MAIY 11

104 5 3
                                    


[Mina's POV]

Pagka-uwi ko ay agad akong napasalampak sa kama ko. Jusko, tulungan niyo po ako.

"Mina? Okay ka lang?" Napabangon naman ako sa pagkakahiga tiyaka tinanguan si Umma.

"Anong nangyari? Bat mukhang pagod na pagod ka?" Tanong niya sakin.

"Ah, wala po Umma." Sagot ko sakanya, "Si Chanmin po?" Pagiiba ko ng topic.

"Ayun, maagang natulog. Napagod kasi ata sa paglalaro kanina sa playground eh." Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi mi Umma, "Nagtatampo parin sayo yung bata."

"Ano ba kasing gagawin ko Umma?" Tanong ko sakanya kahit naman obvious na para sa akin ang isasagot niya.

"Umamin ka na kasi sakanya at kat Chanyeol, anak."

"Umma, hindi naman po kasi ganon kadali. Alangan namang, lalapit lang ako kay Chanyeol kasama si Chanmin sasabihing 'Yeol, anak mo nga pala'" Napahilamos ako sa mukha ko.

"Madali lang naman yun eh." Ano bang pinagsasabi ni Umma na madali?

"Umma, hindi. Anong iisipin sakin ni Chanyeol? Na nababaliw na ako? Na nasisiraan na ako ng bait? O baka isipin pa nun na habol ko pera niya lalong lalo na't ang sikat niya na ngayo--"

"Mina, alam mong alam nating hindi ganyang klaseng tao si Chanyeol."

Napabuntong hininga ako. Umma, sino ba anak mo samin ni Chanyeol? Siya ba? Bakit siya ba kinakampihan mo?

Tinanguan ko nalang si Umma, "Oo na po."

"Oo ka ng oo, wala ka namang ginagawa." Pagkatapos nun ay pumasok na sa kwarto si Umma.

Iniwan niya akong mag-isa dito sa salas. Siguro napapagod narin siya sakin. Ang tigas kasi ng ulo ko.

May naramdaman ako ng vibrate sa bulsa ko. May nag text..

From: Sohee

Mina! Nasa trabaho ka pa ngayon? Deretso ka na muna sa cafe na malapit sa building niyo. Hintayin kita dito!

Hindi naman ako makaayaw dahil sabi nga ni Sohee, antayin niya daw ako dun.

Pumasok ako sa kwarto ni Umma at nagpaalam na aalis muna ako saglit. Pumayag naman siya. Pagkatapos nun ay naglakad na ako sa sinabing cafe ni Sohee.

Pagkarating ko dun ay nakita ko siyang nakaupo sa isang table na may iniinom na coffee.

"Mina!" Masaya niyang bati sakin sabay abot sakin nung kape na binili niya para sakin.

Umupo ako sa harap niya tiyaka ininom ang kape ko.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko lang mangamusta, napakilala mo na ba si Chan kay Chanyeol?" Agad akong napairap sa kanya. Kahit pa naman ba dito? Yan pa din ang pag-uusapan?

"Wag na muna natin yan pag-usapan, jebal." Mahinahon kong sabi.

"Eh bakit naman?" Ang kulit talaga ng babaeng to. Napabuntong hininga ako tiyaka kinalma ang sarili.

"Hindi pa alam ni Chanmin." Sagot ko. Agad namang napanguso si Sohee.

"Pero nagkita kami ni Suho." Kwento ko, agad namang napataas ng kilay si Sohee.

"Ha? Paano?!"

"Eh ako kasi tong tanga at sinuggest ko na ang EXO ang maging cover para sa next month's issue namin. Eto namang EXO, pinaunlakan rin yung invitation namin. Kaya ayun, nagkandeleche-leche na."

Bigla namang natawa si Sohee, nakakunot ang noo kong tumingin sakanya.

"Hindi naman sana magkakadandaleche-leche ang lahat ng 'to kung sinabi mo na kay Chanyeol ang tungkol kay Chanmin noon pa man."

Nagmake-face nalang ako sakanya. Bakit halos lahat ng tao ay kinakampihan si Chanyeol?

Sabagay kasalanan ko naman talaga to eh. Kung di lang sana ako nag pakaduwag at nagpa apekto sa manager nila edi sana..

Napabuntong hininga nalang ako.

"Nagtatampo sakin ngayon si Chanmin.." Naging seryoso naman kaagad si Sohee, "Nakita na rin ako ni Suho."

Nanlaki naman ang mga mata niya, "N-nakita ka ni Suho Oppa?" Tinanguan ko siya. "P-paano?"

"Diba nga kasi, inimbitahan namin ang EXO para maging cover namin next month.. Ayun, akala ko yung manager lang ang makakaharap ko, sinama niya pala si Suho."

Nagkibit balikat naman si Sohee, "Ewan ko na sayo Mina. Kung ako sayo, sasabihin ko na kay Chanmin at Chanyeol ang totoo."

Akala niyo kasi madali lang yan eh. Kayo kaya dito sa posisyon ko. Alangan namang bigla ko lang harapin si Chanyeol tas sasabihin kong anak niya si Chanmin diba?

"Nga pala, nagkita kami ni Harry." Kwento sakin ni Sohee. Magkakilala sila ni Harry dahil sakin. "Hiningi niya yung number mo."

"Binigay mo?" Tanong ko.

Tumango siya, "Bakit naman hindi? Magkakilala naman kayo nung tao eh." Ininom niya ang kape niya bago siya magsalita ulit, "Nga pala, kailan niyo i-shoshoot ang EXO?"

"Maybe this week or next week."

"Text moko ha?"

"Bwo?" Bakit ko naman siya itetext? Ano bang kinakain netong Sohee?

"Update mo lang. Bakit?"

"Wala ka namang ibang balak diba?" Tanong ko sakanya na ikinatawa niya bigla.

"Aniyo. Wag kang magalala." Nginitian niya ako tiyaka ko siya nginitian pabalik. "Itetext ka raw bukas ni Harry. Sinabi ko na rin kung san ka nag ta-trabaho at kung san ka nakatira."

Nanlaki ang mga mata ko, "BWO? Wae? Wae? Jinja?"

Tinaasan niya lang ako ng kilay, "Ano bang problema mo? Kaibigan mo naman yung tao eh."

Hindi naman kasi dahil dun. Baka kasi masyadong mapalapit si Chanmin kay Harry.. Tas ngayon, gusto ni Chanmin maging appa si Harry.

Napahawak nalang ako sa ulo ko tiyaka umiling-iling, "Wala. Walang problema."

Pagkatapos nun ay tumayo na siya sa kinauupuan niya. "Mina-ssi, uwi na ako ha? Annyeong!"

At sa isang iglap ay nawala na siya sa paningin ko. Napabuntong hininga nalang ako. Ewan ko talaga sa babaeng yun. Bat ko ba yun naging kaibigan.

Napahawak nalang ako sa ulo ko, Lord.. Ano ba kasi tong pinasukan kong buhay at bakit nagkakandeleche-leche na ang lahat?

-

Short UD lang muna :)

My Answer Is YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora