Chapter 24: Broken Pieces

12.3K 525 124
                                    

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Nilibot ko yung mga mata ko pero di ko talaga alam kung nasan ako. Ang sama din ng pakiramdam ko. Feeling ko pagod na pagod ako.

Napatingin ako nung nagbukas ang pinto. Stacey?

"Im glad you're awake. Tamang tama lang pala yung pagdala ko ng food"

Oo nga pala. Sumama nga pala ako sa kanya after nung nangyari kagabi. Nilapag nya yung dala nyang pagkain sa mini table dito sa kwarto.

"Come" tawag nya sakin. Tumayo naman ako at lumapit sa kanya.

"Let's eat" umupo ako. Sinunod ko sya sa lahat ng sinabi nya. Di ko kasi alam pano sya kakausapin. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa kong abala kagabi

Nag start na kami kumain pero tahimik lang. Pansin ko na pasulyap sulyap syang natingin sakin.

"Im not gonna ask you if you're okay cause i know you're not. Im gonna ask how you are feeling instead. Masama ba ang pakiramdam mo?"

Stacey said while looking at me. She sound worried. Nahihiya ako sa kanya. I know it's monday pero hindi sya nakapasok dahil sakin.

"No. Im fine. Sorry sa abala" nakayuko kong sabi. Di ko kayang tumingin sa kanya

"It's okay. Im glad that you chose to come with me"

"And sorry for bringing you here in my condo. You passed out last night. I cant bring you back at Ali's place kaya dinala na muna kita dito"

Condo nya pala to. Kaya pala di ako pamilyar kanina sa lugar.

"Okay lang. Thank you pala kagabi. And sorry na din dahil sa ginawa kong ingay sa loob ng kotse mo"

"It's okay. Crying can be a good way to get stuff out of your system, you know?" This time di ko na mapigilang mapatingin kay stacey.

"They say you have to cry to really let go of whatever was making you sad or angry"

Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko. Nararamdaman ko na naman yung sakit.

"So it's best to bawl and let it all out"

Di ko na napigilan yung pagtulo ng mga luha ko. Ito na naman. Hindi pa ba naubos to kagabi? Bakit tuloy tuloy parin. Bakit kasi sobrang sakit. Ayoko na eh. Ayoko na umiyak.

Tumayo si Stacey para yakapin ako. Sa totoo lang ayokong may nakakakita sakin sa ganitong sitwasyon. Pero in some reasons, gusto ko ding may mag comfort sakin kasi baka mamatay ako sa sobrang sama ng loob. Ambigat. Sobrang bigat.

"Just cry Nica. It's okay to cry. Even it hurts me so much to see you like this"

Napayakap narin ako sa kanya. Stacey is seeing me on my weakest time. I feel so sorry for myself. Ako ang naglagay sa sarili ko sa sitwasyon na to pero nandadamay pa ako ng ibang tao. All of these just because of my foolishness. Sino ba kasi ang niloko ko nung sabihin ko na okay lang kahit masaktan ako? No. Hindi okay na masaktan ako. Para akong mamamatay. Joke is on me. This pain is not okay at all.

-

Nakatitig lang ako sa phone ko ngayon. Di ko alam kung itutuloy ko ba o hindi. Nasa screen ko ngayon yung roaming number ni maam veron. Gusto ko sanang magpaalam kung pwede akong mag leave muna. Di ko kasi kayang harapin si Liah. Baka mag break down lang ako pag nagkita kami.

I managed to calm down myself thanks to Stacey. Kaya din ako nagkalakas ng loob para tawagan si maam veron. Pero kinakabahan ako. Pano kung di sya pumayag? Anong magandang irason? Di ko naman pwedeng sabihin na broken hearted ako kaya ako mag le'leave diba?

Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko at pinindot ko yung dial button. Sandali muna itong nag ring tapos sinagot na ni Maam. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sobrang kinakabahan ako ngayon.

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon