Chapter 20: One Sided Love

12.2K 484 171
                                    


"Me"

Nagulat ako ng biglang nagsalita si Liah. Di ko namalayan na nakabalik na sila ni Hazel.

"You?" nagtatakang tanong ni Keira. Bakit kasi bigla syang sumabat

"Yeah. Like Me and Hazel had a talk. Let's all rest for now kasi mag ba'bar tayo mamaya"

Shet. Akala ko mahuhuli na ko. Ayaw kasi kumpletuhin ang sasabihin agad.

"Oh. Okay. I thought.."

"What?" nagtataka rin na tanong Liah. Wag ka kasing sabat ng sabat

"Nothing. So pano balikan ko na muna si Haji. You guys should rest na. Let's stay up all night on the bar later"

Tumayo na si Keira at bumalik na sa pwesto nila Haji. Nag start na din mag alisan yung ibang bisita. Yung iba siguro mag s'swimming na. Pero bakit kami mag re'rest? If i know si Liah lang nag suggest nung rest na yun. Nagpunta ng resort para mag rest? Ano yun!

"Babe do you wanna go swimming? May pool daw na exclusive for Haji's visitors"

Tiningnan lang ni Liah si Luke. Wag kang papayag sasakalin kita.

"Not now. Maybe tomorrow. We still have a day here"

Napangiti ako. Narinig nya kaya yung iniisip ko?

"Okay then. You guys should get back in your rooms. Maglilibot lang muna ako dito sa resort"

Nagpaalam na kami kila Luke at Hazel. Nagtaka naman ako kasi di na kumibo si Hazel simula nung pagkabalik nila ni Liah. Ni hindi nya ako tiningnan nung magpaalam ako sa kanya.

Nakabalik na kami sa hotel at akma ko na sanang bubuksan yung pinto ng room ko. Pero biglang kinuha ni Liah sa kamay ko yung susi.

"Where do you think you're going?" nakataas na naman yung magagandang kilay nya

"Dito. Room ko to diba?"

"I told you to stay with me. Ayaw mo ba akong kasama?" inis na yan. Nagpipigil lang

"Baka kasi di ka makapagpahinga pag sinamahan kita jan"

"What do you mean?"

Napaka slow naman neto.

"You know, baka harutin lang kita. Ikaw din baka di ka pa makapunta ng bar mamaya"

Syempre inaasar ko lang sya. Para naman mapagbigyan nya na ako mag solo sa magandang room ko

"I prefer that more. Let's go"

Binuksan nya na yung pinto ng kwarto nya at pumasok na. Ako naman naiwan parin na nakatayo dito sa labas. Napangiti ako. Para akong tangang nakangiti dito sa tapat ng pinto. Kinikilig ako kasi alam kong hard to get si Liah pero napapayag ko sya ng ganun kadali.

"Do i need to drag you or what?!"

Narinig kong sigaw nya galing sa loob. Galit na kaya pumasok na ako agad. Napaka bossy talaga kahit kelan. Well boss ko naman talaga sya kaya it makes sense.

Pagpasok ko ay saktong labas naman ni Liah ng banyo. Kumuha na muna ako ng pamalit dito sa drawer nya. Madaming spare shirts, pajamas and shorts dito na provided ng hotel. Magpapalit muna ako. Di ko feel mag dress sa loob ng kwarto. Malamig din kasi. Tsaka manipis lang yung floral dress ko.

Pumasok na ko ng banyo para maghilamos at mag thoothbrush. Sinuot ko na rin yung kinuha kong white v-neck shirt tsaka pajama. Pagkalabas ko ay nakita ko si Liah na nakahiga sa kama nya. Napansin ko din na nagpalit din sya.

"Can you stop doing that in front of me?"

Nagulat ako kasi bigla syang nagsalita. Anong ginawa ko?

"Do what?" taka kong tanong sa kanya. Sinasabi neto

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeWhere stories live. Discover now