MAIY 16

114 7 7
                                    

Alam kong hinihintay niyo ang POV ng taong to. Kaya eto na.

-

[Chanyeol's POV]

Tumakbo ako patungo sa van. Rinig ko ang pagtawag sakin ni Kris hyung pero binalewala ko siya.

Naguguluhan ako ngayon. Sobrang gulong-gulo!

Una, nakita ko si Mina. Pangalawa, nagpakilala siya bilang Yoon Mina. Pangatlo, nakita kong magkayap sila nung bwisit na Harry na yun!

Yung Harry'ng lagi kong pinagseselosan nuong kami pa! At ngayon?! Nakakainis!

At pangapat, ANAK KO SI CHANMIN?!

Kaya ba? Kaya ba ganoon nalang ka gaan ang loob ko sa batang yun?

Nadating ko kaagad ang van na nakapark sa parking lot. Buti nalang at may spare key ako sa van namin.

Pumasok na ako sa van namin at ini-start ang engine. Magsisimula na sana akong magdrive pero hinarangan ako ni Kris Hyung.

Binaba ko ang window ng van tiyaka siya sinigawan, "Hyung! Ano ba! May balak ka bang magpakamatay ha!"

Masyado akong badtrip, tapos makikiinis pa siya. Badtrip! Tangna!

"Sige, sagasaan mo ako!" Sigaw niya pabalik.

"Puta, Hyung!" Napasambunot nalang ako sa buhok ko ng biglang bumukas ang pintuan sa shotgun, agad na sumakay si Suho Hyung dito.

Si Kris Hyung naman ay tumakbo para sumakay sa likod ng sasakyan.

"Ano bang ginagawa niyo dito?!" Inis kong sigaw ko sakanila.

"Magdrive ka na. Bahala ka kung san mo gusto pumunta." Ma authoridad na sabi ni Suho. Tinitigan ko lang siya.

"Drive, Chanyeol. But we'll stay." Sabi ni Kris hyung.

Sinuntok ko ang manibela at nagsimula ng magdrive. Unti-unting bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Ilabas mo na, C-chanyeol.." Sabi ni Suho hyung at hinawakan ako sa balikat.

"Nakakabwisit, Hyung! Ang sakit! Bumalik siya! Nakita kong magkayakap sila nung Harry! Bwisit! Puta! Ako ba pinagloloko nila?! Bat pa ba siya bumalik?"

Sinuntok ko nanaman ang manibela.

"Calm down. Masyado ng mabilis ang pagpapatakbo mo." Kalmang sabi ni Kris Hyung.

Hininto ko ang van sa tapat ng isang park. Ang park na madalas naming tinatambayan dati ni Mina.

Sinandal ko ang ulo ko sa manibela.

"T-tapos sasabihin niyang anak ko si Chanmin?! Gagawin niya pa akong ama ng anak niya sa Harry'ng yun?!" Sigaw ko.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Kris at Suho hyung. Kita ko rin na napatingin sa sila sa isa't isa.

"Anak mo siya, Chanyeol." Napalingon ako kay Suho hyung.

"Pati ba naman ikaw Hyung?!"

"I agree with Suho." Kalmang sabi ni Kris hyung. Sinuntok ko nanaman ang manibela. Sinambunot ko nalang ang buhok ko.

Patuloy parin ang pag patak ng mga luha ko.

Hindi lahat ng lalaki na umiiyak ay bakla. Bihira lang ang mga lalaki na umiiyak. Umiiyak lang kami pag masyadong ng mabigat at masakit.

At sa sitwasyon kong to? Sobrang-sobra na.

"Chanyeol-ah, pwede bang makinig ka muna sakin?" Napalingon ako sa nagsalita na si Suho hyung.

"Bakit?" Tanong ko.

"Makinig ka nalang." Ma-authoridad na sabi ni Suho sakin. Tumango nalang ako ng tumango tiyaka sumandal sa upuan.

"A-anak mo si Chanmi--" Hindi ko pinatapos si Suho hyung.

"HYUNG! Ano ba? Pati ba naman ikaw? Kinakampihan mo siya?" Napahawak ako sa ulo ko. Nakakainis naman eh!

"Yah! Nasusubrahan ka na sa pagiging Reaction King mo ha! Pwedeng mamaya ka na muna magreact at makinig ka muna kay Suho?" Inis na sabi ni Kris Hyung.

