Chapter 46: Her Agony

11.7K 513 161
                                    

Nasa tapat ako ngayon ng isang malaking restaurant kasi dito ako binaba ng driver na sumundo sakin kanina sa hotel. Sa design pa lang at ambiance ng lugar halata mo na mamahalin talaga.

Dahan dahan akong naglakad papasok ng resto kasi nahihilo parin ako. Di ko naman kasi alam na mag aaya sila bigla ng dinner, kung alam ko lang edi sana di na ko nag inom kanina.

"Hello madame, good evening" nakangiting salubong saking ng staff dito sa resto "do you have a reservation?"

"Uh no. Im here for Mr. Salmonte"

"Oh. You must be Miss Annica Villaruel?" nagulat naman ako bakit alam na alam nya buong pangalan ko

"Yeah" patango tango kong sagot at ngumiti ng pilit

"This way madame" sumenyas sya na sundan ko sya kaya ginawa ko. Di ko naman alam kung san ako pupunta kaya sumunod nalang agad ako

Nagpunta kami sa parang private area dito sa resto. Ang sabi ng staff VIP area daw to at pina reserve ni Mr Salmonte yung buong lugar. Di ko alam kung ano ang okasyon pero mukhang wala namang ibang tao dito bukod sakin.

"We're here madame. They are waiting for you inside"

Kinabahan naman ako bigla. Pano ako papasok kung ako nalang pala ang inaantay? Umalis na yung staff kaya ako nalang mag isa ang naiwan na nakatayo dito sa labas ng room.

Huminga muna ako ng malalim bago dahan dahan na kumatok. Ayoko namang basta basta nalang pumasok kasi mas lalong nakakahiya yun.

Kakatok pa sana ulit ako pero biglang nagbukas ang pinto at bumungad sakin ang mukha ni Luke. Nagulat pa ako kasi di ko na naman ine'expect na makikita ko na naman sya.

"Hi there little one. Come" nakangiti na naman si Luke at binuksan yung pinto para makapasok ako sa loob

Nakita ko si Mr and Mrs Salmonte na nakaupo sa round table. Nilinga ko yung ulo ko pero wala nang iba pang tao dito kundi kami lang.

"Thank you for coming Architect" seryosong sabi ni Mr Salmonte nung makalapit na ako sa kanila

Tiningnan ko si Maam Veron na ngayon ay nakangiting nakatingin sakin. Napalihis lang ako ng tingin ng hilahin ni Luke yung isang upuan at sinenyasan ako na umupo dun.

Katapat ko yung mag asawa ngayon samantalang nasa gilid ko naman si Luke. Apat lang kaming nandito kaya naguguluhan na ako sa nangyayari.

Andaming pagkain sa harap ko pero di ko magawang kumain. Na iintimidate ako sa presence nilang tatlo. Di ako mapakali. Napansin yata yun ni Luke kaya sya na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko.

Tahimik lang kaming kumakain at wala ni isang kumikibo. Hirap na hirap akong lumunok pero mabuti naman at nagawa ko paring ubusin yung pagkain ko. Sana dinner lang talaga to kasi gustong gusto ko nang umalis.

"How's the food Hija?" muntik pa akong masamid sa tubig dahil sa biglaang pagsalita ni Maam Veron. Sobrang tahimik kasi nila kanina kaya nabigla ako ng magsalita sya

"It was good po. Thank you" pilit ngiti kong sagot at nginitian naman ako pabalik ni Maam Veron

"Hon" mahinang tawag nya kay Mr Salmonte kaya napatingin ako sa kanya

Seryoso lang yung mukha nya katulad ng nakasanayan. Looking at him up close, kitang kita ko talaga ang resemblance nila ni Liah. Lalo na pag ganitong seryoso ang mukha, ganyan na ganyan din sya. Para kang sinasakal kahit wala naman syang ginagawa.

"Can we talk about something with you Architect?" seryosong nakatingin sakin si Mr Samlonte kaya napalunok ako ng wala sa oras. Kinabahan ako bigla

"About what sir?" I tried to calm myself. Kailangan kong maging handa sa mga pwedeng mangyari

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeWhere stories live. Discover now