MAIY 24

150 6 8
                                    

Author's note: PRELIMS NAMIN NUNG JULY 2 :(((( AYOS RIN EH NOH.

Kaya eto mag uupdate na ulit ako. Sorry sa cliffhanger last update ;) Hehehe. May nagbabasa pa ba neto? Vote naman kayo diyan.

LONG COMMENTS PLS ♥ Kailangan ko ng motivation thanks! Mahal ko kayo!

P.S. OMG ANG GANDA NA NG WATTPAD NGAYON!!

P.S.S. DON'T FORGET TO VOTE GUYS. GUSTO KONG MALAMAN KUNG ILAN NALANG ANG NAGBABASA NETO.

P.S.S.S SORRY FOR THE LATE UPDATE xx
-

[Mina's POV]

"Yeol, iniiwasan mo ba ako?"

"Oo." Sagot niya. Bakit niya ako iniiwasan? Ano bang nagawa kong masama? Diba okay na kami?

"Nakakaramdam ka naman pala eh. Bat mo pa ko kinakausap?" Dagdag niya. Hindi ko alam kung si Chanyeol ba talaga tong kaharap ko ngayon.

"Hindi kita naiintindihan." Wala sa wisyo kong sagot sa kanya. Napailing nalang siya.

"Intindihin mo. Iniiwasan kita. Nilalayuan kita. Oo, pumupunta ako sa bahay mo. Si Chanmin lang ang pakay ko. Nagpapaka-ama lang ako sa anak ko." Tiningnan ko siya ng mabuti, talagang si Yeol ba ang kaharap ko ngayon?

"Bakit moko iniiwasan? Ano bang ginawa kong masama ha, Yeol? Okay naman tayo ah?" Tanong ko sakanya.

"Okay? Wala akong sinabing okay tayo Mina." Tiningnan niya ako, mata sa mata. Hindi ko kayang mabasa ang emosyon ni Chanyeol ngayon.

"Andito lang ako para maging ama kay Chanmin. Wala na tayong silbi para sa isa't isa." Napasinghap ako sa sinabi niya.

"At kahit kailan.." Huminga siya ng malalim, "Kahit kailan, hindi ako magiging okay sa babaeng lubos akong sinaktan dati."

Bumuntong hininga siya at pumasok na sa kotse niya. Ramdam ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Hindi ko namalayan na humarurot na pala papaalis ang sasakyan ni Yeol.

Naiwan ako sa labas na hindi makapaniwala sa mga narinig ko.

Hanggang ngayon hindi pa rin kami okay ni Chanyeol?

Onga naman. Sino ba naman ang taong magpapatawad ng ganun-ganon nalang pagkatapos mo siyang iwan at saktan diba?

Masyado akong nagpakabulag. Akala ko si Chanmin ang makakapag-ayos samin ni Yeol pero hindi.

Akala ko lang yun.

Pinunasan ko na ang aking mga luha tiyaka pumasok na sa bahay nang biglang may bumusinang kotse..

Agad ko itong nilingon. "Yeol?" Mahina kong sambit ngunit mali ako ng akala.

Lumabas si Harry ng sasakyan niya at agad akong niyakap. Dapat ba akong maging masaya ngayon dahil andito si Harry sa tabi ko?

At dapat bang mas manlumo ako sa sarili ko dahil pinapaasa ko si Harry sa wala? Dahil sa gayong alam kong si Chanyeol parin naman ang nilalaman ng puso kong 'to?

"Mina, namiss kita." Niyakap niya ako ng mas mahigpit. Tama na, Harry.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako, mata sa mata.

"Gwaechana? Okay ka lang?" Tanong niya. Tinanguan ko lang siya at sinuklian ng mapait na ngiti.

"Gwaenchana.." Hinawakan ko ang mga kamay niya para hindi na siya magduda pa, "Bakit ngayon ka lang?" Pag-iiba ko ng topic.

My Answer Is YouWhere stories live. Discover now