Chapter 23: It's Official

12K 505 295
                                    


"Everyone let's give a round of applause to our birthday celebrant, Mr. Zane Haji Valdez"

Nag start na yung main party. Sobrang engrande ng set up. Para akong nasa movie. Yung mga napapanood ko lang dati na experience ko na ngayon. Napansin ko din na mas dumami yung bisita ngayon. Mas madaming umattend ngayon kasi pinaka main party na ng birthday ni Haji.

"I'd like to thank everyone for attending my birthday party tonight. To my friends, my parents and ofcourse my girlfriend Keira, i love you babe. I wont make a long speech. Im not good at it. Let's just all enjoy the party tonight. Thank you"

Nagpalakpakan ang mga bisita at nilakasan na yung tugtog. Sobrang sweet ni Haji kay Keira. Bagay na bagay silang dalawa. It's been 4 years since may huling nagsabi ng i love you sakin. Di ko na maalala yung feeling. Kelan ko kaya mararanasan ulit yung ganyan. Yung tipong mahal ka din ng taong mahal mo.

Nakaupo lang kami sa table. Apat lang ulit kami kasi kailangan samahan ni Keira si Haji. Nagsasaya yung ibang mga bisita. Yung iba naman nag uusap. Kahit nasa party talaga business parin ang pinag uusapan nila.

Nakita ko si Stacey kanina pero kaway lang yung nagawa ko kasi yung mata ni Liah kala mo nananakal. Di ako kinikibo ni Hazel kahit magkatabi kami. Nahihiya din naman akong kausapin sya. Si Liah at Luke lang yung nag uusap samin dito sa table. Pero kanina ko pa napapansin na parang di mapakali si Luke. Parang kinakabahan na ewan.

Kahit para akong invisible dito eh na e'enjoy ko naman yung party kahit papano. Kanina ko pa kasi nilalantakan yung strawberry cupcake dito. Sobrang sarap kasi. Yung iba umiinom ng wine at champagne. Ako naman masaya na sa juice ko. May mga gustong magpakilala sakin pero binabara lagi ni Liah. Sobrang kj talaga. Pag kasama sya kailangan pipi ka dapat. Di ka pwedeng makipagusap sa iba.

"Sir, may gustong kumausap po sa inyo" narinig kong sabi nung nag se'serve ng drinks kay Luke.

"Okay. Babe, give me a minute. Excuse me" pagpapaalam nya kay Liah. Sweet naman. Tinanguan lang sya ni Liah. Bahala kayo.

"Masarap?"

"Huh?" Napalingon ako sa kanya. Bigla kasing nagsalita. Tinuro nya naman yung strawberry cupcake na kanina ko pa kinakain

"Yup. Gusto mo?"

"No. I dont like sweets"

"Okay" maikli kong sagot. malamang ayaw nya ng sweets. Diet yan eh. Kaya sobrang sexy kasi di kumakain ng matatamis.

"That's why you dont have a single drop of sweetness in your body, Ali" biglang sabi ni Hazel. Napangisi ako. Totoo kasi eh.

"Cause im not like you who only good at sweet talks, Hazel. I make move"

"Really? Do you want me to make a move as well?"

Tiningnan ng masama ni Liah si Hazel. Anong problema ng dalawang to? Pansin ko din na hindi sila masyadong nagkikibuan.

"What's going on here?"

Sabay kaming tatlo napalingon. Andito pala si Keira.

"Are you two fighting again?" Baling nya dun sa dalawa. Anong again? Lagi bang nag aaway tong dalawa?

"Ofcourse not Keira. Inaasar ko lang si Ali. Alam mo naman yan pikon"

"Okay. That's good. Uhm Nica?"

Napatingin naman ako kay Keira nung tawagin nya 'ko.

"Ikaw talaga ang pinunta ko dito. Can you do me a favor please?"

"Favor? Oo naman basta yung kaya ko lang" mejo kinakabahan ako. Anong favor ang sinasabi neto.

"This is just a peace of cake for you Nic. You see, naghahanap kasi si Haji ng singer na pwede kumanta ngayon. Isang song lang naman. Ikaw agad yung naisip ko. You and your angelic voice Nica"

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeWhere stories live. Discover now