MAIY 5

175 12 7
                                    




[Chanyeol's POV]


"Andito sa Korea si Mina." Sabi ko kay Suho hyung.


"Bwo? Jinja?!" Hindi naman halatang gulat si Hyung noh.


Napahilamos nalang ang kamay ko sa mukha ko, "Hyung, feeling ko may pamilya na siya. May anak na siya.."


"Bwo? Si Mina? May anak na?" Di makapaniwala niyang sabi. Tumango naman ako. "San mo ba kasi nakuha yang balitang nasa Korea si Mina?"


"Hindi mo ba narinig hyung? Binroadcast yung pangalan niya kanina sa mall." Tinaasan lang ako ng kilay ni Hyung, di parin maka paniwala.


"Ano ka ba! Maraming Lee Mina sa Korea!"


"Pero hyung! Malaki rin ang posibilidad na si Lee Mina na kilala ko yung Lee Mina na binroadcast sa mall!" Inirapan naman ako ni Hyung tapas nakangisi.


"Lee Mina na kilala lang daw." Rinig kong sabi niya.


"Aish! Ewan ko sayo hyung!" Papalabas na sana ako ng kwarto ng tinawag niya ako.


"Chanyeol-ah..Umupo ka nga muna dito." Sabi niya sabay turo sa kamang katabi niya.


Sinunod ko naman siya. "Pano nga kung si Lee Mina yung binroadcast kanina sa mall? Ano namang meron?" Tanong sakin ni Hyung.


"Malaki ang posibilidad na anak niya yung batang na kilala natin. Si Chan Min." Nanlaki naman ang mga mata niya.


"Kanino mo ba nakuha yang impormasyon na yan?" Tanong niya habang kinakamot ang ulo.


"Hyung! Naaalala mo? Dinala ni Manager Hyung si Chan Min sa Customer Service para ma-paging ang magulang ni Chan Min. Tapos maya-maya, binroadcast ang pangalan ni Mina." Pagpapaliwanag ko.


"Alam mo, baka naman coincidence lang yung kay Lee Mina at Chan Min. At tyaka kung magkakaanak man si Mina, siguro hindi ganon agad kalaki na tulad ni Chan Min!" Sabi niya sakin.


"Napaka imposible nun! Atyaka di ba nga 4 years old na si Chan Min? Edi ibig sabihin, 3 years old yung original age. Eh 3 years na rin simula nung nag debut tayo. Ang labo naman ata Chanyeol!" Dagdag niya.




Ang labo nga naman na anak ni Mina si Chan Min.



Hindi naman pwedeng buntis si Mina nung kami pa at nung iniwan niya ako diba?




Pero..

My Answer Is YouWhere stories live. Discover now