Chapter 29: Acquaintance Party

12.6K 424 53
                                    


"Aray ansakit"

Bulong ko sa hangin habang bine'bend yung likod ko. Buong magdamag kasi akong nakatagilid natulog kasi hindi kami kasya sa kama ni Liah. Ngalay na ngalay yung likod ko samantalang sya kumportable ang tulog sobrang likot pa. Past 1am na kami nakatulog kasi hinarot nya ako ng hinarot. Buti na nga lang at napigilan ko pa sya sa gusto nya kagabi. Palala ng palala yung pagiging manyak nya. Di ko naman sya nakilala ng ganun. Jusko sinong mag aakala na ang isang Aliah Salmonte may tinatago palang kamanyakan sa katawan.

Sa totoo lang kulang na kulang pa ang tulog ko pero kailangan ko nang bumangon. Pupunta pa ako ng school. Siguro dun nalang ako iidlip pag nagka oras ako.

Naglinis muna ako ng Apartment bago maligo. Nagwalis muna ako at inipon lahat ng basura. Lumabas muna ako saglit para itapon yung mga yun. Ayoko matambakan ng basura sa loob ng bahay. Baka ipisin pa ko.

"Uy Annica nagkita ba kayo ng girlfriend mo kagabi?" napalingon ako ng biglang nagsalita si Ate Gema, yung may ari ng Apartment na tinutuluyan ko.

"Po?" taka kong sagot sa kanya. Di ko kasi maintindihan yung sinasabi nya

"May dumating kasing babae kagabi. Pinapabuksan yang unit mo. Eh ang sabi nya naman ay girlfriend mo sya kaya binuksan ko na"

Anong girlfriend? Teka si Liah ba ang tinutukoy nya?

"Uy ikaw ah. Di mo sinabi na may girlfriend ka pala at sobrang ganda. Mukhang mayaman pa"

"Ah. Hehe. Sinabi nya po yun?  Uhm.. Opo nagkita po kami"

"Ay mabuti naman. Swerte mo sa jowa mo. Ang ganda ganda tsaka mukhang mabait" kinikilig kilig pa talaga si Ate Gema. At ano daw? mabait? Parang gusto ko tuloy matawa

"Salamat po. Dito na po muna ako, papasok pa po kasi ako eh" pagpapa alam ko na. Baka chikahin pa ko mahirap na

"Osya sige" sagot naman nya kaya mabilis na akong pumasok ulit sa loob

Girlfriend pala ah. Yun pala yung sinasabi nyang I have my ways kagabi. Napaka galing talaga. Kung wala lang syang boyfriend sasabihin ko talaga na panindigan nya yung sinabi nya kay Ate Gema.

Pumasok na ako ng kwarto para gisingin yung girlfriend ko kuno. Lumapit ako sa kanya na ngayon ay himbing na himbing parin na natutulog. Pansin ko lang kumportable sya dito sa kama ko kahit sanay naman matulog to sa napakalaki at malambot nyang kama dun sa mansion. Para syang anghel pag natutulog. Pero pag nagising naman kabaliktaran. Nagiging demonyita.

"Liah.." marahan kong hinaplos yung mukha nya para gisingin sya

"Baby wake up" nagigising na sya at unti-unti nang minumulat yung mata nya.

This is a one blessed morning for me. Kung ito lang sana lagi ang bubungad sakin kada umaga siguro buong araw akong good mood. The prettiest girl i have ever seen my entire life. My angel in demon form. Kainis naman umagang umaga inlove na inlove ako.

"Wake up. You need to go to school. May event ngayon remember?" hindi nya ako sinagot at umupo lang sa kama. Half awake pa sya. So cute.

"Maliligo na ko. Umuwi ka na sa inyo, okay?" sabi ko sa kanya at tumayo na sa kama. Halatang wala pa sya sa mood at inaantok pa.

Hinayaan ko na muna syang mag muni-muni saglit. Lumabas na ko sa kwarto at nagpunta na sa banyo para maligo.

"Baby?" rinig kong tawag nya sa labas. Bumangon na siguro sya.

"Yeah?" sagot ko naman. Kaka start ko lang maligo kaya di ko na sya malalabas pa

"Hurry up. Sabay na tayo pumunta ng school"

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeWhere stories live. Discover now