Chapter 8: My Angel

14.1K 606 184
                                    

Annica's POV

Papunta kami ngayon ni Hannah sa Campus Gym. 6pm daw kasi mag s'start yung talent show. Kailangan makapunta na kami dun agad baka kasi maubusan pa kami ng upuan.

Pagpasok namin sa gym ay halos pa puno na agad. Sobrang daming tao. Yung iba naka uniform pa ng ibang schools. Siguro dumiretso lang sila dito after ng class nila. Sobrang ingay. Siksikan din sa may entance. Grabe talaga ang AHSU.

May naupuan pa naman kami so far. Madami ng tao pero may mga vacant seats pa naman. Sobrang laki nitong gym kaya madami din talagang ma o'occupy to. Mejo malapit lapit parin naman kami sa stage kaya sure akong ma eenjoy ko ang program ngayong gabi. First time ko lahat kasi maranasan to kaya kahit pagod ako kanina sa booth namin eh may energy parin ako.

"Nica" napalingon naman ako sa tumawag sakin.

Nakita ko si Troy na kumakaway samin. Naglakad sya papunta sa pwesto namin at umupo sa tabi ko

"Kanina pa kayo?" tanong nya sakin habang nakangiti

Umiling ako. "Kakadating lang din namin." Ngumiti din ako sa kanya

Si Troy ang pinakauna kong nakilala sa School na to. Ang epic nga lang kasi mejo di maganda yung first meet up namin kasi natapunan nya ako ng juice. Pero pinahiram nya naman ako ng damit nun at hanggang ngayon di ko pa nababalik. Sabi nya kasi wag na daw. Mabait si Troy At napaka gentleman. Swerte parin ako kasi kahit outcast ako sa school na to ay may nakilala parin akong totoong mga kaibigan.

Ilang sandali pa ay nag start na ang program. Isa isa na tinawag ang mga judges and isa dun si Maam Liah. Uminit na naman ang mukha ko nung makita ko sya. Sa totoo lang kanina pa di mawala sa isip ko yung nangyari kanina sa booth. Alam ko naman na di nya talaga gagawin yun pero ewan ko ba. Kinakabahan ako. Di ko ma explain yung feeling.

Nag start na ang talent show at para kaming nanonood ng America's Got Talent dahil sa gagaling ng mga sumali. Di ako makapaniwala na mga studyante lang ang mga to. Bukod sa mayayaman ang mga mag aaral dito ay napaka talented din nila. Sobrang unfair talaga ng mundo noh?

Part din ng program ngayon ay ang special performance ng bawat Department. Kada matapos ang dalawang contestant ay may isa namang nag s'special perform. Kada building may isang representative para irepresent yung department nila.

"Oh my gosh Annica there you are" sabay kaming tatlo nila hannah at troy na napalingon dun sa nagsalita.

Si Miss Yna pala. Yung head ng Architecture Department.

"Yes po Miss Yna?" tanong ko sa kanya

"Ano kasi.. You see, Nathan cant make it tonight. Nagka emergency daw sa bahay nila so he had to leave before he can perform. Wala na akong ibang maisip pa na ibang mag rerepresent ng department natin lalo at rush na. Malapit na tayo mag perform. Will you help us Annica. Please? Represent our department" paliwanag ni miss yna na nagpanganga sakin

"Po??? No Miss Yna. Hindi ko po kaya" mabilis kong tanggi sa kanya. Ayoko. Di ko kaya humarap sa madaming tao

"Please Annica? Ikaw lang ang pag asa ko. Mapapahiya ang department natin pag walang nag represent satin" malungkot na sabi ni miss Yna

"Sige na Nic. Gusto ko din ulit marinig yung maganda mong boses." biglang sabat ni Troy.

Bonding kasi namin yung pag jam everytime vacant namin pareho. Lagi kaming nakikita ng iba naming mga teachers na nagkakantahan sa classroom pag vacant kaya siguro naisip ako ni Miss Yna.

"Pero di ko kaya. Kung tayo tayo lang okay sakin. Pero itong sobrang daming tao? Baka mahimatay lang ako sa stage" sagot ko naman. Feeling ko ngayon pa lang nanginginig na yung mga kamay ko

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeWhere stories live. Discover now