MAIY 8

133 7 4
                                    


[Mina's POV]



"Salamat nga pala sa libre mo, Harry hyung ha!" Pagpapasalamat ni Chan Min sabay bro fist kay Harry.



Di ko alam pero agad siyang napalapit kay Harry. Ang close na nga nila sa isa't isa eh.



"Wala yun basta ikaw." Sabi ni Harry kay Chan Min sabay kindat, "Sige kailangan ko ng umuwi. Una na ako ha?" Tinanguan ko naman siya.



"Sige, mag ingat ka Harry.Salamat nga pala ulet." Pagpapaalam ko sakanya habang nakangiti. Nginitian niya lang ako pabalik.



"Annyeong Hyung." Paalam naman ni Chan Min kay Harry.

Nung nawala na si Harry sa paningin namin ay napag desisyunan narin namin ni Chan Min ang umuwi.



Nung nawala na si Harry sa paningin namin ay napag desisyunan namin na umuwi na rin.




xxx




Pagka uwi namin ay agad na ikinwento ni Chan Min kay Umma ang tungkol kay Harry. Pinagmalaki pa nga niyang nilibre siya ni Harry ng pizza eh.



"Nakabalik na pala si Harry sa Korea, Mina?" Tanong sakin ni Umma.



"Ne, umma. Nabigla nga akoeh." Sagot ko sakanya, "Umma, sa kwarto lang muna ako."



Pagkadating ko sa kwarto ko ay agad akong nagbihis tiyaka humiga sa kama.


Gusto kong magpahinga saglit. Nakakapagod kaya ang ginawa namin ni Chan Min ngayong araw.



Maya maya naman ay may biglang bumakas ng pinto, pagkatingin ko naman rito ay si Chan Min pala.



"Umma?" Tawag niya sakin. Nginitan ko lang siya at sinenyasan na lumapit. Pagkalapit niya agad ko siyang niyakap.



"Umma, si Harry hyung po ba ang ama ko?" Agad naman akong napatingin kay Harry.



"Bakit mo naman nasabi?" Tanong ko sakanya. Kinamot niya naman yung batok niya.



"Kasi po, siya lang po yung lalakeng kilala mo eh. Kaya yun, naisip ko baka siya ang Appa ko." Oo, si Harry pa lang nakikilala ni Chan Min na lalake na kaibigan ko. Halos babae nga ang kasama at kilala ni Chan Min eh. "Siya po ba Umma?"

My Answer Is YouWhere stories live. Discover now