MAIY 14

119 7 5
                                    

Susulitin ko na ang pag-update dahil malapit na ring matapos ang summer :) Magiging busy nanaman. Tapos on hiatus nanaman ako sa pagiging fangirl.

Pero seryoso, tatapusin ko tong story nato. Determinadong determinado ako. Sana please, tulungan niyo ako at bigyan ng support.

Salamat! Mahal ko kayo :*

-

[Mina's POV]

Pagkasabi at pagkasabi sakin ni Suho nun ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin si Chanyeol.

It's now or never. Bahala na ang baba ni Kris at ang eyeliner ni Baekhyun.

"Eh ang tanong, mahal mo pa ba si Chanyeol?" Tanong sakin ni Suho.

Hindi gumagana ang utak ko. Kung kailan dapat gamitin ay duon pa na out of service.

Kaya walang prenong nagsalita ako na... galing sa puso ko.

"Mahal na mahal. Magiging apektado ba ako ng ganito kung hindi?"

Nginitian lang ako ni Suho. Maya-maya ay may nag vibrate sa bulsa ko. May nag text ata. Pagkaopen ko ng text ay galing pala kay Junhee.

From: Junhee?

Asan ka? Andito na ang EXO.

Niyaya ko na si Suho na lumabas na kami ng cafe. Ganon pa din naman, lumabas kami sa backdoor ng cafe at pumasok kami sa backdoor ng building.

Andito na kami sa elevator. Papuntang 3rd floor. Eh nasa 3rd floor kasi ang studio eh.

"Suho, magtatago ba ako?" Tanong ko sakanya. Nakita ko namang magkasalubong ang kilay niya.

"Desisyon mo naman yan Mina eh. Nasa iyo kung haharapin mo na siya. Ito na rin ata ang tamang panahon.."

Napabuntong hininga ako. Bahala na. Andito ako para sa trabaho ko, wala ng makakapagpigil sakin.

Bago ako pumunta ng studio ay pinauna ko na si Suho dun. Dadaan muna ako ng restroom.

Inayos ko ang buhok ko at tinali ito sa isang messy bun. Balak ko sanang magsuot ulit ng sunnies pero magmumukha akong tanga.

Pagkalabas at pagkalabas ko ng cr ay bumukas naman ang cr ng lalake sa tapat ko.

Para akong nabuhusan ng yelo nang magkatitigan kami.

Shit. Shit. Shit. Pakingtape!

Bakit wala man lang pasabi na magkikita kami agad? Wala man lang sign o signal?

"M-mina?" Pakingshet. Pagkatapos ng maraming taon, narinig ko nanaman ang boses niya!

Hindi ako makagalaw at lalong hindi ako makapagsalita! Ewan nakalimutan ko na ata magsalita o talagang nalunok ko na yung dila ko!

Leche Mina, magsalita ka! MAGSALITA KAAAAAA!!

Lumunok muna ako ng laway bago tumangkang magsalita..

"Y-yeol.." Nagsitaasan ang balahibo ko ng binanggit ko ang nick name niya na lagi kong tinatawag nuong kami pa.

"Nandito ka pala sa Korea?" Walang ka emosyon niyang tanong. Hindi ko rin mabasa ang kanyang iniisip.

"G-galit ka ba?" Ewan at bigla ko iyong natanong.

Pero pinagsisisihan ko na ang ginawa ko. Sana ay tumikhim nalang ako ng bibig at hindi na nagtanong pa.

"Sino bang hindi? Bat ka pa ba bumalik? Hindi ka pa nakuntento sa sakit na binigay mo sakin?" Then nag walkout siya.

Those words from him just hit right through my heart. Bullseye kung bulls eye eh noh?

My Answer Is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon