Chapter 9: Her Girlfriend

15.3K 660 205
                                    

Aliah's POV

"Good morning maam Ali. Ang aga nyo po yata ngayon" salubong sakin ni yaya mabel nung pagkapasok ko ng kitchen

"Ah opo. Maaga po kasi ako nakatulog kagabi sa sobrang pagod" sagot ko naman kay yaya mabel at lumapit na rin sa kanya

"Ah ganun ba? Osya sandali lang at tatawagin ko na si Annica" akma ng aalis si yaya mabel pero pinigilan ko sya

"Yaya wait. Uhm.. ako na po ang tatawag sa kanya" di ko alam pero parang nakaramdam ako ng hiya habang sinasabi yun

"Sigurado ka ba? Osya yung kwarto sa pinakadulo ng maid quarters, yun ang kwarto ni Annica" turo naman sakin ni yaya mabel na parang nagtataka pa kung bakit ako ang gustong tumawag kay maid

Tumango nalang ako at nagpunta na agad sa maid's quarters. Kahit space ng maids namin to eh malaki parin yung espasyo nila dito. Madaming rooms na akala mo eh nasa mamahaling apartment ka lang din.

Nakita ko na yung pinakadulong room. Ito na siguro ang kwarto ni maid. Kumatok ako pero walang sumasagot. Tulog pa kaya sya? Pero alam ko 6am na. Dapat ganitong oras gising na sya at inaantay na ako sa kusina para ipaghanda ng breakfast.

Kumatok ako ulit pero wala talagang sumasagot. Mejo naiinis nako. Di naman siguro masama na pumasok ako sa kwarto nya diba? Maid ko naman sya at nasa pamamahay ko parin sya.

Dahan dahan kong pinihit yung door knob and good thing its open. Dahan dahan ko paring binuksan yung pinto at sinara ito ng makapasok nako sa room nya. Napamangha naman ako sa ganda ng ayos ng kwarto ni maid. Sobrang linis. Konti lang yung gamit nya pero organize lahat.

Napansin ko din na halos lahat ng gamit nya dito is pink. Favorite color nya siguro yun. May set din sya ng books. Di ko alam mahilig pala sya magbasa. May gitara din sya sa gilid ng mini sofa. Naalala ko na naman tuloy yung kagabi. Ugh ayoko na isipin yun.

Napatingin ako sa kama at andun sya. Natutulog pa nga. Nag re'reflect yung araw sa mukha ni maid kasi dulo tong room nya kaya may bintana sya dito.

Nilapitan ko sya at tinitigan. Sobrang amo ng mukha nya pag natutulog. Tulog na tulog parin sya. Siguro napagod din to kahapon.

Umupo ako sa may dulo ng kama nya para mas lalo syang matitigan. Di ko alam pero these past few days sobrang gandang ganda ako sa kanya. Gusto ko sya lagi titigan kaso lagi nya din naman akong nahuhuli kaya no choice ako para lumihis ng tingin.

Pero eto ako ngayon, walang istorbo na tinititigan sya habang tulog. I trace every curve on her face. Ang ganda at mahaba yung mga pilikmata nya. Matangos and pointy yung ilong. And her lips..it always looks..

Tempting .

Bumalik ako sa wisyo ko ng biglang magmulat ng mata si maid. Sa sobrang kaba at gulat ko ay di ako nakagalaw. Feeling ko naninigas buong katawan ko kasi di ko mailayo yung mukha ko sa kanya.

Fuck!

"Hmmm. Maam Liah?" Nagulat ako ng hinawakan nya ang mukha ko. Shit di ko alam kung ano irereact ko

"Pati ba naman sa panaginip ko andito ka parin?" marahan nyang hinaplos haplos yung mukha ko.

Did i wake her up? But she said panaginip so akala nya nananaginip lang sya? But shit di parin ako magagalaw. Nakatitig lang din ako sa kanya habang hawak hawak nya parin yung mukha ko.

"Sobrang ganda mo talaga" ramdam ko yung pag init ng mukha ko nung sinabi nya yun. Her voice is so soft. Sobrang lambing.

Pumikit ulit si maid. Parang nakatulog ulit sya.

Dun ko lang nagawang ilayo ang mukha ko sa kanya. Dali dali akong tumayo at nagpaypay ng sarili. Damn it. May aircon naman dito sa room ni maid pero bakit sobrang init! Pano ko sya gigisingin ngayon? Baka maisip nya na di panaginip yung nangyari at baka mailang lang sya sakin.

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeWhere stories live. Discover now