Chapter 10: Heartbeat

14.2K 677 324
                                    

Aliah's POV

"you ready?" ngiti kong tanong kay maid nung pagkapasok nya ng kotse

Tumango tango lang sya habang nakangiti din sakin

"Okay. Let's go" i smiled again as i start the engine

Byahe kami ngayon papunta sa beach resort namin sa Batangas. Mejo malayo ang byahe kaya maaga kami umalis ng bahay. Buti nga at umokay kami ni maid kahapon. Di naman sya nagalit sakin. Di ko mapigilang ngumiti kapag naaalala ko yung nangyari kahapon.

*

"Please treat me as your girlfriend"

matagal bago nakapagsalita si maid. The light turned green pero di ko parin pinapaandar yung sasakyan. Rinig ko na yung busina ng ibang sasakyan pero wala akong pake sa kanila. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Being with you is more than enough for me. But being your girlfriend is a pleasure"

*

"Maam Liah?" natigil ako sa pag iisip nang biglang magsalita si maid

"Hmm yeah?" tanong ko sa kanya

"Kanina ko pa po kasi kayo tinatawag. Okay lang po ba kayo? Namumula kasi yung mukha mo" she said and sound worried.

Shit. Namula nako agad just by thinking of what she said yesterday?

"H-ha? Yeah ofcourse im fine. Nainitan lang kasi ako kanina bago ako pumasok ng kotse" palusot ko nalang. Sana di nya mapansin na nagsisinungaling ako

"Sure po ba kayo?" bigla nya akong hinawakan sa noo na ikinagulat ko naman.

Para akong nakuryente kaya nataranta yung kamay ko dahilan para gumewang gewang kami sa kalsada. Agad nya rin namang tinanggal yung kamay nya kasi nagulat din sya.

"My god Annica gusto mo bang ma aksidente tayo?!" singhal ko sa kanya nung naayos ko na ulit yung pag d-drive ko

"Anong ginawa ko? Chineck ko lang naman kung mainit ka eh" depensa nya naman

"I told you im fine. Dont do that again if you dont want us to end up on the hospital instead on a beach resort" sagot ko sa kanya habang pilit na pinapakalma parin ang sarili. Sobrang init ng pakiramdam ko kahit malamig naman sa loob ng sasakyan

Di na sumagot si maid at nag pout nalang. Di nya talaga kayang makipagsagutan sakin.

Isang oras na kaming nasa byahe. Wala pa namang traffic kasi maaga pa. Tiningnan ko si maid na ngayon ay tulog na tulog na. 30mins na din syang tulog.

Kanina ko pa sya ninanakawan ng tingin buti nalang talaga at tulog sya. Kita ko na namumula yung pisngi ni maid. Siguro nilalamig sya kaya pinahinaan ko yung aircon at binuksan na din yung music player. Isang oras na byahe pa bago makarating sa resort.

*Playing Enchanted by Taylor Swift*

Ang ganda ng kanta. Isa ito sa mga favorite kong kanta ni Taylor.

I was enchanted to meet you

Napalingon na naman ako kay maid. At first ayoko sa babaeng to. Galit na galit ako kay mommy nung pinakilala nya sakin si maid. Pero in just 3 months, unti unting nagbago ang tingin ko sa kanya. Kahit ayaw kong aminin sa sarili ko, alam kong iba na ang impact sakin ni maid ngayon. Di ko maintindihan. But i love the feeling.

-

7am na nang makarating kami ni maid dito sa resort. Nagising naman sya agad at nag unat unat pa. Nauna na ako bumaba para kunin yung mga gamit namin.

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon