MAIY 19

114 5 5
                                    


[Mina's POV]

Andito na ako sa park na lagi naming pinupuntahan ni Yeol dati. At nakaupo na rin ako dito sa bench.

Dadating kaya siya?

Habang naka upo ako dito sa bench ay pilit kong naaalala ang mga masasayang ala-ala na nabuo namin dito ni Yeol.

Biglang may pumatak na luha galing sa mga mata ko. A-ang sakit. Kung siguro hindi ko iniwan si Yeol ay malamang pumupunta parin ako dito..

Pumupunta kami dito... kasama si Chanmin.

"Mina." Agad akong naging yelo sa pagkakaupo ko nung narinig ko ang boses niya.

Napalingon ako sakanya tiyaka ngumitu ng tipid. Tumayo ako, "Chanyeol."

Umupo siya sa bench at ganoon rin ako. Binalot pa kami ng konting katahimikan bago siya ulet nagsalita.

"Salamat nga pala dahil dumating ka."

Napalingon ako sakanya, "Sasayangin ko  pa ba ang pagkakataong to? Na makapagpaliwanag sayo?"

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya tiyaka niya ako tiningnan sa mga mata. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"Mina... bakit?" Napatingin ako sakanya saglit at agad namang umiwas.

"Bakit mas pinili mong itago si Chanmin sakin?"

"M-mianhe, Yeol.. Sorry.. sorry talaga." Tanging sorry lang ang kaya kong sabihin sakanya.

Ang bigat sa pakiramdam. Mismong kay Park Chanyeol na ako mag papaliwanag. At hindi rin ako nakakasigurado na pagkatapos nito ay matatanggap niya pa ba ako o hindi.

Pero kahit naman sana... si Chanmin ay matanggap niya.

"N-nung nalaman kong buntis ako.. Halo halong emosyon ang naramdaman ko. May halong saya, kaba at takot."

▼▼▼

[Chanyeol's POV]

"N-nung nalaman kong buntis ako.. Halo halong emosyon ang naramdaman ko. May halong saya, kaba at takot." Ani Mina. Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya iyon. Si Mina naman ay nakatingin lang sa baba.

"Saya dahil.. nagbunga ang pagmamahalan natin. Dumating si Chanmin." Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit naman na mukhang itinakwil ko si Chanmin nung isang araw ay hindi ko parin maiitatanggi na anak ko siya at napamahal na siya sakin.

Nung una ko pa lang siyang nakita nung fansigning event namin.. ang gaan gaan na talaga ng loob ko sakanya.

"Pero hindi nawala ang kaba at takot ko.." Agad namang nawala ang ngiti ko sa sinabi niya at napaiwas ng tingin.

"Kaba dahil.. ang ama ng dinadala kong anak ay magiging idol. Takot dahil baka dumating ka sa puntong mamimili ka kung kami ba ng anak mo o ang career mo.. Takot dahil baka mas pipiliin mo ang career mo."

Napatingin ako kay Mina. Hindi maitatago sa mukha ko na galit ako sa mga pinagsasabi niya ngayon.

Ganyan ba ang tingin niya sakin? Na kung papipiliin ako kung career ko ba o ang magiging pamilya ko ay mas pipiliin ko ang career?

Ganyan ba kababaw ang tingin niya sakin?!

"Alam kong galit ka dahil sa pinagsasabi ko ngayon. Siguro iniisip mo ngayon na napaka babaw ng tingin ko sa iyo noon." Tiningnan niya ako kaya magkaharap kami ngayon.

"Pero Yeol, hindi.. Kahit kailan hindi ko inisip na napakababaw mo. Hindi kita minamaliit o ano pa man. Dahil nung panahong yun.. mas pipiliin ko na makamit ang mga pangarap mo.."

My Answer Is YouWhere stories live. Discover now