leader nila dito?" Tanong sakin ni Sehun.

"Tanungin nalang natin yung ibang mga kasama niya dito." Sabi ni Suho hyung.

Sinamahan ko si Suho hyung na magtanong sa isa sa mga kasama ni Mina dito sa trabaho niya.

"Pwede bang magtanong?" Tanong ni Suho hyung sa isang babae. Madalas ko siyang nakikita dito. Mukhang isa ata siya sa mga team leader dito.

"Ne, ano po yon?"

"Uhm, nasaan si Mina?" Deretsong tanong ni Suho hyung. Nung una ay napakunot pa ng noo ang babae pero sinagot niya naman rin kaagad si Hyung.

"Naka leave po si Mina for the rest of the week. Bakit po?" Tanong nung babae.

Naka leave si Mina? Kung minamalas ka nga naman. Kahapon lang andito siya eh.

"Pwede ba naming malaman ang numero niya? o di kaya address niya?" Nagulat naman yung babae sa tanong ni Suho hyung kahit ako ay nagulat.

"Mianhe pero bawal po naming ibigay iyon.." Pagkatapos nun ay umalis na ang babae.

Napabuntong hininga nalang kami ni Suho hyung. Pano na yan? Pano na kami magkakausap ulet? Pano na kami magkikita ulet? Hindi ko alam ang number at address niya.

Umalis na sila sa tinitirahan nilang bahay dati. Matagal ko na ring hindi makontact ang numero niyang naka save sa cellphone ko. Malamang ay nag bago na siya ng numero.

Babalik na sana kami sa grupo ng biglang may lumapit samin na lalake. Na mumukhaan ko siya. Siya yung lalaking medyo malapit kay Mina..

"Ako nga pala si Jungkook." Pagpapakilala niya, "Narinig kong hinihingi niyo ang number ni Mina kay Junhee."

Junhee ata ang pangalan nung babaeng pinagtanungan namin kanina.

"Ne, wae? May number ka ba ni Mina?" Tanong ni Suho hyung. Tumango tango naman siya. "Pwede ba naming mahingi?"

Pumayag naman siya tiyaka binigay sakin ang number ni Mina. Agad ko naman itong sinave.

"Totoo bang ikaw ang ama ng anak ni Mina?" Out of the blue niyang tanong. Nagulat naman ako sa tanong niya. Hindi ko kasi inaasahang itatanong niya yun.

Napalunok ako ng laway tiyaka tumango. Tinanguan niya ako pabalik tiyaka umalis na.

Bumalik na kami sa grupo para umuwi na sa dorm at makapagpahinga na.

"Oh? Nakita niyo ba si Mina?" Tanong ni Luhan hyung. Umiling iling ako.

"Umuwi na tayo. Magpahinha na tayo. May kanya-kanyang schedule pa tayo bukas." Ma authoridad na sabi ni Suho hyung.

"Pero pano si Mina?" Tanong ni Kyungsoo.

"Naka leave daw si Mina eh. Pero hayaan niyo na, nakahingi naman ako ng number niya." Sagot ko kay Kyungsoo.

My Answer Is YouWhere stories live. Discover now