SPECIAL CHAPTER

11.7K 396 70
                                    

Annica's POV

"Mom? Can i have a sandwich please?"

I heard my daughter Andi said. Nasa sala sila ngayon ng kakambal nya at nanonood ng series. Sabado ngayon so wala silang pasok at ganyan lagi ang quality time nilang dalawa.

"Mommy is not your maid, Andi. Go get your own food"

This time i heard Juli, Andi's twin sister. Sa kanilang dalawa sya yung tahimik at walang pakialam sa mundo. She's cold and serious pero samin ng Mommy Lia nya hindi naman. Madami lang talaga syang ayaw.

Napangiti nalang ako dahil sa sinabi ni Juli. I am once a maid on this house though. Yun nga lang nagayuma ko yata ang may-ari nito.

"It's okay. I'll get you some foods" nakangiti kong sagot sa kanila

Hindi naman nag aaway ang dalawang yan. Magkaiba sila sa lahat ng bagay pero magkasundo sila. They're twins pero sabi nila kung sino daw yung huling lumabas eh yun daw ang panganay and in their case, that's Juli. So makikita mo parin talaga kung sino ang superior sa kanilang dalawa.

Idagdag mo pa ang ugali ni Juli na namana nya yata sa Nanay nya. Bukod dun sa pagiging palaaway ha, hindi ganun ang anak ko. Masungit yan pero mabait.

Nagpunta na ako agad sa kusina para igawa ng sandwich yung dalawa. Di na kami kumuha ng katulong kasi kaya ko naman lahat ng gawain dito sa bahay. My kids knows some chores too. Tinuruan ko sila nung bata palang at sinabi ko na wag iaasa sa lahat ang mga bagay na kaya naman nilang gawin.

Nagtimpla na din ako ng juice para di naman mabilaukan ang mga anak ko. Pagkatapos ko ay agad ko na ding dinala yun sa sala para maka kain na sila.

"Here you go, honey" i said as i place their foods on the glass table

"Yes! Thanks Mom!" Andi said

"Thanks Mom" Juli also said with her cold and low voice as usual

"You're always welcome" nakangiti ko namang tugon sa kanila

Time sure flies fast. Parang kelan lang nagtatakbuhan pa silang dalawa dito sa sala pero ngayon, tahimik na nakaupo nalang habang ginagawa ang mga bagay-bagay na gusto nila.

My lovely daughters are eighteen years old now. And i can say that we did a good job raising them.

They're both college students and ofcourse they're studying in AHS-U. Andi is taking accountancy just like her mommy Liah and Juli is taking Law. Palaban kasi ang anak kong yan. Yun lang yata ang namana sakin.

Natigil sa panonood yung dalawa nang biglang tumawag yung isang mommy nila. Alam nyang nanonood ang dalawa ngayon at iistorbohin nya pa talaga.

May account na naka connect sa tv na gamit namin dito sa sala and everytime na trip nyang mang gulo, dun sya tatawag.

"Hi guys! Did i disturb you?" ngiting loko nitong sabi pagkasagot ni Andi sa tawag nya

"Not at all Mom" andi answered

I still remember when Andi said that she want to grow up like her Mommy Liah. She said she will make her mommy and I proud.

"Hi baby. Miss me?" baling naman nito sakin

"Not at all" i smirked. "But get your ass in here as soon as possible kasi may pag uusapan tayo"

"Yow bro, what did you do this time?" natatawang tanong ni Andi sa mommy nya

Pag nag usap talaga ang mga to parang mag to'tropa lang. Pano ba naman kasi, yung mommy Liah nila parang di man lang tumanda. Naging mature lang ng konti pero sobrang ganda nya parin. Nakakainis.

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeWhere stories live. Discover now