Chapter 27: Love and Hate

14.3K 475 199
                                    

"Upon checking on your records, yes it was already approved Miss Villaruel"

Halos mapatalon ako sa tuwa dahil sa sinabi ng school admin. Approved na yung scholarship ko. Im so happy!

"Thank you so much po!" di ko mapigilang ngumiti. Pinagbubuti ko talaga ang pag aaral ko para di mawala yung scholarship na binigay sakin ni maam veron

Lumabas ako ng school registrar na may ngiti parin sa labi. Ansaya ng salubong ng hapon sakin. Makakapasok na din ako sa monday. I need to tell Hannah about this.

Mabilis akong naglakad papuntang A-Building. Wala parin talaga masyadong pasok ngayon. Bukas na din kasi yung Acquaintance party kaya nag pa'practice na din yung mga mag pe'perform.

"Hannah" tawag ko sa kanya nung makita ko sya. Nakatambay sya ngayon dito sa may lobby ng building kasama yung iba pa naming mga kaklase

"Nicaaaa. I miss you" grabe miss agad. Kasama ko lang naman sya kahapon

Lumapit na ako sa kanila at umupo sa tapat nya. Binigyan naman ako ng space ng mga kaklase ko. Close ko na rin naman sila.

"Alam ko magkasama tayo kahapon eh. Miss agad?"

"Yes. Bakit bawal ba? Ako ba di mo na miss? Siguro may iba ka nang bestfriend no?!" sabi nya naman na may pagdabog pa ng kamay sa mesa. Napaka OA naman nito.

"Sinasabi mo? Ipagpapalit ba kita?" bigla namang nagbago yung mood nya at nginitian ako

"I know you're not" ngiting ngiti nyang sabi sakin. Mabilis lang talaga utuin si Hannah. She's so soft. Napaka cute.

"Nic, diba ire'represent mo yung department natin bukas? Nakapag practice ka na ba?" Napalingon ako nung bigla akong tinanong ng classmate kong si Sophia

"No. Wala akong time para makapag practice. Di ko nga alam if makakapag perform ako bukas eh" saglit akong napatigil. Ayokong mapahiya yung department namin dahil lang sakin

"What if pakiusapan ko si Miss Yna na maghanap na ng kapalit ko? Habang may oras pa"

"Pero bukas na yun. Kaya mo yan. Here" sabi naman ng classmate kong si Rhea tapos may inabot sakin na gitara

"Wala tayong pasok ngayon. Practice here. Now"

"Now? Actually di ko pa alam kung anong kakantahin ko bukas. Im so doomed" na stress ako bigla. Bakit kasi sunod-sunod yung nangyari. Wala talaga akong time para paghandaan to.

"Then just practice your vocals for now. We all know how good your voice is, Nic. Kahit di ka mag practice walang problema" napangiti naman ako kahit papano dahil sa sinabi ni Hannah. Napaka supportive naman talaga ng bestfriend ko na yan

"Hannah is right. Let's jam nalang. Sing for us" rhea said again. Di ko alam kung binobola lang ba ako ng mga to pero kahit papano nawala yung stress ko

"Practice my vocals? Hmm what should i sing" nag strum muna ako ng kung ano ano chords at nag isip muna kung ano yung kakantahin ko

"Hey i know that" sophia said when i started strumming the strings using my fingers. Nakaisip na kasi ako ng kakantahin. Ngumiti naman ako sa kanya as i started singing the song. Slowly and soft.

Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you

"Awwww" i hear sophia whispered

Shall I stay, would it be a sin?
If I can't help falling in love with you

Like the river flows
Shortly to the sea
Darling, so we go
Some things were meant to be

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeWhere stories live. Discover now