Chapter 47: Collided Hearts

13K 544 129
                                    

Aliah's POV

I cant help but to slam the steering wheel because of this damn traffic. My body is shaking because of anger. Hindi talaga sila nakinig sa mga sinabi ko sa kanila kanina.

Una pa lang iba na ang kutob ko nung bigla silang umuwi ng pinas. Alam kong may binabalak na naman silang hindi maganda at mukhang hindi nga ako nagkakamali. Hindi coincidence na makita ko sya sa hotel, alam kong may kinalaman sila dito.

Ginawa ko lahat ng gusto nila. Wala silang narinig na kahit ano sakin simula nung dumating kami dito. Wag na wag nilang susubukan na may gawin na namang masama sa kanya kasi this time magkakamatayan na kaming lahat.

Nung makita ko sya sa hotel kanina agad akong nagpadala ng tao para magbantay dun kaya nung inireport sakin na may sumundo sa kanya at dinala sa restaurant na ipinangalan ko sa kanya iba na agad ang kutob ko. Si Luke lang ang nakaka alam na kay Annica ko pinangalan ang restaurant na yun and lately napapansin kong kasama nya lagi ang mga magulang ko.

For the past four years, di ko na mabilang kung ilang properties na ang nabili ko under Nica's name. Gusto ko lahat ng pinaghirapan at pinagtrabahuan ko sa kanya mapunta. Wala naman akong kailangan sa buhay ko, pero sya at ang mga kapatid nya napaka importante nila sakin kaya gusto kong isecure ang future nila.

If ever na may mangyari sakin, panatag ako na hindi maghihirap ang taong mahal ko.

Finally i arrived at the place. Mabilis akong bumaba ng kotse para mapuntahan na agad sya sa loob. Hindi pa ako nakakarating sa entrance ng resto ng may nakita akong isang pamilyar na mukha

"Hazel?"

Mabilis syang lumingon sakin and there i confirmed, si Hazel nga.

Ir's been two years since the last time i saw her. Pa sekreto syang nagpunta dito sa US at nakipagkita sakin para makipag usap. I can say na malaki ang pinagbago nya

"What are you doing here?--No. What is she doing here? I told you to keep an eye on her didn't i?"

Sunod sunod ang mga tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot. Lumapit lang sya sakin at hinarap ako na seryoso ang mukha

"I did. I did everything you said except for one thing"

"What do you mean?" I asked her confused. Nginitian nya lang ako at nilagay ang dalawang kamay nya sa bulsa ng hoodie nya

"I shouldn't be here but i just want to make sure that my sacrifices wont go to waste for the second time"

Muli syang ngumiti sakin at naglakad na para lampasan ako. Naguguluhan ako sa sinasabi nya wala akong maintindihan

"Hazel wait--"

"You told me to tell her my feelings and make her mine no matter what. Sabi mo makakapante ka lang pag sakin sya napunta at hindi sa iba but.."she paused and face me again "how can i do that?"

Im confused looking at her. Di ko maintindihan ang sinasabi nya. Yes, i told her to court Nica. I tried to stop her before because i thought i can make Nica mine but i failed. Kung mapupunta lang din naman si Annica sa iba, mas gugustuhin kong sa kaibigan ko nalang.

Naguguluhan ako kasi akala ko sila na. I saw a lot of pics of them. Im hurt but i feel assured at the same time seeing her with the right person.

"How can i take away something that belongs to my bestfriend?"

She's smiling but i can feel sadness in her voice. It's been a long time since i last saw her and i miss her so much. Hindi lang sya kundi pati na din si Keira. They are one of the reasons kung bakit ayoko na mabuhay pa. Missing them day by day is killing me.

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeWhere stories live. Discover now