MAIY 7

127 8 5
                                    




[Mina's POV]




"M-mina?"








Literal naman na nanlaki ang mga mata ko, "Harry?"



Si Harry ba talaga tong nasa harap ko?!



"Yah, Mina! Namiss kita." Sabi niya sabay hinila ako sa isang yakap. Yinakap ko naman siya pabalik.



Siya si Choi Harry. Magkaibigan na kami magmula nung mga bata pa kami.

"Namiss din kita! Kamusta nga pala ang pagtira mo sa New York?" Tanong ko sakanya.



Matagal tagal ko na rin siyang hindi nakikita magmula nung lumipat sila ng family niya sa New York.



"Okay lang, medyo maalam na ako sa pag english." Sabi niya sabay kindat sakin. Binatukan ko naman siya. "T-teka, sino ba tong bata?" Tanong niyang nakangiti habang tinitingnan si Chan Min.



"Umma, sino siya?" Tanong sakin ni Chan Min dahilan para lumaki ang mga mata ni Harry, halatang nabigla siya.



"U-umma?" Paguulit ni Harry, "May anak ka na? " Sunod sunod niyang tanong sakin.



Tumango naman ako ng nakangiti.



"Bwo? Jinja?!" Halatang hindi siya makapaniwala. "A-ahh ano, Ano pangalan ng anak mo?"



"Siya si-"



"Annyeong! Ako po si Chan Min!" Pagpapakilala agad ni Chan Min. Agad naman kaming napatawa ni Harry.



"Ahh, Chan Min-ssi? Gusto mo bang kumain ng pizza?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Harry, at ano naman kayang nakain netong lalaki na to at manlilibre siya?



"Ne!" Sagot agad ni Chan Min, agad namang hinawakan ni Chan Min ang kamay ni Harry at binitiwan ang kamay ko.

My Answer Is YouWhere stories live. Discover now