Gusto niya lang maki-chismis eh.

Napabuntong hininga ako. Tumahimik lang ako dahilan para magsalita nanamn ulet si Suho hyung.

"Umalis siya noong birthday mo d-dahil buntis siya. At ikaw ang appa. Ikaw, Chanyeol. Ikaw" Sabi ni Suho hyung na pinagdidiinan pa ang IKAW.

Nanahimik lang ako at nakinig sakanya. Unti-unti kong ina-absorb ang kung ano mang sinasabi ni Hyung sakin.

Pero hindi parin ako lubos naniniwala.

"Babalik sana siya noon birthday mo nung 2012 para humingi ng tawad at ipakilala sayo ang anak niyo.. Pero hindi siya nagtagumpay na makapasok sa bahay niyo.." Kumunot ang aking mga noo sa sinabi ni Suho hyung.

"Hinarang siya ni Manager hyung. Sinaktan niya si Mina. Marami siyang ginawa kay Mina na masakit. Sinabihan niya itong mukhang pera dahil ganon na daw siya kadesperada at nagdala pa siya ng bata. Alam ni Manager hyung na anak mo yung batang yun pero wala siyang pakialam. Tinulak tulak niya si Mina papalabas ng gate, sinampal niya pa nga to eh. Habang tayo sa loob.. tayo sa loob ay nagkakatuwaan at nagkakasiyahan."

S-si Manager Hyung?! Papaano niyang magagawa niyon? Ang bait naman ni Manager hyung samin ah?

"S-si Manager Hyung? Pero... bakit hindi niya ito sinabi satin?" Tanong ko kay Suho hyung.

Huminga ng malalim si Suho hyung, "Dahil ayaw niyang masira ang career mo. Ang EXO. Tinakot niya si Mina na pagtuluyan pa siyang lalapit satin ay posible niyang sirain ang buhay mo at ang buhay natin ng 11 pang members."

Biglang napasingka si Kris hyung, "I told you! Merong nangyayari sa labas ng bahay ni Chanyeol nung panahong yun! And that bitch manager of ours, bwisit. Di man lang ba siya naawa sa bata?! Chanyeol has the right na makilala ang anak niya!"

ANAK KO BA TALAGA YON?

"Alam kong hindi ka parin naniniwala sakin na anak mo si Chanmin. Pero Chanyeol..."

Napatingin ako kay Suho hyung dahil bigla siyang natahimik.

"Bakit di ka man lang gumamit ng protection noon?!" Biglang sigaw ni Hyung. Narinig ko ang pagtawa ni Kris hyung sa likod kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bwo? Suho has a point. Tapos ngayon magdadalawang isip ka kung anak mo ba si Chanmin? Eh alam mo namang hindi ka gumamit ng protection non. Pabo." Pangangaral sakin ni Kris hyung.

Napahawak nalang ako sa ulo ko. Kaya ba ganon nalang kagaan ang loob ko sa batang yun? Kaya ba kami magkamukha dahil anak ko nga yun? Kaya rin ba malaki ang tenga niya dahil namana niya sakin yun? Pati yung pagiging masaya niya?

"K-kailangan kong makausap si Mina." Yan lang ang nasabi. Tiningnan ako ni Suho hyung.

"Wag na muna ngayon.. Pagod na pagod na siya. Ipagpahinga mo na muna." Hinagod ni Hyung ang likod ko.

"Siguro balikan na muna natin ang ibang members duon. Hindi pa naman alam nong langkwentang manager natin ang nangyayari." Utos ni Kris hyung.

Ini-start ko na ang engine at nag simula ng magdrive pabalik dun sa pinagtatrabahuan ni Mina.

Andun pa kaya siya? Andun pa kaya si Mina? Andun pa kaya ang anak niya? Ang anak ko? Ang anak naming si Chanmin?

Gustong makausap si Mina. Gusto kong malinawagan sa mga nangyayari.

-

Mianhe guys kung natagalan :< PERO HUHUHUHU YUNG END EP. 15! RAMDAM NIYO BA ANG FEELSUE KO? SHET SHET NAIIYAK AKO. KRISHAN! TAO! osge yun lang :(

My Answer Is YouWhere stories live. Discover now