MAIY 28

99 2 1
                                    

A/N: I have a Seventeen epistolary fiction on-going, entitled "Pare" :-) Please support Pare like the way you guys supported My Answer Is You!

Don't forget to like and comment! Trivia lang guys, everytime na may nagcocoment nagiging inspired akong mag update :-) Thank you!!!

-

[Mina's POV]

Pagkapasok nang pagkapasok ko sa bahay ay agad na nag unahan ang mga luha ko. Ang sakit, ang sakit sa pakiramdam. Chanyeol's playing the game push and pull and I don't have time for that.

Naiiintindihan ko naman na nasaktan ko siya dati, but I did it for his own good! Kahit pa nasabihan niya na ready siya maging ama para kay Chanmin that time, I knew he'll regreting it soon na hindi siya nakapagdebut kasama ang EXO.

I saw how happy he was when he's performing with EXO! And kung babalikan ko man ang nakaraan, I will probably do the same thing.

Pumasok ako ng CR at nang hilamos. Hindi ko kayang makita akong ganito ni Umma.

Pagkalabas ko nang CR ay nakita ko sa hapag namin ang binili ni Chanyeol sa drive thru kanina.

"Pinabibigay ni Chanyeol, hindi na daw siya papasok." Rinig kong sabi ni Umma, "Balak niya pa sanang iwan sa may gate, buti nalang at naabutan ko siya."

"Nga pala, bakit nakauwi ka na?" Tanong ni Umma, nginitian ko siya.

"Hindi po kasi ako na update ni Junhee. General cleaning lang pala ngayon kaya napagdesisyunan kong umuwi na lang."

"Ahh, mabuti naman para makapagpahinga ka. Mukhang wala ka sa sarili anak." Tumawa ako ng mapait at nagpaalam na matutulog muna ako.

Lumipas ang isang linggo at hindi ko na muling nakita ang anino ni Chanyeol. It's better this way pero lagi akong kinukulit ni Chanmin kung asan ang Appa niya. Why do I always get guilty kapag tinatanong niya kung san ang Appa niya?

Nagmumuni pa ako nang biglang may nagtext sakin.

-

From: Sohee

Hoy mina, kamusta ka na?

-

Napangiti ako sa mensahe ni Sohee, matagal na rin kaming hindi nagkakausap. Maybe this is what I need, I need a friend. Kailangan kong ilabas lahat ng kinikimkim ko.

-

To: Sohee

San ka nilagay ni Lord? Bat ngayon ka lang nagtext? Hayop 'to. Ang rami kong ichichika sayo.

-

Wala pang isang minuto ay nagreply na si Sohee.

-

From: Sohee

Busy po kasi yung tao. Anong chika? Chika mo bilis!!!!

-

To: Sohee

Magkita tayo, dun sa coffee shop na harap ng building office namin. Free ka ba ngayon?

-

From: Sohee

NE!!!!!

-

Pagkatapos non ay agad kong niligpit ang mga gamit ko at nagpaalam kina Junhee na lalabas lang ako saglit. Mabilis akong nakarating sa lugar na pinag-usapan namin ni Sohee. Lumapit yung waiter sakin kaya't nag order nalang ako na dalawang Choco Burst frappe para samin ni Sohee.

My Answer Is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon