Chapter 30: Acquaintance Party Pt. 2

11K 458 60
                                    

"This girl right here.. is mine"

My jaw almost drop when Stacey said those words. Sa harap pa talaga ng mga tao. Alam kong gusto nya ko pero di nya naman kailangang ipaglandakan yun sa iba. Di ko alam kung mahihiya ba ako o kikiligin sa ginawa nya. Ang alam ko lang pulang pula na ako ngayon.

"Yun lang guys. Game over na pala agad for us" sabi nung isang guy pero di ko sila magawang tingnan. Hiyang hiya na talaga ako

"Stacey.. ano bang sinasabi mo" pabulong kong sabi sa kanya. Nginitian nya lang ako tapos kinuha na yung make up kit sa bag nya

"Gaya nung nakaraan, light make up parin ang ilalagay ko sayo. I still want your natural beauty. Okay lang ba?"

Ang galing nya maglihis nang topic. Mas okay na din para di na kami kantyawan pa dito.

"Ikaw bahala. Sayo lang ako may tiwala sa ganito. I know you wont make me look funny"

"Ofcourse. You're effortless beautiful Nica. So kahit ayaw ko man, alam ko na madami ulit mata na titingin sayo mamaya" hirit nya pa ulit habang hinihila yung upuan nya para mas mapalapit sakin.

Inangat nya ng bahagya yung mukha ko para lagyan na ng kung ano-ano. Di ko alam kung ano yang mga yan. Foundation at liptint lang naman kasi ang gamit ko.

"Just a little more here and... here you go. All done"

Dahan dahan kong minulat yung mata ko pagkatapos nyang mag brush doon. Bumungad naman sakin yung magandang ngiti ni Stacey. So pretty!

"Ano bang gagamitin mong instrument? Para mabagay natin yung susuotin mo" tanong nya sakin habang inaayos yung make up kit nya.

Wala talaga akong practice pero i came up with a song kaninang umaga lang nung sinabi ni Liah na dapat para sa kanya yung kanta ko mamaya.

"I will play the piano again"

"Hmm.. well then, wait. Let me check" sabi nya naman at tiningnan isa isa yung mga damit na nakalagay sa table. Di naman halata na prepared talaga sya. "Here. Wear this"

Inabot nya sakin ang isang white dress na sleeveless. Above the knee pero silk yung tela na makapal. Di naman masyadong revealing sa may bandang dibdib kaya okay sa kin to.

"Magpapalit na ba ako? Agad?" tanong ko sa kanya kasi ang alam ko may program pa na gaganapin bago yung intermission number ng bawat department.

"Yup. Magiging busy kasi ako mamaya sa main event. Need ng help ni Ms Yna para sa pag organize ng department natin. Alam mo naman yun palaban at ayaw na nalalamangan ng ibang dep yung atin"

Tumango nalang ako sa kanya at sumunod na. Pinagbihis nya ako sa cr ng classroom nila. Nung una nahihiya pa akong lumabas pero tinakot nya ako na papasok sya sa loob pag di pa ako lumabas. No choice ako para lumabas at labanan ang hiya ko. Nagsipulan naman yung mga kaklase ni Stacey. Napayuko talaga ako dahil sa hiya. Mga senior ko pa sila.

"Good Job, Stacey. Galing mo talaga" rinig kong sabi ng classmate nyang girl. Nag angat naman ng balikat si stacey na para bang proud na proud sa sarili nya

"Dapat nag fashion designer ka nalang. You have a good eye pagdating sa ganyan" sabi naman nung isa nya pang classmate. Agree ako dun. Magaling sya pumili ng damit. Alam nya kung ano yung bagay. Baduy ako magdala ng damit pero alam ni stacey kung pano ako pag mukhaing tao.

"Nah. I'd like to draw and construct my future with her more" nakangiting loko ni stacey habang nakatingin sakin. Nag slow clap naman yung mga classmate nya. Ayan na naman sya sa mga banat nya. Di nya ba ramdam yung hiya ko dito

"Wala na. Tara uwi na tayo pre"

Kilig tawa yung mga kaklase nya samantalang ako gusto ko nang lamunin ng lupa. Ni hindi ako makapag react. Bukod kasi sa nahihiya ako, yung puso ko kabog ng kabog. Parang tanga.

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon