Chapter 25: Her Pain

13.3K 537 248
                                    


Mejo crowded ngayon dito sa registrar's office. May mga nag eenroll parin kasi para sa 2nd sem. And im here as well para asikasuhin ulit yung scholarship ko. Di kasi sya direct na nag re'reflect sa record ko dito kaya kailangan ko ulit lakarin. So basically di pa ako officially enrolled this semester hangga't di pa naaprubanan. Buti nalang at di part ng process yung pagpunta sa owner ng school kasi baka mabitawan ko ng wala sa oras yung scholarship ko.

Wala akong ganang kumilos ngayon pero kailangan kong pumasok at asikasuhin to. I feel like a walking dead. Inside and out. Mejo nangingitim yung ilalim ng mga mata ko. Namumutla din ako. Ni wala akong ganang kumain. Parang pagod na pagod ako sa lahat ng bagay.

Natapos ko na ipasa lahat ng requirements ko para sa scholarship. Inabot din ako ng tanghali dahil sa haba ng pila. Naisipan ko muna bumalik ng building para makita si Hannah. Kahapon pa tawag ng tawag sakin yun sobrang nag aalala daw sya.

Nagtaka ako kasi parang may nangyayaring gulo sa A-Building. May mga studyante na nagkukumpulan malapit sa mismong classroom namin. Pilit kong sumiksik dun para makita kong ano yung nangyayari.

"I said where the fuck is she?!"

Napakagat ako sa labi ko. Di ako pwedeng magkamali. Kilalang kilala ko ang boses na yun. Mabilis kong inilusot yung katawan ko sa mga nagsisiksikang studyante.

"Aliah!" mabilis kong tawag sa kanya nung akmang sasampalin nya na yung kaklase kong si Tanya.

Nagpunta agad ako sa pwesto nila at tinago sa likod ko si Tanya. Ramdam ko yung takot nya. Nagiging demonyita na naman sya. Kahit walang ginagawa sa kanya dinadamay at sinasaktan nya.

"Come with me" mahina pero madiin nyang pagkakasabi

"No" madiin ko ring sabi sa kanya. Umalis na ako sa harap nya habang hila-hila yung kaklase ko

"Annica!"

"Ali wait ako na" rinig kong sabi ni Keira at agad itong tumakbo palapit sakin

"Nica please. Sumama ka na. You know what she's capable off. Just talk to her. Or atleast maka alis man lang sya dito sa building nyo"

Keira is right. Lahat kaya nyang gawin. Wala syang pake. Di ko alam kung ano pwede nyang gawin sa mga studyante dito once na di ako sumama sa kanya. Tiningnan ko si Tanya na natatakot parin.

"Sorry ah? Nadamay ka pa"

"She's so mad and looking for you. Hindi ko naman alam kung nasan ka kaya nagalit sya sakin" ramdam ko talaga yung takot boses sya. Halos lahat ng studyante dito takot kay Liah. Napaka maldita nya talaga.

"Pasensya ka na. Pumasok ka na muna sa classroom"

Sumunod naman agad si Tanya at pumasok na sa loob. Tiningnan ko si Keira na agad namang tumango sakin.

Naglakad na ako pabalik sa pwesto ni Liah. Nakatingin lang sya sakin.

"Nica" i heard someone called. Paglingon ko si Hannah yun.

"It's okay Hannah. I'll call you later" ngumiti ako ng pilit sa kanya.

Nakita kong naglakad na paalis si Liah. Sumunod na din kami ni Keira. Wala talaga akong choice kundi sumama sa kanya. Im physically and emotionally exhausted dahil sa kanya and here she is again pilit na dinadagdagan yun. I just want this to end. Sana ito na yung huli naming pag uusap. Di na kinakaya ng katawan ko.

"I'll leave you guys here. Just talk to her Nic and clear everything between you two. Hope you guys make it up" pagpapaalam sakin ni Keira nung nasa may hallway na kami. Nasa likod lang kasi kami ni Liah nakasunod sa kanya. Tumango nalang ako kay Keira at tuluyan na syang umalis.

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeWhere stories live. Discover now