MAIY 15

117 6 4
                                    


[Mina's POV]

Nagsimula na kaming mag pictorial. Andito lang ako sa may gilid na nakatago. Ang bigat bigat ng mga mata ko.

Nagpapahinga lang ako dito sa gilid ng bigla akong kinalabit ni Jungkook.

"Oy, nakita ko nanaman yung lalaki na dumating dito kanina. Parang papunta ata siya dito, may dalang bata." Agad naman na nanlaki ang mga mata ko.

Si Harry? May kasamang bata?

"Sinong bata?" Tanong ko. Napahawak pa sa baba si Jungkook na nag-iisip.

"Di ko kilala eh." And as if on cue may biglang sumigaw na bata galing sa labas ng studio.

"HYUUUNGS!" Napatayo ako kaagad ng narinig ko ang boses ng anak ko. Shit, Harry! Bakit dito mo dinala si Chanmin!

"Chanmin-ssi!" Napalingon ako kay Chanyeol na tinawag ang anak niya..

Lumakas ang tibok ng puso ko. Ang lakas-lakas nito na para bang lalabas na ito sa dibdib ko. Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Nakita ko nalang na tumakbo si Chanmin papunta kay Chanyeol at niyakap ito.

Pinagkaguluhan si Chanmin ng buong EXO. Habang abala pa si Chanmin sa EXO ay dali-dali akong lumabas ng studio at nakita si Harry na nakanganga.

"Mina, paanong magkakilala sila Chanmin at Chany--"

Pinutol ko na siya, "Harry! Ano bang iniisip mo?! Bakit mo dinala si Chanmin dito?!" Sigaw ko sakanya.

Mas lalo niya lang sinira at ginawang komplikado ang araw ko eh. Diba pwedeng isa-isa muna?

Bakit kailangang ipagsabay? Kaka-explain ko pa nga lang kay Suho ay nagkita na kami kaagad ni Chanyeol. At ngayon eto, dinala niya pa si Chanmin.

"S-sorry Mina. Hindi ko alam. Tinanong ko kasi si Chanmin kung san niya gusto pumunta eh. Ang sabi niya ay gusto niyang pumunta dito." Mahinang tugon ni Harry na halatang natatakot na sakin.

Napasapo ako sa noo, "Nagtext ka man lang sana! Nakakainis naman eh!"

Di ko alam pero niyakap niya lang ako bigla. Nuong niyakap niya ako bigla akong nanghina at talagang bumagsak na ako sa mga bisig niya.

"Mianhae, Mina.. Hindi ko alam na buong EXO pala ang darating dito eh.." Bulong niya sa tenga ko. Niyakap ko siya pabalik.

"Pagod na pagod na ako Harry." Di ko alam pero humagulhol na pala ako. Kanina ko pa gustong umiyak pero wala naman akong taong mabubuhusan nito.

"Ssh.." Hinaplos niya ang likod ko.

Magkayakap lang kami ni Harry habang pinapatahan at pinapakalma niya ako ng biglang may tumawa sa likod ko...

"Nahiya ka pa Mina, pwede namang sa loob na kayo magyakapan ng pinalit mo sakin eh." He smirked.

Akmang susugurin siya ni Harry pero pinigilan ko siya. "Harry.." Tiningnan niya ako at pinandilatan ko lang siya ng mata.

"Umalis ka na Harry.." Utos ko kay Harry.

"Nako Harry, wag ka munang umalis. Natutuwa ako sa inyong dalawa eh." Ngumisi si Chanyeol, "Akalain mo.. Ang pinagpalit sakin ng EX ko ay yung mismong pinagseselosan ko nung una pa."

Umiba ang ekspresyon ni Chanyeol at naging seryoso ito. Umigting ang kanyang panga at kitang kita ko rin ang mga kamao niyang handa ng manuntok.

"Harry, umalis ka na.." Pagpapaalis ko kay Harry.

My Answer Is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon